CHAPTER 39
Pagod na pagod akong napahiga sa kama ko. Hayop na Chance na iyon, hindi naman pala kaya ang mga extreme ride pero roon pa niya gustong sumakay.
Para akong nag-alaga ng bata sa buong araw namin sa Enchanted Kingdom. Buti na lang walang nakakilala sa kanya.
Pero, hindi ko maitatangging naging masaya ako kasama siya. Kahit ayaw na ng katawan at kaluluwa niyang sumakay sa mga extreme rides kanina, pinilit pa rin niya para lang may makasama ako sa Rio Grande and sa Jungle Log Jam. Buti na lang may nabili kaming kapote kaya hindi nabasa mga damit namin.
After ng Jungle Log Jam namin, doon ulit sumaka si Chance. Halos isuka na nga yata niya maging ang bituka niya kanina. Kaya after nu'n hindi na kami sumakay sa mga extreme ride. Huling sinakyan na lang namin ay iyong Ferris Wheel o tinatawag na Wheel of Fate.
Pagkasakay namin doon, naramdaman ko ang awkward sitwasyon naming dalawa. Dalawa lang kasi kami sa loob kaya naiilang ako lalo na't may sinabi siya kanina.
“Are you happy, Alice?” Tanong niya kanina na siyang nagpangiti sa akin.
Tumango ako sa kanyang ng ilang ulit. “Yup! Thank you, Chance, ha?!”
“Kung sino man ang pipiliin mo sa amin, ayos lang sa aming lima. Handa naman na kami sa mangyayari.”
Napabangon ako at ginulo ang buhok ko. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Seryoso ba sila? Ano naman ang nakita nila sa akin?
Mga masochist siguro ang limang niyon? Saka, hindi naman kami okay nu'ng Foster na ‘yon. Eww, ayoko nga sa mga deboto ni Sandra.
Yuck!
Tinignan ko ang phone ko. May mga iilang pictures din kami ni Chance kanina. Hinanap ko ang printer at kinonect sa phone ko. Pinirint ko ang picture namin ni Chance kanina habang ang background namin ay fireworks sa Enchanted Kingdom, naabutan pa kasi namin ang fireworks display.
Kinuha ko ang printed picture namin ni Chance at sinabit ko na rin sa ‘memory lane wall’ ko. Dalawa na sila ni Cadmus ang nandito!
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa picture naming tatlo. “Tagaytay and Laguna. Saan naman kaya next?” kausap ko sa aking sarili.
“Eh?” Dinampot ko ang cellphone ko at nakita ko roon na may email galing kay Bennet.
So, siya naman ngayon? Seryoso ba talaga sila sa gagawin nila? Hindi ba nila alam na magiging magkakapatid na kaming lahat lalo na't may magiging half-brother na kami.
Kinakabahan man ako sa email ni Bennet, pinindot ko pa rin ito at nakita ko na roon ang email niya.
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: bennetmohindisayo@gmail.comHi, sweetheart!
I hope your date with Chance was fun. Because now I will show you the real pleasure.
P'wede ba nating libutin ang Zoobic Safari? And, after that paglulutuan kita ng specialty dish ko.
See you on monday, Alice!
Loves,
Bennet 👨🍳Eh? Monday? May pasok ako niyon, ‘di ba? Siraulo ba siya?
Anong akala niya sa akin hindi na pumapasok? Hindi porket apo ako ng may-ari p'wede na akong umabsent. Siraulo.
Hindi na ako nag-abalang mag-reply sa email niya. Hindi rin naman ako papayag. Ilang absent na ba ang mayro'n ako simula ng makilala ko sila? Hindi ko na nga yata mabilang sa kamay ko ang pagkakaroon ng absent.
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...