CHAPTER 63
“Alice!”
Bagot na napalingon ako nang may tumawag sa maganda kong pangalan. Nakita ko si Renma na tumatakbong palapit sa akin.
“What?” bagot na sabi ko sa kanya at nag-umpisa na ulit maglakad.
Grabe, para akong pagod na pagod! Isang linggo pa lang ang nakakalipas nang manganak si tita Akuti – Yes, tita na ang tawag ko sa kanya ngayon. At, sa isang linggo na iyon ay nag-alaga ako ng aking baby brothe, his named is Azdrake Zellar. Kahit pagod ako sa pag-aalaga ay hindi ko iyon ramdam dahil sa sobrang cute ng aking kapatid. P'wera lang sa anim na abnormal sa bahay nila daddy.
Hay, naku! Ang kakapal talaga ng mga mukha ng anim na iyon! Sa buong linggong nandoon sila sa bahay nina daddy at tita Akuti, never silang nag-alaga p'wera siguro si Quinn at Cadmus, tumutulong silang magpatulog kay baby Azdrake puro iyong apat sakit sila sa ulo, jusko!
Mapapamura ka talaga sa kanila! Kung wala lang doon ang baby brother ko, pinagsisigawan ko na sila!
Paano ba naman kasi si Bennet, nagluto ng lugaw tapos papakainin daw niya si baby Azdrake iyon. Sige nga?! Sino hindi ma-i-stress, hah?
Then, si Foster naman, bumili ng boxing gloves dahil tuturuan daw niyang mag-boxing si baby Azdrake. Hindi ba niya alam na isang linggo pa lang iyong baby!
Hindi pa d'yan natatapos ang pagka-stress ko dahil simulang nabakante ang schedule ni Chance ay naroon na rin siya para mag-alaga raw pero sa huli nanonood lang ng variety shows and movies niya sa may sala pa. Take note, malakas pa ang volume nu'n.
Paano makakatulog kapatid ko, ha? Bwisit sila!
Isama mo pa itong bunso na si Denver, hindi na pala siya ang bunso sa Hanlon. Heto lang naman ang gigil ko kay Denver. Pinagbantay ko siya saglit kay baby Azdrake dahil wala akong tiwala sa mga kuya niya at eksaktong nasa University si Cadmus at si Quinn naman ay nag-aaral para sa examination nila sa nursing. Bago ako umalis sa k'warto ni baby Azdrake ay nakita kong kinakausap niya ang kapatid namin. Panatag akong umalis at pagkabalik ko, kung ano-ano na ang pinagsasabi niyang bad words habang inaalog ang crib ni baby Azdrake.
Pusanggala, ginawa niyang rides sa peryahan ang crib. Kinotongan ko nga nang malakas, mabuti na lang mahimbing pa rin natutulog.
Hindi lang iyon ang kinaiinisan ko dahil pagkarating nina daddy at tita Akuti, sila pa ang nagk‘wento kung paano sila napagod kaka-alaga sa baby brother namin. Nakaupo sila sa sofa at parang pagod na pagod pa.
Wala nga silang ginawa! Puro sila pasakit sa akin! Mabuti na lang sumang-ayon lang si tita Akuti sa kanila, paano kasi may CCTV sa bahay nila daddy at namomonitor pala nila ang galaw naming lahat sa bahay.
Buti nga sila! Nalaman tuloy ni tita Akuti na sinungaling ang mga anak niya. Tapos, gusto pa nilang magkaanak kaming lima. No way Jose! Baka kapag wala ako, imbis na ihele nila ang baby, e, ibitin na lang nila patiwarik!
“Hoy, Alice!”
Napapitlag ako at napahawak sa aking dibdib ng gulatin ako ni Renma.
Pusanggala! Kumalma muna tayo, Alice. Naiinis na naman tayo dahil sa mga magkakapatid na iyon.
“Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap pero niyang magkabilang kilay mo ay magkasalubong at nakanguso niyang labi mo habang naglalakad, at higit sa lahat may binubulong ka habang naglalakad. Akala ko nga nag-o-orasyon ka, e! Nakakatakot kaya ang itsura mo ngayon!”
Napahinto ako at tinignan si Renma. “Ayoko na! Pagod na ako, Renma!” suko na sabi ko sa kanya. Napatampal ako sa aking noo at umiling sa kanya.
“Eh? Ano bang nangyari sayo? Hindi ka ba natutuwa na may kapatid ka na? At, tinutulungan ka ng mga Hanlon na mag-alaga sa kapatid niyo?”
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Lãng mạn[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...