22

13.6K 426 105
                                    

CHAPTER 22

Hindi na ako nakatulog dahil ginugulo pa rin ako ng boses ni Foster. Ang bawal salitang binitawan niya ay paulit-ulit na naaalala ko sa aking isipan.

Bakit ang lakas nilang magsabing kasalanan ko? Nandoon ba sila? Nakita ba nila ang pinagdaanan ni mommy?

Wala sila roon! Wala!

Dinikit ko ang aking noo sa tuhod ko at doon ko iniyak lahat. Bakit sinabi niyon ni daddy sa kanila? Galit din ba siya sa akin? Kasalanan ko ba talaga?

Bakit?

Magkadikit pa rin ang aking mga tuhod at baba ko na ang nakapatong doon. Napasulyap ako sa aking cellphone ng tumunog ito, pangalan ni Asher ang lumitaw sa caller.

“A-asher...” nanginginig na banggit ko sa kanyang pangalan.

“Papunta na kami. Ihanda mo na ang mga gamit mo.” seryosong sabi niya sa kabilang linya.

Hindi ko alam pero biglang nagkaroon ng buhay ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Asher.

Pinatay niya ang tawag after niyang sabihin niyon. Tumayo na rin ako at gumawi sa bathroom kailangan ayusin ko ang sarili ko. Ayokong makita nila akong miserable dahil alam kong matutuwa silang dalawa.

Naghilamos ako at inayos ang aking mukha. Tinignan ko talaga kung bakas sa aking mga mata at ilong ang pamumula nito. Ayokong magtagumpay sila.

Hinila ko ang aking maleta malapit sa may pinto at maging bodybag and backpack ko ay dinala ko na rin doon.

Ang inaalala ko ay ang aso kong si Coco. Hindi ko alam kung paano ko siya kukunin. Ayokong lumabas sa k'warto ko hangga't wala sila Asher.

Nasagot ang tanong ko ng umilaw ulit ang hawak kong cellphone. Tumatawag na ulit si Asher sa akin.

“Nandito na kami.” saad niya sa akin.

May naririnig ako sa kabilang linya pero hindi ko matukoy kung kaninong mga boses na iyon. Sumasabay na rin kasi ang tunog ng tiyan ko. Kagabi pa ako walang kain at inom man lang.

“Lumabas ka na d'yan, Alice.” Pagkasabi niya niyon ay may kumatok sa pinto ng room ko.

Binuksan ko agad niyon at bumungad sa akin ang mukha nina Asher at Tyron na masamang nakatingin sa mga Hanlon.

“Asher!” tawag ko sa kanya at niyakap siya.

“Sshh... Nandito na kami, uuwi ka na sa Lazaro main house ka na titira kasama namin. Nag-aalala na rin sa'yo sila Grandpa.” Napasinghot ako sa sinabi ni Asher.

May uuwian pa ako. At, sa bahay na niyon, mahal ako ng mga taong nakatira roon.

“Sorry to say, Mr. Cadmus, iuuwi na namin ang pinsan ko sa amin.” Narinig kong sabi ni kuya Harry at doon ko lang din nakita si kuya  Cole ang kakambal ni kuya Harry.

“Psst, Tyron kunin mo na niyong gamit ni Alice. Buhatin mo.” utos niya kay Tyron.

Hindi pa rin siya nagbabago. Kung wala kami rito baka nag-away na ang dalawang niyan.

“Mr. Lazaro, alam ba ni tito Reki ang tungkol sa pagkuha niyo kay Alice.”

Nakayakap ako kay Asher kaya hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila pero alam kong boses ni Cadmus ang nagsalita. Sa kanilang magkakapatid siya lang may buo at may pag-aalala sa bawat boses niya.

“Kahit hindi na malaman ni tito Reki ang tungkol dito... Asher, ilabas niyo na si Alice. Doon na lang kayo sa sasakyan maghintay.”

Nilayo ako ni Asher sa kanyang pagkakayakap. “Come on,” hinawakan niya ang kamay ko at binitbit ang backpack ko. Na kay Tyron na kasi ang maleta at bodybag ko.

“T-teka, iyong aso kong si Coco...” Pagpapahinto ko kay Asher.

Sa pagkasabi kong niyon narinig ko na ang tahol ng aking alaga. Nakita ko si Coco na tumatakbong papalapit sa akin. Kinarga ko agad ito at sumunod na rin kay Asher. Ngayon ko lang napansing nandito rin si Chance.

Hindi ako lumingon sa kanila. Nandito rin kasi sina Foster at Sandra.

“A-ate Alice,” napahinto ako ng yakapin ako ni Denver. “Hu-huwag ka po umalis.”

Huminga ako nang malalim. Binaklas ko ang pagkakayakap sa akin ni Denver. “A-ayoko na rito, Denver. Sana hindi na lang ako nanirahan kasama niyo.” mahinang saad ko sa kanya.

May nakita akong lungkot sa kanyang mga mata pero hindi ko na iyon inalala. Lumakad na ulit ako kasama si Asher.

Sana hindi na ako bumalik dito.
Ayoko na silang makita lalo na si Foster.

Pinapasok ako ni Asher sa backseat, nakayuko lang ako pagkapasok ko. Hawak-hawak ko rin ang aking tiyan dahil tumutunog pa rin ito nang mahina.

Gutom na gutom na ako.

“Are you okay, Alice? May masakit ba sayo?”

Umangat ang aking tingin ko kay Asher ng magtanong siya. “N-nagugutom na ako. Kagabi pa ako walang kain.” mahina ko pa ring sabi.

Wala na akong lakas para magsalita pa. Nanghihina na talaga ako.

“Stay here, okay? Tatawagin ko na sila kuya Harry.” Binalingan niya ng tingin si Tyron. “Huwag ka na rin bumaba, Tyron. Dito ka na lang. Kanina pa kitang napapansin, nanginginig na niyang kamao mo.”

Pagkababa ni Asher ng kotse ay doon ko lang din nakita ang kamao ni Tyron nanginginig pa rin ito hanggang ngayon.

“Sinaktan ka ba nila?”

Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Hindi siya nakatingin at tanging sa ibaba lamang nakatuon ang kanyang mukha.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Um... H-hindi naman.” ani ko sa kanya.

Hindi ko na lang sasabihin ang tungkol sa pagsampal sa akin ni Foster, ayoko ng gulo at hindi ako sumbungera katulad ni Sandra.

“Kasi kapag sinaktan ka nila, Alice, hindi ako magdadalawang isip na sugurin sila. Handa ako makipag-away lalo na kung kayong mga babaeng pinsan ko ang nasasaktan. Kaya nga tinawag akong badboy sa ating magpipinsan, bakit hindi ko gagamitin niyon para sa inyo.” seryosong saad niya sa akin at ngumiting tumingin siya sa'kin.

“T-tyron...” tawag ko sa kanyang pangalan pero tanging yakap lamang ang natanggap ko sa kanya.

NAKARATING na kami sa main house ng mga Lazaro. Pagkatapos naming kumain ay dito na kami dumiretso. Pagkapasok namin sa main door, nakita ko agad sina grandpa and grandma na nakatayo roon at may ngiti sa mga labi nila.

Tumakbo agad ako sa kanilang dalawa. Kahit pasaway ako at ayokong tumira rito pagkatapos mamatay sina lolo't lola sa side ni mommy, hindi pa rin nila ako pinabayaan. Yumakap ako sa kanilang dalawa at doon na rin umiyak.

“Ssshh, Domino, parehas na parehas kayo ni Reki na iyakin talaga.” Lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay grandma dahil sa kanyang sinabi.

“Hindi na po ako aalis...” huling sabi ko at bigla na lang dumilim ang paligid ko.

•••

GoodNovel and Dreame: KenTin_12

A/N:

Babalik po ako after semana santa.
Thank you!
Btw, nasa dreame na ang story ni Tyron Lazaro - ang badboy. Pa-check na lang po! 💛😸

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon