9

17.3K 538 69
                                    

CHAPTER 9

Hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan. Kanina pa akong ninenerbyos pagkatapos ng lunch break.

Napatingin ako sa wristwatch ko, 4:32PM na. 30 minutes na lang makikita ko na naman sila.

Kung 'wag kaya ako sumulpot? Pero, paano naman si Coco? Baka kung ano na ang ginagawa nila sa baby dog ko. Baka ginugutom na nila si Coco.

Napayuko na lang ako kahit nagdadaldal pa ang professor namin. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang isip ko ay nasa 5PM na.

Ano naman gagawin ko kung nandoon na ako sa bahay nila? Saan nila ako patutulugin? Saan nila dinala ang mga gamit ko? Ang pinoproblema ko baka kawawain nila ako roon. Baka matulog ako sa maid's room o sa storage room na mayro'n sila.

Ayoko nu'n.

"Alice? Alice?!"

"Wah!" hiyaw ko ng may kumalabit sa akin at halos mapatayo pa ako dahil sa kaba.

"Eh?" Napatanga ako habang lahat ng mga classmate and professor ko ay nakatingin sa akin.

"Sorry po," hingi ko ng paumanhin at umupo ulit.

Nakakahiya ang ginawa ko.

Sinamaan ko ang taong nasa harapan ko. Nakangisi siya ngayon kaya palihim kong tinadyakan ang upuan niya.

"Bwisit ka, Renma!" madiin kong sabi sa kanya.

Nag-iisip na ako kung anong gagawin ko sa kanya after ng class na ito.

"Manghihiram lang ako ng liquid eraser. Ang lalim ng iniisip mo, ha?" bulong na sabi niya sa akin.

Bwisit na liquid eraser na iyan.

Sinaksak ko sa kanyang dibdib niyong liquid eraser na hinihiram niya. May kaya naman siya ba't hindi siya makabili ng sariling liquid eraser.

Tinuon ko na lang ulit ang aking sarili sa pakikinig kay professor. Pero, wala, walang pumapasok sa isipan ko.

Hanggang, tumunog na ang huling bell para sa amin. Alas-singko na.

Nakatingin ako sa mga classmate kong naghahanda na para umuwi. Lahat sila masaya at excited umuwi pero heto ako halos hindi makatayo dahil sa kaba.

"Hindi ka pa uuwi, Alice?"

Napatingin ako kay Renma na nasa aking gilid. Naka-suot na ang backpack niya.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa uuwi? Baka naghihintay na roon mga pinsan mo." ulit niyang sabi sa akin.

"Renma..." Tawag ko sa kanyang pangalan. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang uniform. "H-hindi na ako sa kanila sasabay," nauutal kong sabi sa kanya.

Nakita kong nag-flicked ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Magkaaway ba kayo? Kaya hindi ka sasabay sa kanila?"

Tumingin ako sa paligid namin. Wala na ang ibang classmates namin. "H-hindi na ako sa kanila sasabay simula ngayon..." Napasinghot ako dahil naaalala ko na naman ba sa Hanlon residence na ako titira simula ngayon.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Kumunot na ang kanyang noo dahil sa akin.

"S-sa Hanlon n-na ako titira," mahinang sabi ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak ko sa dulo ng uniform niya.

"Hanlon?  Sa Hanlon!" bulalas niyang sabi sa akin at ang iba naming classmates na nandito ay napatingin sa aming dalawa.

Napatayo ako at tinakpan ang bibig niya. "Huwag kang sumigaw!" ani ko sa kanya at binatukan siya.

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon