29

12.8K 466 71
                                    

CHAPTER 29

“Alice, may naghahanap sayo. Quinn Hanlon ang pangalan!”

Napalingon at napataas ako ng tingin ng tawagin ako ng classmate ko.

Seryoso ba siya?

“Sino naghahanap sa akin?” pagtatanong ko ulit doon sa classmate naming nag-announce kanina na may naghahanap sa akin.

“Quinn Hanlon daw name niya.” saad niya ulit at bumalik sa pagwawalis ng classrooms namin.

Anong kailangan niya sa akin?

“Pakisabi nauna ng luma–”

“Nakita na kita.”

“Waah!” sigaw ko at napa-atras ng makita ang mukha ni Quinn. Sobrang lapit nito sa akin. “Anong kailangan mo sa akin?” inis kong tanong sa kanya at inayos ang gamit ko.

“Nag-email si uncle Reki sa'yo. Kailangan ka sa bahay.” kalmado nitong sabi sa akin at kinuha ang bag ko.

Napatulala ako sa kanyang ginawa at nakita ko na lamang na palabas na siya ng classroom namin. “Hoy! Ibalik mo 'yan!” sigaw ko sa kanya pero ang bwisit na Quinn na 'to parang walang narinig mula sa akin.

“Hoy!” ulit kong sigaw sa kanya pero bwisit nakalabas na siya ng classroom namin.

“Habulin mo na, Alice. Baka kung sa'n pa niya dalhin ang bag mo! See you tomorrow!” saad sa akin ni Renma kaya tumango ako sa kanya.

Mabilis akong lumabas ng classroom namin at nakita kong pababa na sa hagdan si Quinn.

Shutangina! Ang bilis niyang maglakad!

Tumakbo ako sa gitna ng corridor, wala na akong pake kung may mabangga man ako. Ang kailangan ko ay habulin ang isang niyon.

“Quinn! Quinn Hanlon!” sigaw ko nang malakas sa kanyang pangalan.

Huminto ito at tumingin sa akin pero agad din siyang bumalik sa paglalakad. Bwisit talaga ang isang ito.

Kanina napaka-cold niya sa akin. Wala man lang siyang sinabi na kahit ano kaninang umaga basta na lamang niya binigay sa akin ang lunch box na gawa ni Bennet.

At, siya lang din ang walang email na ginawa sa akin. Tapos ngayon may paganito siyang nalalaman.

Pinanganak ba ni Ms. Akuti si Quinn sa sama ng loob? Siya lang talaga ang bihirang ngumiti, e!

Hinablot ko ang kaliwang braso niya at sa wakas huminto na rin siya sa paglalakad. “Ano ba talagang kailangan mo?” Hinihingal kong tanong sa kanya.

Shutangina! Para akong nag-exercise ng isang oras.

Napahawak ako sa aking tuhod habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko. “Kailangan ka sa bahay.” Tipid niyang sagot sa akin.

Napamaang ako sa kanya. “Oh tapos? Iyon lang? Bakit kailangan ako sa bahay niyo?” pagtatanong ko ulit sa kanya.

Shutangina, nauuhaw ako!
Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa ng isang ito!

Nagkibit-balikat siya sa akin. “Basta kailangan ka raw sa bahay.”

Shutangina! Robot ba ang isang ito?

“Bakit nga ako kailangan sa bahay niyo? Last time I know, wala naman kayong parte sa buhay ko!” Nabu-b'wisit na ako sa kanya. Hinahigh blood na naman ako ng isang Quinn Hanlon.

“Step-sister ka namin.” Walang kabuhay-buhay niyang sagot sa akin.

Shutangina talaga! Kung p'wede lang pumatay ng tao, uunahin ko na ang isang ito. Pero, ayokong makulong! Dalhin ko kaya ito sa America, uso pa rin ba ang purge roon?

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon