55

9.4K 264 20
                                    

CHAPTER 55

LUMIPAS ang mga araw, hindi pa rin nawawala sa akin ang pagtatapat ni Cadmus at isama mo pa ang pagtatapat din ni Quinn sa akin.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga Hanlon na ito! Give me a break!

Gusto ko na lang gupitan itong buhok ko! Ano bang ginawa ko para ma-inlove sila sa akin? Hindi ko naman sila ginayuma!

Bwisit talaga ang mga Hanlon na ‘to!

“Alice Domino! Open this door!”

Napapikit na lang ako nang marinig ko ang boses ni Chaser. Bakit nandito ito? Hindi ba pumasok ang isang ito?

Nakauwi na pala kami galing doon sa Mount Purro Nature Reserve. Buong maghapon akong tahimik at nagtulog-tulugan sa buong byahe namin pauwi sa lugar na iyon. Ayoko kasi kausapin sina Cadmus at Quinn!

Akala ko si Cadmus lang ang magtatapat sa akin pero bago kami umuwi hinila rin ako ni Quinn at sinabing gagawin niya raw lahat upang sagutin ko lamang siya.

Kaya heto balak ko gupitin ang buhok ko. Kinakabahan din ako sa ibang kapatid nila! Kaya nagpasya akong hindi muna pumasok para hindi sila makita sa campus! Alam ko namang hindi nag-aaral ang mga iyon sa Lazaro University pero alam kong gagawa sila ng paraan para makita nila ako.

“Hoy, Alice Domino! Hindi mo ba bubuksan ang pintong ito? Tngina, sisirain ko ‘to!” Malakas na sabi ni Chaser at narinig ko na lamang ang malakas niyang sipa sa aking pinto.

“Teka! Heto na! Huwag mong sipain!” Sigaw ko pabalik sa kanya at inilang hakba ko lang ang pupunta sa pinto ng k'warto ko.

“Anong kailangan mo sa akin?” Irita kong sabi kay Chaser pagkabukas ko ng pinto.

Nag-e-emote ako rito tapos nanggugulo siya! Hindi ba niya alam ang ibigsabihin ng personal space ng isang ito?

Nakangisi siya sa akin. “Anong ginawa mo, aber?”

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Sabog ba ang isang ito? Nasaan ba si Louie at iniwan itong si Chaser?

“Anong ginawa ko? Anong pinagsasabi mo d'yan?” Takang tanong ko sa kanya.

Nag-a-adik na rin ba sila? Isumbong ko na kaya sila sa elders?

“Waaah! Te-teka! Ano ba ang ginawa ko? Nakakulong lang naman ako sa k'warto ko simula bumalik tayo galing sa camping!” Malakas na sabi ko kay Chaser at nagpapabigat pa ako para hindi niya ako mahila pero ang lakas niyang nilalang.

“Teka! Huwag mo nga ako hilahin! Mababali ang buto ko sa ginagawa mo!” Malakas pa rin ang boses ko pero para siyang walang narinig man lang.

Bingi na ba ang isang ito? Nabingi na ba siya dahil kakasuntok at away nila ni Louie?

Hinila ako ni Chaser hanggang makarating kami sa may living room. Nakabukas ang television doon.

“Oh? Anong gagawin ko rito?” Naiirita kong tanong sa kanya.

May papanoorin ba siyang movie at hindi niya alam kung paano ipunta sa netflix kaya nagpapatulong siya?

“Manonood ka ba ng movie? Nasaan ang remote? Ano bang movie ang papanoorin mo, Chaser?” Bwisit kong sabi sa kanya.

“Nope, look at that!” saad niya sa akin at pinaharap ang mukha ko sa television.

Lumaki ang mga mata ko na nakatitig sa television dito sa living room.

Shutangina! Bakit nandoon si Chance? Bakit siya nagpapa-interview? May bago ba siyang movie, series o kanta kaya ini-interview siya?

“I have a question for you, Mr. Chance! Totoo po ba ang kumakalat na may girlfriend kayo? O, isa lamang itong tsismis?” Narinig kong tanong nu'ng isang reporter.

Isang malas na babae ang magiging girlfriend ng isang iyan? Hindi nga niyan marunong magluto o gumawa ng gawaing bahay!

Nalaman ko lang iyan dahil kay Denver, tsinismis niya sa akin ang mga kapatid niya except kay Cadmus.

Deboto talaga siya ni Cadmus.

Napangiwi ako nang makita ko siyang ngumisi at inayos pa niya ang kanyang blue hair.

Anong nangyari sa siraulong ito? Para siyang bulate na binuhusan ng asin. Mukha pa talaga siyang bulate dahil ang payat niya. Ganito ba talaga kapag idol? Hindi na kumakain?

“Um, actually, I will not deny and admit that I have a girlfriend. But, to Alice, I will wait for your answer.”

Teka, pangalan ko iyon, ‘di b?

“Ayan, ang sinasabi ko sayo, Alice Domino! Maging ang payatot na ’yan pinatos mo?”

Inangilan ko si Chaser. “Huwag mo kong kausapin!” Galaiting sabi ko sa kanya.

Shutangina! Alice lang ang sinabi niya! Hindi ang buong pangalan ko kaya huminahon tayo, Alice. Kalma, okay?

“Sinong Alice ang tinutukoy mo, Chance? Baka lahat ng Alice na may pangalan ay mag-assume, nakakatakot ang gano'n, Chance.” Intriga nu'ng reporter.

Shutangina, bakit nagtanong ka pa?

Anong pangalan mong reporter ka at ipapa-ambush kita para hindi ka na makapagtanong pa!

“Oh,” Nandidiri akong tignan si Chance. “One of the Lazaro, it's Alice Lazaro.”

Alice Lazaro.
One of the Lazaro.

Parang bomba na paulit-ulit na ume-echo sa aking isipan ang sinabi niya.

Sinabi niya ang pangalan ko. Ako lang naman ang Alice sa pamilyang Lazaro.

“Shutangina ka, Chance! Huwag kang makalapit sa akin!” Sigaw ko at binato ang television dito sa sala namin.

Basag.

“Hala, yari ka, Alice! Binasag mo ang tv dito sa sala.” Nakangising pananakot sa akin ni Chaser.

At, doon lang ako natauhan. Nabasag ko ang television dito sa living room. Yari ako nito.

Kunwari hindi ko narinig ang sinabi ni Chaser at patay malisya akong umalis sa living room.

“Huy, Alice Domino, iyong television dito, anong gagawin mo? Binasag mo!” Sigaw niyang sabi at paulit-ulit pa.

Gusto niya rin ako mapagalitan ng elders. Neknek niya!

“Bahala ka sa buhay mo d'yan!” Sigaw ko sa kanya pabalik at patakbong umakyat sa k'warto ko.

Magpapatay malisya na lang ako na hindi ako ang nakabasag sa television. Walang nakakita sa akin p'wera kay Chaser kaya p'wede ko siyang ibaliktad sa pangyayari kapag tinawag na kami ng elders.

Napangisi na lang ako sa aking iniisip. Pero, ang kailangan ko ngayon ay pagsalitaan itong si Chance.

Lintik lang ang walang ganting hinayupak na Chance ka!

Binuksan ko ang laptop sa study table ko at hinanap ang email ni Chance.

To: nomoreonemoreChance@gmail.com
From: alicelazaroatyourservice@gmail.com

Hoy, isa kang demonyo na nagpapanggap na mabait sa harap ng camera! Sinong may sabi sayong sasagutin kita, ha? Utot mo kulay blue, Chance, never kitang sasagutin at maging ang mga kapatid mo!

Mangarap kayo ng gising habang buhay! Mga bwisit kayong mga Hanlon!

Nagiging demonyong na magandang babae,
Alice Domino ★

Email sent.

•••

A/N:

Happy 20k followers to us!!🥳
Hindi ko alam kung saan niyo po nahahanap ang account na ito pero maraming salamat po sa pag-follow!💛

Bukas na ang umpisa ng Daily Update ng The Blind Master's Maid. Sana subaybayan niyo rin po. 💛😊

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon