45

11.1K 345 78
                                    

CHAPTER 45

To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: RekiTheArcheologist@gmail.com

Hi, to my one and only pretty daughter, Alice!

I hope I saw your happy face while you were on Zoobic Safari and enjoying the animals that were there.

I want you to be happy that I didn't give it to you. I love you, Alice.

Loves,
Daddy Reki.

Basa ko sa email na natanggap ko mula sa kanya.

Siya na ang sunod na magiging ka-date ko. Kahit baliktarin natin ang mundo, siya pa rin ang nag-iisang daddy ko rito. At, hindi ka man maaminin, namiss ko siya ng sobra.

Napapangiti na lang ako habang nagtitipa pabalik sa email ni Daddy

To: RekiTheArcheologist@gmail.com
From: Alicelazaroatyourservice@gmail.com

Hi, daddy!

Can we meet after my class. I have something to tell.

We can meet at the restaurant we always go to and eat at near campus at 4:30 in the afternoon.

See you, dad!

Your only daughter,
Alice Domino ★

Message sent! Nakangiti pa rin ako ng i-send ko niyon. Ito siguro niyong sinasabing ‘After the rain there's always a rainbow.’ Pagkatapos ng lungkot, magiging masaya ka na ulit. Ito niyong nararamdaman ko ngayon.

I hope na maging malapit na ulit kami ni daddy. Tanggap ko naman si Ms. Akuti and ang magiging anak nila. Sana sa pag-uusap namin bukas no more secrets na sa pagitan naming dalawa.

MAAGA akong nakarating sa classroom, kokonti pa lang ang mga kaklase kong nandito. Kailangan ko maging maaga dahil nakalimutan kong isulat niyong notes ko sa Literature. Kaya nauna akong pumasok sa mga pinsan ko.

“Naks naman, Alice! Ang aga mong pumasok, ha? Nasa schooo ka lang kahapon then nasa Su–”

“Heto, manahimik ka!” irita kong sabi kay Renma.

Umagang-umaga pinapainit niya ang ulo ko! Binigay ko na sa kanya niyong souvenir na binili ko kahapon para manahimik siya. Baka sa kanya ko ‘to ipasulat kapag nainis ako lalo.

Narinig ko ang pag-usog ng silya sa aking harap. “Usap-usapan sa campus na close kayo ng mga Hanlon, Alice.”

Tumingin ako sa kanya at agad din bumalik sa pagsusulat. “Saan mo nakuha niyang usapin na ‘yan, Renma?”

“Sa social media. Nagpost iyong Bennet sa instaface account niya, magkasama kayong dalawa sa Zoobic Safari. Ang usapan tinutuhog mo raw ang dalawang magkapatid na si Chance at niyong Bennet.” seryosong sabi niya sa akin.

Binaba ko ang hawak kong ballpen. “Kaninong post mo nabasa niyon?” pagtatanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang phone niya sa kanyang slacks at may kinalikot doon. “Dito ko nabasa.” Pinakita niya sa akin ang isang facetagram page. Ang Marites ng Lazaro University.

“The who ang babaeng tapang-tapangan pero tinutuhog na pala ang magkapatid na Hanlon. Kulang pa ba ang kayamanan na mamanahin mo, Girl? Kaya pati sila aakitin mo? Kunwari sungit-sungitan at tapang-tapangan pero malandi naman pala. Clue: Alice in the wonderland! Oopss! Baka palayasin ako sa University!” pagbabasa ko roon sa post.

“Don't worry, inaalam ko na kung sino ang nagpost at admins sa page na ito. Lintik walang ganti, Alice, bestfriend kita.” saad niya sa akin at kinindatan ako. “And, wala naman naniniwala sa post na iyan. Mostly, sa comments sa'yo nakakampi pinagtatanggol ka nila.”

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon