CHAPTER 51
Bakit kasama sila? Bakit kailangan nilang sumama sa outing namin? Kailan pa sila naging Lazaro?
Nakatunghod ako rito sa cabin namin ni Queen. Kami lang kasi ang babae na magpinsan na buo at the rest puro lalaki na ang mga pinsan namin.
Apat na cabin ang ni-rent nila, isa para sa amin ni Queen, isa para sa mga pinsan naming lalaki, isa para kina Chase and Louie – oo, pinaghiwalay sila ng cabin. And, lastly, ang cabin ng mga Hanlon. Akala ko nga kasama si Sandra pero umuwi raw ito sa kanila, may emergency sa kanila.
“Bakit need natin sumama? Mas gugustuhin kong magpahinga sa bahay!” irita kong sabi sa kanya.
“I don’t really know also, e. But, it's nice here. Look, oh, the place ay tahimik and nice. Nakita ko ngang may pool, rappelling, zip line and also p'wede raw mag-hiking dito.” pahayag niya sa akin habang abala sa paglalagay ng face mask sa mukha niya.
Okay, nandoon na tayo! Pero, bakit kasama sila? Alam ko naman related na sila kay daddy pero hindi namin sila pinsan!
Ako'y nanggigigil talaga!
Dapat niyaya ko na rin si Renma. Pasunurin ko kaya siya rito para may silbi naman ang pagiging mag-bestfriend naming dalawa.Gumapang ako papunta sa phone kong nakapatong sa kama. Wala kasi itong bed frame, tanging nasa lapag lang ang kama na nandito.
“Huy, Renma, sunod ka rito sa may Antipolo. Nag-a-outing kami, may mga magagandang babae akong natanaw.”
Message sent!
Pinain ko talaga ang salitang magagandang babae para pumayag at sumunod agad siya rito.
“You know what, Alice, Cadmus is nice and also Quinn. Quinn is cold guy but he's nice and gentlemen naman, right?”
Nilingon ko si Queen na magsalita ulit ito. Nasa mukha na niya ang face mask na inaayos niya kanina.
Napaisip ako sa sinabi niya. May sense naman ang sinabi ni Quinn, cold na tao siya mas malamig pa yata siya sa yelo.
“Uh-uh,” saad ko sa kanya at binalik ang tingin sa phone ko.
Ang tagal naman yata niyang magreply. May ginagawa na naman ba siya ng milagro?
Naalala ko tuloy niyong sinabi ng kapatid niyang lalaki, may naririnig daw siyang umuungol malapit sa k'warto ni Renma.
“Sino pipiliin mo sa kanila? You know naman, right? You need to choose sa limang iyon.” sabi niya sa akin at sa puntong ito nagkakalikot na siya sa kanyang phone.
Need ko bang mamili?
Paano kung wala akong mapili?Hindi ako sumagot sa sinabi ni Queen. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko sa kanya. Ayoko namang magbitaw ng salita sa kanya kung hindi naman ako sigurado.
Kuminang ang aking mga mata at napangisi ako nang makita ang pangalan ni Renma sa phone ko.
Binuksan ko agad ito, alam kong papayag si Renma sa minessage ko sa kanya pero gano'n na lamang ang pagkadismaya ko ng makita ang message niya sa akin.
“Sorry, Alice, sinamahan ko si mommy sa province nila. Next time na lang. Ingat.” Basa ko sa reply niya sa akin.
Bakit ngayon pa?
Padapa akong humiga sa kama. Lalo tuloy akong napagod.
Teka, may naalala ako.
“Magkakasama tayo, ate Alice ng dalawang araw. Sa monday pa kasi tayo uuwing lahat, e.”
Naalala ko niyong sinabi ni Denver sa akin. Two days lang kami rito.
Tama ba ang rinig ko sa sinabi ng pandak na iyon?!

BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...