CHAPTER 36
Masaya ako sa naging roadtrip namin ni Cadmus. Hindi ko aakalaing may gano'n pala siyang side. May pagiging makulit din pala siya.
Pagkarating namin sa Tagaytay kung saan-saan na kami pumunta, first time pala niyang pumunta sa Tagaytay kaya muntik pa kami maligaw buti na lang gumamit siya ng Waze kung ‘di aabutin kami ng siyam-siyam sa daan.
Marami kaming pinuntahan sa Tagaytay, kumain kami ng mainit na bulalo na siyang kinasarap niya. Mantikin mo pa naman, dalawang bulalo ang inorder niya. Isang order na bulalo pa nga lang ang dami na niyon para sa isang tao pero infairness naubos namin parehas. Gano'n siguro kapag first time ng isang tao kaya kahit napapaso na ang dila niya, go pa rin siya sa paghigop ng sabaw, ha? Sabaw niyong tinutukoy ko.
After namin kumain, nilibot namin ang buong Tagaytay kaya umabot kami ng alas-singko sa paglilibot. Kaya sinabihan ko siyang bumili kami ng peanut brittle at sundot-kulangot – mayro'n din kasi rito, para hindi ako mapagalitan nila kuya Harry.
Sabi ko nga sa kanya, sa susunod na roadtrip namin sa Baguio na kami tutungo mas marami kasing papasyalan doon. At, namiss ko na rin kasi pumunta sa Burnham Park. Buti na lang umo-o siya.
Ang kinababahala ko baka sumama niyong panget na Denver na niyon. Ihuhulog ko talaga siya kapag sumama siya.
Napahinto ako sa pagsusulat ng notes ko, binigyan kasi ako ni Renma ng notes hindi nga kasi ako pumasok. Kaya need kong mag-aral ng solo ulit.
Napasandal ako at tumingin sa kisame ng k'warto ko. Pumasok na naman kasi sa akin ang mga sinabi kanina ng mga nakakasalamuha namin sa Tagaytay.
“Ang sweet niyo naman, ‘neng.”
“Ang gwapo ng jowa mo.”
“Huwag mo na pakawalan niyan, Iha.”
“Magiging masaya kayo habang buhay, ‘neng, ang ganda ng kapalaran niyong dalawa.”Ang nagpatatak sa akin ay iyong sinabi ng matandang babae, tinignan niya kasi ang pareho ang mga palad namin. Maganda raw ang kapalaran namin sa isa't-isa.
Tinignan ko ang kanang palad ko at trinace ang guhit doon. Paanong naging maganda ito? Wala naman akong nakikitang iba maliban sa mahahabang guhit at maninipis at putol-putol na guhit na maliliit.
May third eye siguro niyong si Manang. Nagulat pa nga kaming dalawa ni Cadmus ng parehong hawakan niya ang kanang kamay namin, muntik na tuloy ako makapagmura nang malutong sa harapan ni Manang kanina.
Shutangina!
Pero, heto na yata ang magandang araw para sa akin! Hindi ko man lang naranasan ang lungkot kahit ilang segundo kanina na magkasama kami ni Cadmus. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag siya talaga ang nakakasama ko.
Tinungkod ko ang aking magkabilang siko sa aking study table, napangalumbaba ako habang nakatingin sa picture namin ni Cadmus na nasa memory lane wall ko, pinirint ko na kasi ang picture naming dalawa, na ginawa naming background ang Taal Volcano. Ang ganda ng pagkakuha sa amin. Buti na lang talaga pumayag niyong dalawang babae na picturan kami.
Napaubob ako sa aking study table. Alam ko na itong nararamdaman ko. Kung bakit nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko pagdating kay Cadmus. Kung bakit ako naiilang kasama siya. Alam ko na ang sagot. Kahit itanggi ko sa aking sarili o magpa-check-up ako, iisa lang ang sagot.
May gusto ako sa kanya.
KINABUKASAN, maaga akong kinatok ni Asher. Tinanong niya ako kung saan ako pumunta, kung bakit hindi na naman ako pumasok. Syempre sinabi ko ang totoo sa kanya. Daig pa niya si Detective Conan kung makapagtanong, akala mo nakagawa ako ng karumal-dumal na krimen. Wala pa naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/304570062-288-k295918.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...