CHAPTER 13
I feel gloomy.
Nakatitig ako sa kisame ng k'warto ko at doon ko lang nakapa sa aking noo na may towel na nakalagay sa akin.
Tinanggal ko ito at nilagay sa gilid ng kama, hindi naman na gaanong basa ang towel. Kinapa ko ang sariling noo ko, wala na akong init na naramdaman. Maayos na rin ang pakiramdam ko.
Bumango ako at nakita kong wala si Coco sa aking room. Nasaan si Coco?
Tinignan ko ang buong sulok ng k'warto pero wala roon si Coco. Nasaan ang alaga kong aso?
Baka kinuha na naman ni Bennet, sa kanilang anim sa kanya ko nakitang malapit si Coco. Bago ako lumabas sa k'warto ko, nagpalit muna ako ng damit. Ang suot ko ay isang mahabang pantulog na hanggang sa aking gitnang binti.
Sino naman kaya nagpalit sa akin? Don't tell me, isa sa mga magkakapatid na niyo!
Shutangina!
Subukan lang nilang palitan ako ng damit, gigilitan ko ang mga leeg nila hanggang maubusan sila ng dugo at mamatay!
Pinihit ko ang doorknob at saka ako nag-psst-psst para makuha ang atensyon ng alaga kong si Coco.
Aso ang alaga ko, ha? Hindi pusa, doon kasi siya sumasagot kapag tinatawag ko si Coco.
Madilim pa rin dito sa hallway. Maaga akong nagising dahil buong araw yata akong natulog kahapon, kahit gusto ko pang ipikit ang mga mata ko 'di ko na niyon magagawa. Dilat na dilat na ang dalawang mata ko.
Nasa kalagitnaan ako ng hallway ng maramdaman kong kumulo ang aking tiyan, napahawak ako rito. Nagugutom na ako.
Kaya imbis na si Coco ang hinahanap ko, gumawi na lang ako sa kusina nila.
Hindi naman masama na magluto, 'di ba?
Nagugutom na ako, e.
Hindi ko nga matandaan kung kumain ba ako ng kanin kahapon. Puro tubig lang yata ang pumasok sa aking tiyan simula umaga.
Binuksan ko ang refrigerator nila, may nakita akong ham and eggs na nakalagay. Kinuha ko ito at maging ang hotdog.
Sunod kong tinignan ang rice cooker nila, may laman pa niyon. I-pa-fried rice ko na lang kaysa naman magsaing ulit ako.
Ginamit ko ang electric stove nila. Doon na lang ako magluluto, sanay naman akong gamitin ito dahil ganito ang ginagamit ko sa unit ko noon.
Inuna kong i-prito ang eggs, ginawa ko itong sunny side-up, masarap ito lalo na kung 'di gaanong luto ang dilaw ng itlog. Dalawa ang ginawa ko. Sunod kong pinirito ay ang ham and hotdog, sinabay ko na silang dalawa.
Habang tumatagal lalong nag-iingay at nagwawala itong tiyan. "Konti na lang maluluto na ito, kumapit ka na lang muna d'yan, tiyan ko!" Kausap ko sa aking sarili at tinapik nang mahina ang aking tummy.
Fried rice na ang ginagawa ko. Nilagyan ko lang ito ng hiniwa kong hotdog and isang batik na itlog.
Nang makatapos akong magluto saka ako kumain. Hindi ko na nga inabalang buksan ang ilaw sa dining table nila, sapat na iyong ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana. Baka kasi magising ko pa sila at nalaman nilang kinakain ko ang mga pagkain nila.
Para naman akong akyat-bahay nitong ginagawa ko.
Minamadali ko ang aking pagsubo para makatapos na akong kumain, huhugasan ko pa ang mga ito at saka ako babalik sa k'warto.
Saturday ngayon, wala kaming pasok. Kaya need kong magtanong kay Renma kung anong ginawa nila kahapon. Ayokong mahuli sa klase.
Oo, masungit ako.
Oo, maldita ako.
Oo, hindi ako nakikipaghalubilo sa ibang tao.
Oo, loner ako.
Oo, introvert ako.
Pero, grade conscious ako.
Ayokong bumababa ang grades ko.
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...