CHAPTER 31
HINDI ako mapakali sa aking kinauupuan. Hindi pa rin mawala sa akin ang sinabi ni Ms. Chen.
“You're also Lazaro's, right?”
Hindi ko na magawang tumingin sa mga mata ni Cadmus dahil sa lintik na dibdib na 'to. Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng pagtibok.
“Yes, I am! I am Harry Lazaro the eldest son of Mr. Richard. I have a twin also named, Cole. Nice to meet you, Madam!”
Napaangat ang tingin ko ng marinig na magsalita si kuya Harry. Sa amin magpipinsan sila ang matanda sa amin. Pinsang buo ko sila, maging sina Tyron, Queen, Ryker and Ryder at ang kapatid nilang si Asher.
“Ooh, how old are you?” Narinig kong nagtanong ang isa pang bisita nilang babae. “I'm Bia, Akuti's sister too.” dugtong na sabi niya sa amin.
Yumuko si kuya Harry, “turning 24, Madam. Bennet and Cadmus is my friend.” sagot niya roon kay Ms. Bia.
Sabi na nga ba. Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko. Noong kinuha nila ako, si kuya Harry ang kumausap kay Cadmus at maging si kuya Cole ay sumama sa amin.
Kaya pala.
Magkakakilala na sila.
Nag-uusap pa rin sila pero hindi ko na masundan ang kanilang pinag-uusapan. Nakatingin kasi ako ngayon kay Denver na panay pa-cute sa aking harapan.
Sarap sipain, shutangina!
“Umupo ka nga roon, Denver!” madiin kong sabi sa kanya pero hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng mga tita, tito and pinsan nila.
Pero, sadyang pinupuno ako ng lintek na siraulong ‘to!
Umiling siya sa akin. “No po!” nakangiting sambit niya at nakatunghay pa rin siya sa aking harapan.
Pigilan mo ang sarili mo, Alice, baka masipa mo ang isang ito sa walang oras. At, sumabog pa ang nguso niya kapag sinipa ko 'tong si Denver.
Napailing na lang ako sa kanya at hindi na siya binalingan pa.
“Ate Alice, ang pretty niyo po.”
Tinaasan ko siya ng kilay at sinungitan. “Matagal na akong maganda! P'wede ba tantanan mo ako, Denver!” angil ko sa kanya at mahinang kinonyatan siya.
Napanguso siyang tumingin siya sa akin. “Pretty! Pretty niyo po!” Tumayo siya at sumigaw nang malakas. “Ang pretty po ng ate Alice ko!”
Eh?
Siraulo.
Shutangina ka, Denver!
Susugurin ko na sana siya pero naunahan na ako ni Quinn. Isang malakas na batok ang binigay niya sa bunsong kapatid nila.
“Quiet, Denver!” baritonong saad niya sa kapatid niya at bumalik ulit sa kanyang pagkakaupo.
“Waah! Kuya Cadmus!” sigaw nitong tawag kay Cadmus at doon umiyak ang huli.
Kawawa. Kasalanan din naman niya.
“Sshh, kasalanan mo rin kasi Denver.” Rinig kong pagpapahinahon ni Cadmus sa bunso nila.
“Hey! Am I caught up in mommy’s important news?”
Lahat kami ay napatingin sa itaas at nakita ko roon si Chance. Hindi ko siya napansing wala pa pala siya rito.
Bumaba ito at bakas sa suot niya ang mamahaling damit.
“Fortunately, I was able to catch up. I just came back from an interview on a cooking show.” sabi niya sa amij habang bumababa roon.
Inayos niya ang damit na suot niya at nagulat akong huminto siya sa aking harapan.
Eh?
Anong ginagawa ng isang ito?
Hindi ako makatingin sa kanya dahil naalala ko na naman ang email nila sa akin. Fcking shit sa mga endearment nila!“Hi, my sunflower!” malambing na saad niya sa akin at kinuha niya ang kanang kamay ko. Gano'n na lamang ang gulat ko ng halikan niya ang aking likod na palad.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon.
Abnormal ba ang isang ito?
Ano ba talagang hiwaga ang nangyayari ng mawala ako rito?
Baka sinaniban sila ng mga masasamang espiritu.
“You are so beautiful, my sunflower.” malamlam ang boses na pagkakasabi ni Chance sa akin.
Napapangiwi na ako sa kinikilos niyang iyan. Hindi ba siya nakiki-cringey sa sinasabi niyang iyan?
Ayos lang ba talaga siya? Baka saktan ako ng mga fangirl nito kapag nalaman ang ginawa niya sa akin.
“You're so fit in my– Waah! Quinn, Wait a minute I’m not done with what I’m saying to my sunflower!” Malakas niyang sigaw at saksi ang lahat ng nandito sa sala ang ginawang paghila ni Quinn kay Chance.
I was stunned.
Para siyang bata na hinila ng magulang dahil kung ano-ano ang pinabibili nito. Wala siyang nagawa sa kapatid niya.
Kawawang nilalang na, Chance.
“Si kuya Chance minsan may kulang na turnilyo sa kanya, ate Alice! Huwag ka po roon! Kaya mas maraming natatanggal na turnilyo sa mga fangirl niya po.”
Nagulat ako ng makitang katabi ko na naman si Denver. Bakit ba pasulpot-sulpot ang isang ito? Nakatakas na naman sa kuyang si Cadmus.
Nakatingin siya sa kapatid niyang si Chance na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Quinn. Kulang na lang ay kumuha siya ng dog leash at ilagay niyon kay Chance para 'di makawala sa kanya.
“Katulad ng sinabi ni Chance, gumanda ka lalo, Alice.”
Napalunok ako ng makita si Cadmus, katabi lang siya ni Denver. Kaya pala nakalapit ang isang ito nakabantay pa rin sa kanya ang panganay nilang kapatid sa kanya.
Hindi ko alam pero nag-uumpisa na naman uminit ang magkabilang pisngi ko at maging ang pagtibok ng puso ko ay bumibilis na naman.
Bakit nagiging ganito ako kapag malapit sa akin si Cadmus. Mali ito.
“Hi to everyone! Mommy and uncle Reki will also come down for their announcement.”
Lahat kami napatingin sa itaas at nakita namin si Bennet na pababa sa hagdan. Wala rin pala siya rito. Ba't hindi ko rin siya napansin kanina.
“Nice to meet you again, Alice! I hope you enjoy coming here with us again.” Nakangiting sambit niya sa akin habang nasa harapan ko ang kanang kamay niya.
Tinitigan ko lang niyon at nilihis ang aking tingin sa kanya. Isa rin siyang hindi naniwala sa akin. So, bakit ako makikipagkamay sa kanya?
Nahagip ko sa aking peripheral vision ang pagbaba niya sa kanang kamay niya. “Ano ba! Huwag mong guluhin ang buhok ko!” angil ko sa kanya ng guluhin niya ang pagkaka-ayos ng aking buhok.
“That's why I like you... because of your character. Even if they are my brothers, I will fight.” bulong na saad niya sa akin, na siyang paglaki ng aking mga mata.
“A-ano–” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng magsalita na si Ms. Akuti.
“Hello to all of you!”
May gusto akong sabihin sa kanya pero naagaw na ni Ms. Akuti ang atensyon ko ng makitang bumaba na siya kasama ang lalaki sa kanyang tabi, naka-alalay ito sa kanyang habang pababa sila.
Ano ang pinahihiwatig ni Bennet? Lalaban siya kahit sa mga kapatid niya?
Ano bang nangyari sa kanilang lahat?
Palihim akong napatingin sa kanila at doon ko nakitang lahat silang magkakapatid ay nakatingin sa akin ngayon maliban kay Denver na nakatingin kay Ms. Akuti.
•••
GoodNovel & Dreame: KenTin_12
Facebook page: KenTin_12 stories
( Road to 100 likes na iyan )
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...