CHAPTER 40
“Hi ate Alice!” pakantang sabi ni Denver sa akin at kumindat pa siya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at tinuon ang aking tingin sa harap. Nakita ko si daddy Reki na lumapit kay Grandpa at may sinabi siya roon, maging si Ms. Akuti ay lumapit din kay Grandpa.
Mukhang after nitong simba na ‘to, makakasama pa rin namin sila. Sana hindi.
“Ate Alice, ang ganda niyo po sa dress niyo.”
Napatakip ako sa aking kanang tenga dahil sa ginawa ni Denver. Kung wala lang kami sa simbahan, kinutusan ko na siya nang paulit-ulit.
“Denver, seat down. Huwag mong guluhin ang ate Alice mo.”
Napaayos ako ng pagkakaupo ko nang marinig ang boses ni Ms. Akuti.
Ate Alice.
“Namiss ko lang po si Ate Alice, mommy!” Rinig kong sagot niya kay Ms. Akuti.
“You are in church, so behave first.” Mahinahon talaga ang boses ni Ms. Akuti.
“Okay po, mommy!” Naramdaman kong nawala sa likuran ko si Denver. Umayos na siguro sa pagkakaupo.
Lumingon ako sa aking likuran. Kumpleto pala silang lahat maging si Sandra nandito. “Hi, Ms. Akuti.” bati ko sa kanya at ngumiti.
“Nice to meet you again, Alice. I'm sorry for what happened the other day. I forgot you were afraid of loud sounds, Reki told me that, I forgot. I‘m sorry again.”
Ngumiti na lang ako sa kanya. “Okay lang po. Sorry din po kung umalis din po kami agad na walang pasabi, may pasok pa po kasi ako.” wika ko sa kanya at napaayos ulit ako ng pagkakaupo ng may magsalita na sa harapan.
Nag-umpisa ang misa na walang abalang nangyari hanggang sumapit sa ‘Peace be with you’.
“Peace be with you!”
“Peace be with you.”Sari-sari ang mga naririnig kong nagsasabi nu'n. Nagsabi na rin ako sa mga pinsan ko at sa elders pero hindi ako makalingon sa likuran ko.
“Ate Alice, Peace be with you po!”
Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Denver. Wala na akong choice kung ‘di lumingon na rin.
“Pe-peace be with you too...” saad ko sa kanya at ngumiti.
Nakita kong naka-peace sign pa talaga siya at nakangiti sa akin, kita ang kanyang ngipin.
Weird.
“Peace be with you, Alice.” Rinig kong sambit ni Cadmus sa akin kaya binati ko rin siya.
Maging ang iba pa nilang kapatid. Kahit sina Sandra at Foster ay binati ko na. Wala akong pake kung batiin din nila ako pabalik.
Mabait akong bata.
“Peace be with you rin po, Ms. Akuti and da-daddy...” saad ko sa kanilang dalawa at lumingon na ulit sa harap.
Tama naman ang sinabi ni Grandma sa akin. Kahit anong galit ko sa kanya, siya pa rin talaga ang daddy ko. Kahit marami siyang nilihim sa akin, siya pa rin ang daddy ko. Hindi na niyon mababago.
Nasaktan din siya nang mawala ang mommy ko. Hindi ko lang talaga nakita noon dahil baby pa ako. Wala pa akong kamuwang-muwang. Inalagaan niya ako at nang makita niyang p'wede na akong mahiwalay sa kanya, nagtrabaho siya agad bilang Archeologist.
Saka, kung hindi niya ako mahal. Sana tinapon na lang niya ako sa planet Nemic, ‘di ba? Saka, wala rin naman siyang magagawa dahil dugo't laman niya rin ako. And, baby boy kaya ang anak nila ni Ms. Akuti. Ako lang ang anak niyang babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/304570062-288-k295918.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...