16

14.6K 447 40
                                    

CHAPTER 16

My eyes narrowed as I felt my stomach swell.

I feel groggy.

Napa-upo ako sa kama at hinawakan ang tiyan kong kumukulo. Hindi ko alam kung anong oras na. Walang orasan sa k'wartong ito.

Umupo ako sa gilid ng kama at nakita ko si Coco na bumalik sa kanyang cage at doon natulog. Buti pa siya mahimbing ang tulog.

Isang sana all, Coco.

Tumayo ako at hinanap ko ang aking phone. Saan ko ba nilagay niyon? Tinaas ko ang unan sa aking kama, wala roon. Maging ang kumot ay tinaas ko rin pero wala rin doon. Saan ko ba nilagay niyon after kong mainis kay Foster?

Tinignan ko sa may table, finally! Nandoon ang phone ko. Tinap ko ito ng dalawang beses pero 'di umilaw.

Eh? Low battery?

Hinanap ko agad ang charger sa bag ko at chinarge ko ang phone ko. Low battery na nga.

Hindi ko man lang natignan kung anong oras na. Bumaba na lang ako dahil panay pa ring tumutunog ang aking tiyan.

Gutom na ako!

Madilim ang buong paligid dito sa first floor ng rest house. Lumakad ako sa kusina at binuksan ang ilaw roon. Malinis ang buong kusina.

Binuksan ko ang refrigerator, may nakita akong barbecue na nasa plato, marami pa niyon at may dalawang malalaking tilapia sa kabilang plato rin.

Kinuha ko ito at saka ko pina-init sa microwave. Mayro'n kasi rito, iyon na lang ginamit ko. Una kong sinalang ay ang barbecue, hindi ko na inayos. Hindi ko na nga inalis sa mismong plato kung saan ko ito nakita.

After, fifteen minutes nilabas ko na rin at sinunod ang tilapia. Habang nakasalang ang tilapia sa microwave, tinignan ko ang rice cooker pero ni-isang butil ay walang kanin na nakalagay.

Mukhang papapakin ko lang ito, ha?!

Hinintay ko na lang tumunog ang microwave at ng tumunog na ito, saka ko na rin hinango ang tilapia. Tinanggal ko ang saksakan ng microwave at saka gumawi sa dining table.

Hindi na ako gumawa ng sawsawan, gutom na ako. Kailangang asikasuhin ko na itong tiyan kong kanina pa nag-we-welga.

Heaven! Ganito ang gusto ko, ang mapag-isa ulit at walang nangingialam sa mga gagawin ko.

“Oh? Good morning?”

Naiwan sa ere ang aking pagsubo ng makita ko si Cadmus. Kumukuha siya ng isang bote ng wine at isang wine glass.

Eh?

“G-good morning?” pagtatanong ko sa kanya at binaba ang barbecue stick na may laman pa.

Tumango siya sa akin at umupo sa aking harap. “Maaga ka natulog, right? So, good morning na sa'yo.”

Nakita kong nagsalin ng wine si Cadmus sa wine glass niya?

Ayos lang ba siya?

Wine glass agad iinumin niya?

Nakatingin lang ako sa wine bottle na hawak niya habang naglalagay siya roon sa wine glass. “M-maaga na ba?” pagtatanong ko.

Hindi ko nga alam kung anong oras na, e.
Wrong timing kasi niyong cellphone ko, e.
Low battery na pala.

Narinig kong tumawa siya sa aking tanong. “Have you slept too long and thought it was morning?” Tumango ako sa tanong ni Cadmus.

“Anong oras pa lang ba?” pagtatanong ko sa kanya at bumalik sa pagkagat ng kinuha kong barbecue kanina.

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon