CHAPTER 37
“Nandito raw si Chance iyong superstar!”
Eh?
Napatingin ako kay Renma kung tama ang aking pagkakarinig. Anong ginagawa ng hampas-lupang niyon dito?
Nilapitan ko ang dalawang classmates naming babae. “Sino ang nandito?” pagtatanong ko sa kanila.
Gusto kong marinig mula sa kanila na tama ang aking pagkakarinig sa sinabi nila.
“S-si Chance niyong sikat na artista ngayon, na-nandito, Alice. Iyong bidang lalaki sa ‘How to be fall to you’ na series ngayon. Sikat na sikat ngayon niyon, Alice. Hindi mo ba siya kilala?”
Aba, malay ko sa gagong niyon. Hindi naman ako die-hard fangirl niya. May series pala siyang pinagbibidahan ngayon?
Lumapit ulit ako sa bintana at tinitigan mabuti ang mga nagkakagulo roon. Wala naman akong nakikitang pulang buhok, red hair ang isang niyon noong huling kita ko sa kanya sa announcement ni Ms. Akuti.
Oh, shit!
Nakita ko na siya at mukhang nakita niya rin ako, kahit nasa malayo kami sa isa't-isa ramdam ko ang pagngisi niya.
“K-kulay blue na ang buhok niya...” usal ko ng makita niyon.
“Ah, nagpakulay siya ulit, Alice. Iyon kasi ang role niya sa series na ginagawa nila. Isa siyang singer doon, mas bagay nga sa kanya ang kulay na iyan!”
Napangiwi ako sa sinabi ng katabi kong babae, na pinagtanungan ko kanina.
Anong ginagawa ng isang ito rito?
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa hayop na Chance na ‘to.Natatandaan ko na naman ang sinabi niya sa akin. Sunflower your ass! Tss.
“Hi to everyone!”
Nagulat ako ng may magsalita sa ibaba. Ramdam kong lahat ng mga estudyante rito sa department namin ay nasa mga bintana na nila.
Shutangina, ba't may hawak siyang microphone. Anong gagawin ng siraulong ito?
“Hi to my fans, sa mga nagmamahal sa akin, how are you, guys?!” Nakangiting saad niya at nag-flying kiss pa, na siyang pag-ingay at pagtili ng mga classmate namin maging ang mga nasa ibaba.
Anong kalokohan ang ginagawa niya ngayon?
Kumalma ka, Alice. I-relax mo ang sarili mo sa isa sa mga anak na baliw ni Ms. Akuti.
Napatakip ako ng aking magkabilang tenga ng umingay at magkagulo lalo ang mga tao sa baba. Shutangina, may mga guard ng nandoon at nakapalibot na kay Chance.
Nasaan na ba ang kapatid nitong si Quinn, imposible namang hindi niya alam na nandito ang baliw niyang kapatid.
“I want to tell to everyone... especially to my dearest and kindest ... Alice Domino, can we go out just the two of us?”
Eh?
Napatanga ako at halos tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa aking narinig. May natanggal yata ulit na turnilyo sa utak ng isang ito.
Shutangina! Anong kinain ng isang ito?!
“Can we go out, Alice Domino?” Rinig ko ulit na tanong niya sa akin.
“Magkakilala sila?”
“Di ba ang tsismis dito close sila ng mga Hanlon?”
“Hindi na ako nagtataka, iyong si Quinn Hanlon nga pumupunta rito para puntahan at magtanong tungkol sa kanya.”
“Umo-o ka na, Alice, sayang naman. Si Chance na iyan, oh?”
“Swerte naman niya.”
“Sana ako na lang.”Samu't-sari na ang naririnig ko. At, pakiramdam ko mukha ako ang hot issue sa buong campus ngayon. Gusto ko siyang sugurin sa ibaba at pagbabatukan ngayon pero ang inaalala ko ang mga die-hard fangirl niya, na mukhang masama na ang tingin sa akin.
Humakbang ako papalayo sa bintana. Naku, magtimpi ka, Alice. Mukhang makakapatay tayo ng may sayad ngayon. Mukhang makukulong na tayo wala sa oras.
“Eh? Alice is gone? Was he embarrassed by my demeanor? Don't be shy, it's just me, Chance, a famous actor now.”
Hambog!
Kahit hindi ko nakikita ang mukha dahil malayo na ako sa bintana pakiramdam ko may kumikinang sa buong paligid niya habang sinasabi niya iyon. Lakas din ng amats ng isang iyon.
“I'm waiting for your answer, Alice! Let's date! Let's date! I also want to go to Tagaytay”
Napahinto ako sa pag-atras ko. Paano niyang nalaman na pumunta ako sa Tagaytay?
“Chance, she said Yes to you!”
“Huh?” Napamaang ako ng sumigaw ang baliw na classmate ko.
Shutangina!
Lumapit ulit ako sa bintana, “Wala akong sinasabing gano'n! Neknek mo!” sigaw ko at paniguradong dinig ang boses ko sa buong building namin.
“Oh yes! Thank you, my sunflower, my Alice Domino! I'll be waiting for you on Saturday, okay? I will pick you up.” Malakas ang boses niya tapos lumakas pa lalo dahil sa microphone na hawak niya.
Napatampal na lang ako sa aking noo, narinig ko ang mga palakpak galing sa ibaba.
Oh, God, sana ibuka mo ang sementong kinatatayuan ko at kainin na ako at huwag na ako ibalik dito sa mundong ibabaw.
Ramdam kong nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa siraulong ito.
After nu'n, ibalik ang lahat sa dati parang walang nangyari kalokohan sa buong building namin. After din niyon, binigyan ko ng kotong ang classmate kong sumagot kay Chance. Shutangina, siya dapat ang pumunta dahil siya naman ang nagsabi ng Yes, hindi ako.
Nakayuko nga lang ako ng bumaba ako sa building namin. Pakiramdam ko, ako ang pinagbubulungan nila dahil sa nangyari kanina.
Yari ka sa akin sa Sabado, Chance! Ihanda mo na ang sarili mong baliw ka!
“Oh, hi, Alice kumusta ang palabas sa tapat ng building niyo?”
Napangiwi ako sa sinabi ni Ryker. Ang saya-saya niya habang ako namomoblema. Sarap lamukusin ang mukha niya!
Tinarayan ko lang siya, dinaanan at hindi siya binigyang pansin.
“Sungit! Hindi mo ba alam na sa anim na Hanlon brother's, si Chance ang pinakamayaman sa kanila.” Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. “Interesting, right? Pang-apat siya sa magkakapatid pero siya ang pinakamayaman dahil iyon sa mga commercial and project niya bilang artist. Top seed artist siya sa lahat ng artist na mayro'n dito sa Pilipinas, kinukuha rin siya sa ibang bansa para gumanap sa series and movie.” Napalingon ako sa kanya at nakita ko roon ang nakakalokong ngisi ni Ryker.
“If I we're you, Alice, gumanti ka sa ginawa ni Chance kanina. Kung ako lang naman sa'yo.” Nandoon pa rin ang nagkakalokong ngisi niya. “Oh, siya, alis na ako! Kailangan ko pang sundan si Ryder. Bye!” paalam niya sa akin at sumipol habang palakad paalis sa Haven.
Nang mawala siya sa aking paningin. Napangisi ako sa aking iniisip.
Gaganti ako pero sa magandang paraan.
Humanda kang Chance ka, bwisit!
•••
Pa-like po: KenTin12stories https://www.facebook.com/106837831875209/posts/142297618329230/
Dreame & GoodNovel: KenTin_12
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...