C h a p t e r 1 0 9

7 1 0
                                    

We haven't got the chance to talk that night. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong masasaktan ko siya ng husto. Alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko alam na ganito kabilis ang pagdedesisyon nila. Ang akala ko ay magkakaroon pa ako ng chance para bawiin ang pagpayag ko kapag nagkaharap kami nila Dad pero hindi na pala.


Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga kaganapan kagabi. Napakaaga rin ng mga kapatid ko na mambulabog. Parepareho kaming nakaupo sa sala pero wala namang gustong maunang magsalita.


I know Kuya Malt was part of the plan but I can't blame him for this. Besides, ako naman talaga ang nagdecide na payagan ang gusto ni Daddy.


"Listen, Maddy. His family will take care of you. I know Tristan is a good man too." panimula ni Kuya Malt. "The only reason I agree with this is that I know their family too well."


"Kahit na, sana nagsabi ka muna sa amin ng mga plano niyo." pangongontra ni Kuya Maze rito. "This is not our life, this is her life, Malt. Sino ka para mag-decide kung ano ang gusto niya?"


May tensyon sa pagitan ng dalawa kong kapatid pero mahinahon pa rin naman sila sa pakikipag-usap sa isa't isa.


"Do you think this is my own idea?"


"I'm saying, sana sinama niyo kami sa equation habang nagdedecide kayo. Lalo na si Madison. Para siyang bagay na ipapamigay niyo lang. Can't you see that?"


Ouch! That really hurts.

Kapalit ng mas magandang standing para sa business, nagkaroon ng merge para sa dalawang negosyo. At ang makakapagseal ng merge na 'yon ay ang pagpapakasal ko sa anak ng kasosyo ni Dad. Pwede bang hindi na lang ikasal, pero ituloy pa rin nila ang pagmerge ng business? Bakit kailangan ko pang madamay?


Hindi sumagot si Kuya Malt sa mga sinabi ni Kuya Maze. "We will be having dinner with their family tonight."


"What?" sabay pa kami ni Kuya Maze ng sinabi.


"His parents just got back this morning after hearing the news of the merger. Prepare yourself, Maddy. I got you a dress. " tumayo ito at inayos ang laylayan ng suit bago dumiretso sa may pinto.


Nagkatinginan kami ni Kuya Maze bago ito sumunod kay Kuya Malt palabas.

I can't think straight. Hanggang sa pag-alis nila Kuya ay nakatulala lang ako. Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, isa lang ang taong nasa isip ko. Si Gavin.


Is there a way to make it easy for him to accept if ever he finds out?


I looked at my phone, may message na si Gavin saying "Good morning, Princess!"

Hindi muna ako sumagot para isipin nitong natutulog pa ako.


Ipinagdarasal ko na hindi niya nakita ang dalawa kong kapatid na lumabas mula sa unit ko para hindi na ako magpaliwanag pa. Inabala ko na lang ang sarili ko maghapon sa paglilibang ng sarili kahit hindi ko alam kung paano ko iwawaksi ang lahat ng alalahanin. Nanood ng pelikula, umidlip, kumain, lahat na yata ay nagawa ko na para lang hindi ako lumabas ng bahay at hindi replyan ang mga taong nangangamusta sa social media lalo na't alam nila ang nangyari sa aming dalawa ni Gavin kahapon tungkol kay Isabel.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon