CHAPTER 32
“Hi to everyone! I have an important announcement to you all!” She giggles.
Tumingin ito sa lalaking katabi niya. Habang nakapulupot ang kaliwang kamay ng lalaki sa bewang ni Ms. Akuti.
Ganyan din ba siya ka-sweet kay mommy? Ganyan din ba siya?
“Don't you notice the decorations around you? There are pink and blue balloons in each corner of this living room.” Bakas sa boses niya ang pagkasaya habang sinasabi niya iyon.
Halatang-halata naman, e.
Sinipa ko ang isang balloon na malapit sa akin paanan. Ang tagal naman nilang magsabi kung ano ang announcement nila. May pasok pa ako bukas.
Narinig ko na ang pag-uumpisa ng mga bulungan sa paligid ko. Mukhang alam na rin nila kung tungkol saan ang announcement na ito.
Tsk!
Umangat ang mata ko sa dalawang nasa harap namin. May binubulong si Ms. Akuti sa katabi niyang lalaki.
Mukhang hindi maganda ang pakiramdam kong ito, ha?!
“Omg! Omg! I'm happy to announce that... I'm pregnant!” Masayang pahayag niya sa amin at hindi mawala sa mga mata niya ang ngiti, sumingkit ang mga mata niya.
Tinignan ko ang katabi niya gano'n din ang kanyang ekspresyon. Masaya sila.
Nag-umpisa na ang sigawan nilang lahat dahil sa sinabi ni Ms. Akuti.
Edi, congratulations!
“Wait, calm down first! Um, actually, Reki and I ay matagal ng magkarelasyon, right?. And, right now, before we go home we checked first and we found out the gender of the baby.”
Gulat akong napatingin sa lalaking katabi niya. Matagal na? Bakit iyong email niyang ay parang kauumpisa lang ng relasyon nila?
So, hindi pa niya sasabihin sa akin kung hindi pa nabuntis si Ms. Akuti? At, hindi niya sasabihin sa akin kung wala pa siyang planong pakasalan ang babae?
Mahalaga ba talaga ako sa kanya?
“So, There's a balloon here next to me. When it explodes we will know what the gender of our baby Reki and I are! Um, can you pop it up, Alice?” Nakangiting nakatingin siya sa akin at nakalahad na sa kanyang harap ang matulis na bagay.
Napalunok ako. Nawala ang ingay sa paligid at doon ko lang napansing nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Maging ang katabi kong si Denver.
Napatingin ako kay kuya Harry. Ngumiti siya sa akin. “Sorry, Ms. Akuti, Alice is not used to loud noises especially the noise of balloon bursts.” Siya na ang nagsalita para sa akin.
Napatitig ako sa aking paanan. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
“Mahina lang naman ang putok ng balloon, Alice. You should try!”
“Yeah, to overcome your fear of the noise!”
“And, Aren’t you happy that you’re going to have a sibling too?”
Ang daming pumapasok sa aking tenga na maiingay na bagay. Bakit hindi nila maisip na ayoko! Bakit hindi na lang sila ang magpaputok ng lobong niyon? Bakit ba nila ako pinipilit?
“Ba-bakit hindi na lang ka–”
“Ako na lang, mom! I'll just blow up that balloon.”
Hindi ko naituloy ang aking pagsigaw dahil nakita ko ang pagtayo ni Cadmus sa kanyang kinauupuan.
Nakatingin na lahat sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Lumakad na siya palapit sa dalawang taong nasa harap namin.
Nang madaanan niya ako, ngumiti siya sa akin at tumango. Bakit lahat na lang ginagawa mo para sa akin, Cadmus? Ito ang ayoko sa'yo, e. Sobrang bait mo.
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...