CHAPTER 25
HAPON na ng magpasya akong bumaba sa sala. Nagpahatid lang ako ng pagkain ko kaninang umaga at tanghalian.
Hindi ko kasi kayang bumaba after ng pag-uusap namin ni daddy, umiyak ako nang umiyak.
Nagulat nga rin ako ng maka-receive ako ng tawag kay Cadmus, na agad ko rin namang sinagot.
“Alice!”
Napangiti ako ng marinig ang boses ni Cadmus sa kabilang linya. Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang boses ni Cadmus kumakalma ako.
“H-hi, Cadmus.” mahinang bati ko sa kanya sa kabilang linya.
“Susunduin ka na namin ni Denver, okay? Hintayin mo kami d'yan.”
Nagulat ako sa kanyang sinabi na agad kong nilayo sa aking tenga ang cellphone ko.
Nasisiraan na ba siya nang bait? Hindi ako uuwi, ano!
“Ayoko! Hindi ako uuwi! Never na ako uuwi ss inyo!” salita ko sa kabilang linya.
“Kailangan ka ni Denver... After mong umalis kanina nagkulong na siya k'warto ko, hindi na siya lumabas after nu'n at pangalan mo na lang ang laging binabanggit niya. Hindi rin siya nakapasok kanina.”
Bakas sa boses ni Cadmus ang lungkot doon. Iyong maldito na niyon iiyak para sa akin? Siguro wala na siyang kaasaran kaya gano'n niyon.
“Pero, ayoko na talagang bumalik sa inyo, Cadmus. Mas gugustuhin ko ng manatili rito kaysa makasama niyong dalawa. Sorry pero nakapagdesisyon na ako.”
Ibababa ko na sana ang tawag niya pero bigla na naman siyang nagsalita ulit.
“Please listen to me first, okay? Papunta na kami d'yan.”
“H-hoy! T-teka... Shutangina! Binabaan ako!” sigaw ko sa harap ng phone ko.
Inunahan akong magbaba!
Dapat ako ang unang magbababa ng tawag!Tsk!
Napatayo ako at agarang tumakbo sa bathroom dito sa may sala. Tinignan ko ang aking sarili, okay naman ang mukha ko. Maganda pa rin naman ako.
Teka? Ba't tinitignan ko ang mukha ko? E, si Cadmus lang naman niyon. Bigla akong kinabahan nang bumilis ang tibok nang puso ko. T-teka, shutangina! Parang may mali na sa akin.
Binuksan ko ang gripo rito sa sink at hinilamusan ko ang aking mukha. Tinapik-tapik ko rin ang magkabilang pisngi ko.
“Hoy, Alice Domino! Anong nangyayari sa atin?!” kausap ko sa aking sarili sa salamin.
Hindi p'wede ito. Baka kinakabahan lang ako kaya nag-a-alburuto itong puso ko. Tama baka kinakabahan lang talaga ako.
Kumuha ako ng tissue sa gilid ng bathroom at tinuyo ang aking mukha. Lumabas na ako ng bathroom, makakuha na nga ng pagkain at sa room ko na kakainin niyon para kapag dumating sila Cadmus, magtutulog-tulugan ako.
May nakita ako tasty bread sa counter ng kitchen, kumuha ako ng palaman sa refrigerator. Kinuha ko ang chocolate na palaman.
Apat na slice ang kinuha kong tinapay at pinalamanan ito. Nilagay ko ito sa platito at kumuha ng bottled softdrinks niyong maliit lang.
Bitbit ang mga tinapay at softdrinks ay lumabas ako sa kusina, nakita kong dumaan sina Cole and Harry.
Nandito pa rin si Harry dapat papunta na siya sa campus para sunduin ang tatlong itlog na niyon, ha?
Hindi ko alam pero sinundan ko silang dalawa at gumawi sila sa pond ng Main house na ito. Nagtago ako sa gilid ng malaking paso na mayro'n dito.
“Bakit ko ba ginagawa ito?” Nakatingin ako sa pagkaing hawak ko. “Makaalis na nga lang. Bakit ko pa kasi silang sinun–”
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...