CHAPTER 58
KINABUKASAN. Hindi ako mapakali ng maglakad ako sa campus. Hindi na ako nag-disguise wala rin naman kasing saysay na.
Bumaba ako sa kotse at nauna na akong naglakad sa mga pinsan ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko i-relax ang isipan ko bago ko harapin ang mga Hanlon mamaya. Hindi ko alam pero hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Tyron sa akin. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya sa akin kahapon kaya hanggang pagtulog dala ko ito.
Diretso lamang ang aking tingin kahit naririnig ko pa rin ang bulungan sa paligid. Wala na akong pake sa tsismis na iyan, lamunin niyo kung gusto.
Naka-akyat ako sa room namin at umubob sa aking silya. Mahaba pa naman ang oras para sa unang bell. Ang iniisip ko kung paano ko idi-delivery ang aking sasabihin sa limang Hanlon mamaya. Paniguradong magagalit sila sa akin.
“Alice! Anong ginagawa mo? Inaantok ka pa ba, Alice may friend?”
Nawindang ako sa boses ni Renma. Ang isang ito kahit kailan, akala mo naka-megaphone ang bunganga. Tumingala ako at tinitigan siya nang masama.
“Aish, ang ingay mo! Ang aga-aga para ka na agad nakalunok ng megaphone d'yan!” galit na sabi ko sa kanya.
“Woooh! Easy, my bestfriend!” Nakataas amg dalawang kamay niya sa ere at umupo sa kanyang silya. “Ano na naman problema mo, Alice, baka matulungan kita?” pagtatanong niya sa akin at nagtaas-baba ang kanyang kilay.
Hindi ako sumagot sa kanya. Bumalik na lang ulit ako sa aking pagkaka-ubob sa lamesa ko.
“Psst, tungkol na naman ba sa tsismis na kumakalat, Alice?” Rinig kong pagtatanong niya sa akin.
Hindi pa rin ako sumagot sa kanya. Bahala siya. Kasi ngayong araw, nakapokus ang aking isipan sa pagkikita naming anim. Doon ako naka-focus ngayon at maging ang aking sasabihin mamaya.
“Psst. Uy, pansinin mo ko, my bestfriend Alice! Maiintidihan kita kahit ano pa ang problema mo ‘wag lang sa money dahil mas mayaman ang angkan niyo kaysa sa amin.”
Nag-uumpisa na naman siyang mag-drama. Dapat ang isang ito ay pinapa-audition sa mga agency, baka makapasok siya bilang artista.
Nagbell na nga, kaya hindi na ako nakulit ni Renma. Buti na lang para ‘di na ako kulitin ng isang ito. Nakatingin ako sa white board habang nagtuturo ang professor namin pero ang isipan ko ay lumilipad na naman. Malalagot talaga sa akin ang limang niyon kapag wala akong natutunan ngayong araw! Nag-highlights ako ng mga words na importante na sinasabi ni prof. para kahit lumilipad ang utak ko ay masundan ko pa rin siya at ma-aral ko ulit ang lesson.
“Psst, my bestfriend Alice, share mo na ang problema mo. I'm here, your bestfriend Renma! You can share your problem with me, that's what friends are for.” He smiled at me habang ang ulo niya ay nakabaluktot na nakatingin sa akin, para siyang si sadako.
Pinalo ko ang noo niya kaya napahawak siya roon at umayos nang pagkakaupo. “Aww. You hurt me, my bestfriend Alice!” pagmamakaawa niyang sabi sa akin.
Kadiri.
“Eeww, hindi bagay sayo, Renma. Huwag kang magpa-cute d'yan.” pagtataray ko sa kanya. “And, bakit good mood ka, ha? Anong mayro'n?” Ako naman ang napangisi nang makitang umiwas siya ng tingin sa akin.
May tinatago ang isang ito sa akin.
“Hoy, huwag mo akong tatakbuhan!” Mabilis akong napatayo at hinila ang likuran ng kwelo-ng suot niya. “Anong mayro'n, ha? Sabihin mo na sa akin.” pananakot ko sa kanya at mahinang sinisipa ang kanyang binti.
“W-wala! B-bitaw!” aniya sa akin pero hindi ko siya binibitawan.
“Akala mo makakalusot ka sa akin, ha? Kanina ako ang inaasar mo, Renma, ikaw naman ngayon ang magsalita. Anong mayro'n sayo? Magsalita ka kung ayaw mong ihulog kita sa building na ito.” Pananakot ko pa rin sa kanya pero joke lang iyong ihuhulog sa building, mabait akong nilalang.
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...