54

9.4K 260 45
                                    

CHAPTER 54

“I like you so much, Alice!”

Lumaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi at tinulak siya.

Shutangina!

Napangiwi ako ng umaray siya at napahawak sa kanyang pang-upo. “I like you so much. And, I can't really deny and hide it to you, Alice. In the passing days, the love that I have for you is growing even more, even if I share with my four siblings, it's okay as long as I'm with you.” Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin nang sabihin niya iyon.

Heto na ba iyong sinasabi nilang kailangan kong mamili? Bakit naman kasi ang haba ng buhok ko? Tapos, magkakapatid pa iyong nagkagusto sa akin.

“Um... C-cadmus, baka nabibigla ka lang? La-lasing ka na. Tara na, bumalik na tayo sa mga kasama natin at matulog ka na. Lasing ka lang.” sabi ko sa kanya at pinapatayo siya sa kanyang pagkakaluhod. Bigla kasi siyang lumuhod muntik ko na nga siya sipain, e.

“Huwag ka naman na magpabigat, Cadmus! Come on!” ani ko sa kanya at hinila siya pero hindi ko man lang maurong ang kanyang katawan.

Ang bigat niya.

“Hay! Bahala ka na nga d'yan! Kung gusto mong mag-stay na lumuhod d'yan, lumuhod ka hanggang bukas pa! Ako'y lalakad na pabali– Ay pala–”

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Cadmus nang bigla niya ako isandal sa puno kanina at ngayon ay magkalapat na ang aming labi sa isa't-isa.

First kiss ko, nakuha niya!

Bumilog ang mga mata ko ng kagatin niya ang aking ibabang labi na siyang pag-awang ng aking bibig at doon ko naramdaman ang dila niyang pumasok.

Napapikit ako ng maglaban ang dila namin sa isa't-isa. Nahihibang ako sa klaseng halik na binibigay niya sa akin. Hindi ko alam anong gagawin ko pero ayon sa isipan ko itulak ko raw si Cadmus at tadyakan sa pinag-iingatan niya pero ayaw naman kumilos ng aking katawan, ayaw sumunod sa aking isipan.

Napahingal ako at naghahabol ng aking hininga nang gumawi sa aking panga ang labi ni Cadmus.

Naramdaman ko rin ang kamay niyang naglilibot sa aking katawan. Oh, shutangina!

Kahit nahihibang na ako sa pinapadama niyang init sa aking buong katawan at pinilit ko pa ring ilayo ang aking mukha sa kanyang labi. Lasing siya.

“Cadmus, stop!” saad ko sa kanya at tinulak ang mukha niya.

Namumungay pa rin ang mga mata niya. “Alam ko ang ginagawa ko, Alice!” may hingal din sa kanyang boses.

“We should go back! Come on!” Tinapangan ko ang aking boses para sumunod siya sa akin.

Wala na akong pake kung mas matanda siya sa akin. Basta ako ang masusunod! Hinila ko ang laylayan ng kanyang suot na damit at lumakad para sumunod siya sa akin, hindi naman ako nagkamali.

“Why do I feel like you don’t believe what I said, Alice? I love you! I love you so much!”

Ayan na naman siya! Naiinis na ako. Ganito ba ang mga lalaki kapag lasing? Kapag nag-iinuman kasi ang mga pinsan ko, nilalayasan ko sila. Ang babaho kaya ng mga suka ng mga lasinggero!

“Alam mo, Cadmus, itulog mo na lang ‘yan! Kung ayaw mo pang bumalik, maiwan ka rito! Ako'y inaantok na rin!” Matapang pa rin ang boses ko sa kanya.

Hindi naman na ako inaantok. Nakatulog ako kanina sa may cabin ng mga pinsan ko, e. Gusto ko lang makaalis sa harapan niya.

Hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ano na naman ang nasa isip ng isang ito?

“Yeah, you should go back there. I'm stay here.”

Napatingin ako kay Cadmus dahil sa sinabi niya. Ano na namang ka-dramahan ng isang ito?

“Bahala ka sa buhay mo!” Naiinis na ako sa mga nangyayari.

Iniwan ko si Cadmus doon at bumalik sa mga kumpulan ng mga pinsan ko at ng mga Hanlon. Alam kong babalik din agad iyon.

Wala pang sampung minuto ang nakakalipas ng makabalik ako nang makita ko si Cadmus na umupo sa tabi ni Denver.

See? Babalik din siya.

Mukhang nag-uusap ang magkapatid pero hindi ko naman marinig dahil nasa kabilang table silang dalawa.

Tumayo na ako at napapagod na rin ang tenga ko dahil sa mga pinapatugtog ng mga pinsan ko. Hindi ko alam kung genre pinapatugtog ng mga ito.

Napansin ko ring wala na rito sina Queen and Asher. Mukhang nauna na silang natulog. Hindi na ako nagpaalam sa kanila at pumasok na sa cabin namin ni Queen. Kita ko roon ang pinsan kong sleep beauty na, may face mask pa sa kanyang mukha, nakalimutan niya sigurong tanggalin.

Pinagpagan ko muna ang kutson ko at sinarado na ang pinto and bintana sa cabin. Kahit katutulog ko lang kanina, pakiramdam kong nawalan ako ng lakas dahil kay Cadmus.

“Waaah!” Napasigaw ako at nagtalukbong ng kumot.

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Cadmus. Paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang salitang ‘I like you so much, Alice!’ at ang ‘I love you so much!’ niya, isama mo pa ang kiss naming dalawa.

Bakit ako sumagot sa halik niya? Bakit parang nagustuhan ko ang halik na iyon?

Gano'n ba ang halik? Anong tawag sa halik na iyon? Iyong dila niya pumasok sa bibig ko at naramdaman kong nakapa niya ang mga ngipin ko.

Nababaliw na ba ako?

Pero, itong puso ko kanina kung magtambol akala mo kakawala na sa akin dahil sa bilis at agresibo nito.

Ganito ba kapag na-i-inlove?

Teka? Inlove na ba ako?

•••

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon