50

10.9K 287 34
                                    

CHAPTER 50

“Saan ba tayo pupunta?” pagbubukas ko sa usapan.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Basta na lang sinabi ni kuya Cole sa akin na may Outing kami.

“Mount Purro Nature Reserve, sa may Antipolo. We need to relax our self. Habang nandoon kayo, ako ang naka-assign na magbantay sa inyong lahat. Especially, sa inyong dalawa Chase and Louie.” Pagpupunto ni kuya Harry sa dalawang nasa likod namin.

“Yes, captain!”
“Okay, kuya Harry!”

Sabay nilang sagot sa sinabi ni kuya Harry. Hindi talaga maganda kutob ko sa dalawang ito.

Pero, huwag akong mag-alala hanggang nandito sina kuya Harry and kuya Cole hindi dapat ako mag-alala sa dalawang nasa likuran namin.

“Why we need to relax our self, kuya Harry?” Nagulat ako ng magsalita si Queen, na siyang katabi ko. Akala ko tulog na ang isang ito, naka-eyemask kasi siya.

Napa-diretso ako ng pagkakaupo ng nilingon kami ni kuya Harry. “Malapit na ang Christmas.” Iyon lang ang sinabi niya sa amin.

Oh, shutangina!

Ang Christmas ang pinakamasayang araw sa buong mundo pero sa aming mga Lazaro, isa itong gulo. Dahil lahat ng angkan ng Lazaro ay nagsasama-sama sa main house at doon sineselebrate ang Pasko.

Masaya?
P'wes, hindi.

Sobrang gulo namin every Christmas. Akala mo mga nakawala sa hawla ang mga tao kapag araw ng Pasko.

Masisira ang isipan mo dahil sa mga pinsan at kamag-anak niyong may kanya-kanyang trip sa buhay.

Hays!

“Oh? Okay! We need to relax nga!” sagot ni Queen at sunod na narinig ko ay ang paghilik niya.

Shutangina, nakatulog agad siya!

Kababaeng tao, humihilik!
Ay, ako rin pala.

“Um, kuya Harry p'wede ba tayong dumaan sa drive thru? Hindi pa ako nag-di-dinner.” pakiusap ko sa kanya. Kumukulo na kasi ang tiyan ko.

“Good idea, Alice! Nagugutom na rin ako!” Napatakip ako ng aking tenga ng sumigaw nang napakalakas si Chase, malapit pa talaga sa tenga ko.

“Don't fcking shout, Chase. Hindi kami bingi!”  iritang saad ni Asher sa likuran namin.

Bale kasi nasa pangalawang row kami sa backseat, nasa unang row ay sina Tyron, Ryder and Ryker. Hindi namin sila pinaglalapit na tatlo baka kasi magkaroon ng sambong sa loob ng sasakyan.

“Oh, I‘m sorry sa pinaka-genius naming pinsan, Asher.” Bakas sa boses na iyon ang pagkapilosopo.

Buti na lang mahaba ang pisi ng isang ito.

“Okay, 500meter may madadaanan tayong fast-food restaurant.” anunsyo sa amin ni kuya Harry at tumahimik na ulit ang loob ng sasakyan.

Dumaan si kuya Cole sa isang fast-food restaurant at bumili sila ng mga pagkain. Ngayon ko lang din napansin, mag-a-outing kami pero wala akong nakitang ni-isang pagkain sa loob ng van, ni-wala ngang junk foods man lang o tubig.

Biglaang outing ba ito?

“Here's the food.” Nakita ko si Ryder na lumingon sa amin at binigay ang dalawang paper bag na may pangalan ng fast-food restaurant at drinks sa amin. Kinuha ko ang drink at si Asher naman ang kumuha sa paper bag.

Bumili sila ng friend chicken with rice and spaghetti, kumuha ako ng dalawa para kay Queen na tulog pa rin sa tabi ko. Maging burger ay kumuha ako ng dalawa. Binigyan naman ako ni Asher ng dalawang softdrinks, buti na lang may lalagyan dito sa van ng mga inumin – iyong nakakabit sa may likod ng upuan. Doon ko nilagay ang amin ni Queen.

Nang makakuha na rin si Asher ng pagkain niya, pinasa naman namin kina Chase and Louie ang tira sa kanila. Nakit ako pa nga tulog si Louie habang nakasandal kay Chase, bahala sila magkambal.

“Kainin niyo na ‘yan. May ime-meet-up tayo pagdating sa convenience store sa may cubao, 24 hours bukas n‘yon, bibili ng pagkain para sa outing natin.” Rinig kong sabi ni kuya Harry sa amin kaya ang ginawa ko ay ginising ko si Queen.

“Queen, kumain ka muna bago ka ulit matulog.” ani ko sa kanya. Mabait naman ako kumpara sa mga pinsan ko.

Teka? May ime-meet-up kami?
So, may kasama pa kami sa outing na ito?

“Sino ang i-me-meet-up natin, kuya Harry?” pagtatanong ko sa kanya at alam kong rinig ang tanong ko nu'n.

Nag-umpisa na akong kumain at maging sina Asher and Queen sa tabi ko.

“Ang mga Hanlon.”

Napahinto ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi ni kuya Harry. Tama ba ang pagkakarinig ko? O, nabingi ako ng ilang minuto? Parang may nagbara sa magkabilang tenga ko.

“Huh? S-sino? Sino raw, Asher?” pagtatanong ko sa katabi ko na tahimik na kumakain na.

“Hanlon,” tipid na sabi niya sa akin at bumalik ulit sa pagkain niya.

“Eh? Kasama sila? Bakit kasama sila?” bulalas kong sabi at muntik pa ako mapatalo sa aking kinauupuan, buti na lang naalala kong may pagkain sa hita ko.

Bakit kasama namin ang mga Hanlon sa pupuntahan naming resort sa may Antipolo.

“Ask the elders, Alice.” Nakita ko ang nakangising mukha ni Tyron sa akin.

Alam nilang kasama ang mga iyon?

“Alam niyo na kasama sila?” Gulong-gulo na ako.

Kailan nila ‘to pinagplanuhan?

Anong pakay ng elders ba't pinasama ang Hanlon na iyon?

“Susubukan sila ng mga pinsan natin,” Napalingon ako kay Asher ng magsalita siya. “Kung tunay nga ba ang pagkagusto nila sa'yo.” pagtatapos  na sabi sa akin ni Asher.

Buong byahe nakalutang na ang isipan ko. Alam kaya ni Quinn ito? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

So, ako lang ang hindi nakakaalam?

Naramdaman kong huminto ang sinasakyan namin. Sumilip ako sa side ni Queen, kumakain pa rin kasi siya hanggang ngayon. Nasa convenience store kami.

“Asher, come on. Samahan mo ko, mamimili tayo.” Rinig kong tawag ni kuya Harry sa katabi ko. “Chase and Louie, stay here, okay?!”

“Hai, master!” Malakas na sabi ni Chase kay kuya Harry. 

Hindi ako bumaba pero pagkabukas ng pinto rito sa may backseat, nakita ko ang seryosong mukha ni Cadmus at ni Bennet.

Kasama nga namin sila.

Shutangina, bakit hindi nila ako pagpahingahin muna.

Kahit isang araw ayoko muna makita mga mukha nila.

Pero...

“Ate Alice, hi!” Biglang sumulpot sa papasarang pinto ng van namin ang mukha ni Denver. Nakangiti ito at nakalabas ang kanyang ngipin na nakatingin sa akin habang kumakaway.

Binuksan niya ang pinto at nagulat akong pumasok siya sa loob. “Papasok po!” Nakangiti siyang tumabi sa akin.

“D'yan si Asher.” tipid kong sabi sa kanya pero hindi niya pinansin niyon.

“Magkakasama tayo, ate Alice ng dalawang araw. Sa monday pa kasi tayo uuwing lahat, e.”

Oh, shutangina!

•••

Hi, updated na rin po ang Dangerous Duo sa Dreame/Yugto app. Free po niyon hanggang dumating ang contract. 💛😊

Kaya magiging madalang na po muna ang update ko rito. 😊

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon