7

18.6K 587 124
                                    

CHAPTER 7

Gano'n na lamang ang gulat ko ng hilahin ako ni Bennet palabas ng unit ko.

"T-teka! B-bitawan mo ako!" malakas kong bulyaw sa kanya pero walang epekto man lang. "May pasok pa ako! May examination kami ngayon!" Pilit kong kumakawala sa kanyang pagkakahawak pero malakas siya kumpara sa akin.

Nilabas niya ako sa aking unit at sa kabilang kamay niya ay bitbit pa rin niya si Coco. "Hey, let me go!" hiyaw ko sa kanya at tinatanggal ang kamay niya sa aking pulsuhan.

Nagulat ako ng sumulpot si Quinn sa gilid namin. Binuksan niya ang pinto sa isa sa mga unit na nandito, kahilera lang nito ang aking unit.

"T-teka, sa inyo ba ito?" bulyaw ko pa rin sa kanila pero ayaw nila akong sagutin.

Pumasok kami sa loob at doon lang niya binitawan ang aking pulsuhan. "K-kanino ito?" tanong sa kanila.

Walang kagamit-gamit ang unit na ito kaya imposibleng may nagmamay-ari rito.
"Ino-occupy namin ngayon lang para sa'yo." Tinarayan ko si Quinn na straight ang mukhang nakatingin sa akin. "Here's your uniform, Alice."

Gano'n na lamang ang pagkalaki ng aking mga mata ng makita ang underwear ko na hawak niya kaya kinuha ko agad ito at tinago sa aking likuran.

"Pervy!" sigaw ko sa kanya.

"Maliit ang size 'di ikaw ang type ko." pabalang na sabi niya sa akin, na siyang kinakulo ng aking ulo.

Tatadyakan ko na sana siya pero napigilan niya ang kanang paa ko. "Not again, spoiled brat!" Sabay ngisi niya sa akin.

Binitawan niya ang paa ko at muntik na akong mawalan ng balanse.

Nanggigigil na ako dahil sa kanila. Paano pa kaya kung makakasama ko silang anim sa bahay nila?

Tinignan ko iyong Bennet na abala sa pakikipaglaro sa aso kong si Coco. May sariling mundo na yata siya.

Kagatin mo niyan, Coco. Kalaban natin ang mga hayop na ito!

"Bakit ba gustong-gusto niyo kong sa inyo manirahan? Dahil ba sa sinabi ng daddy ko? No need! Kaya ko mag-isa! Lumaki ako ng mag-isa kaya 'wag na kayong magpanggap na excited kayong doon ako manirahan!" mariin kong sigaw sa kanilang dalawa.

"Sanay akong manirahan mag-isa. Sana akong mag-isa. Sanay akong walang nag-aalala sa akin. Sanay akong, ako lang at si Coco dahil doon ako lumaki. Lahat naman ay iniiwan, walang nagtatanggal." Blangko kong sabi sa kanilang dalawa.

Madilim na tumingin ako kina Bennet and Quinn, bakas sa mukha nila ang gulat dahil sa aking sinabi.

"Kung gusto niyo roon talaga ako manirahan. Huwag niyo kong papake-alaman. Maninirahan lang ako roon dahil sa gusto ng daddy ko. Pero, hindi ko kayo mga kapatid." huling sabi ko sa kanila.

Pumasok ako sa bathroom na nandito at malakas na sinara ang pinto. Napa-upo ako sa tiles ng bathroom.

Hindi ko na napigilang umiyak. Sanay naman na talaga akong mag-isa, walang nag-aalala, walang nangangamusta. Kaya siguro wala akong kaibigan hindi dahil sa surname ko. Kung hindi dahil wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin, kasi alam ko namang walang tumatagal. Lahat nang-iiwan.

Tumayo na ako at pinunasan ang aking magkabilang pisngi. Maliligo na ako. Bahala sila maghakot ng mga gamit ko. Bahala sila.

Binilisan ko ang aking pagligo. Ayokong tumanggal na kasama silang dalawa. Sa loob na rin akong nagbihis.

Sa paglabas ko, nakatayo roon si Quinn at mukhang hinihintay akong lumabas. Hindi ko siya pinansin at dumiretso akong lumabas sa unit kung saan nila ako pinasok.

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon