CHAPTER 42
HINDI ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na utak ko!
Lord, ba't naman pinahaba mo nang sobra ang aking buhok? Maayos naman na ang buhay ko ko bago ko nakilala ang magkakapatid na iyon.
Bakit kasi kailangan ko pa sila makilala at magtagpo ang mga landas namin? Bakit?
Sa sobrang pagmamahal niyo sa akin, nagkaroon agad ako ng limang manliligaw, iyon nga lang may sayad sa utak. Laging natatanggalan ng turnilyo.
Sana naman, Lord, niyong matino naman ang binigay niyo sa akin.
After ng event na iyon, nakatanggap agad ako ng email, text and call mula sa kanilang lima. Kaya ayon, dinala ko ang mga email nila sa spam messages, at ang mga number nila ay nasa blacklist ko na.
Halos mapuno ang mga text messages and calls log ko dahil sa kanila. Shutanginang mga Hanlon Brother's na ito!
“Huy, Alice? Nababaliw ka na ba?” Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Renma na nakatingin sa akin. “Nahawa ka na rin ba ng kabaliwan ng mga step-brothers mo?” dugto pa na tanong niya sa akin.
Pinangningkitan ko siya ng mga magagandang mata ko. “Gusto mo ikaw ang mabaliw ngayon, Renma, ha?” angil ko sa kanya at sumandal ako.
Inayos ko ang aking buhok, nagulo ko kasi dahil sa problema ko sa magkakapatid na iyon.
Naalala ko ngayon pala ang usapan namin ni Bennet. Neknek niya kung sasama ako. Ngayong alam ko ng may pagtingin sila sa akin, hindi ko naman kasalanan na maganda talaga ang mga lahi naming mga Lazaro pero urgh!
“Psst, nakasalubong ko si Quinn kanina.” Tinignan ko si Renma ng sabihin niya iyon.
“Anong oras mo nakasalubong at saan?” usisa kong tanong sa kanya.
“Sa may parking lot. Papasok kanina. Mga 7:58 ng umaga.” Kumpletong detalye na saad niya sa akin. “May dala siyang red na paper bag na may design na puso. Hindi ko alam kung para saan niyon. May nililigawan ba ang isang iyon?” pagtatanong niya sa akin at talagang nakatingin pa siya sa akin.
May dala siyang paperbag?
“A-anong laman? I mean, gaano kalaki iyong paper bag?” pagtatanong ko sa kanya.
“Malaki, mga ganito, Alice.” Tinaas niya ang kanyang kamay at inesteady niyon sa ere.
May kalakihan ang paper bag.
“Sa tsansa ko, teddy bear ang laman nu'n, Alice. Sino kaya nililigawan ng isang iyon, ano? Alam ko namang heartthrob din siya sa campus pero ang sungit nu'n and daig pa ang yelo sa sobrang lamig na pakikitungo ng step-brother mo na iyon.” Nakita ko ang kanyang dila sa gilid ng kanyang pisngi. “Nakita ko nga minsan niyon si Quinn, may kausap na isang babae, maya-maya lamang ay umiyak na iyong babaeng kasama niya. Mukhang ni-reject ni Quinn.”
Tsimoso.
“Gano'n ba? Hindi ko alam kung sino ang nililigawan nu'n. Wala naman na ako sa bahay nila.” Patay-malisya na sabi ko na lamang sa kanya.
Hindi p'wedeng malaman ni Renma ang tungkol sa panliligaw ng limang ‘yon. Pagtatawanan ako ng isang ito. Kilala ko ang hampas-lupang si Renma.
“Hmm...” Napalunok ako sa klase ng kanyang tono. “Kailangan natin maging si Detective Conan, Alice.” seryosong saad niya sa akin at nilagay pa niya ang kanang kamay niya sa kanyang baba.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ikaw na lang, Renma. Hindi ko sila aaksayahan ng oras.” saad ko sa kanya at ningitian siya.
Napa-unat ako ng aking kamay at saka tumayo sa aking kinauupuan. “Maya na lang ulit, Renma!” Paalam ko sa kanya at tinaas ang aking kanang kamay sa kanya.
Ilang segundo na lang kasi ay lunch break na. At, sa paglabas ko sa pinto ng classroom namin, tumunog na nga ang bell.
“Sandali, Alice!” Rinig kong sigaw ni Renma sa loob pero hindi ko na siya inintindi. Bahala siya.
Hindi ko alam kung ano na ang status niya roon kay Emily. Hindi ko na rin kasi nakikita ang isang niyon. Mukhang natauhan na o may bago na namang crush ang isang niyon.
Bitbit ko ang aking bag, papunta na ako sa Haven namin ng matanaw ko sa hindi kalayuan si Sandra. Mag-isa siyang kumakain.
Naalala ko na namam ang sinabi niya kahapon. Bigyan ko ng chance si Foster. Pero, wala akong panahon para bigyan siya ni-ilang percent ang isang niyon, after niya akong saktan. Luh asa siya?!
Hindi ko alam imbis na dadaanan ko na lang si Sandra ay lumapit ako sa kanya. “Mag-isa ka lang?” tanong ko sa kanya kahit obvious naman. Wala lang para may maitanong lang ako.
Tumigil siya sa pagsubo ng kanyang pagkain. Tumango siya sa akin. Malungkot ang mukha niya.
“Nasaan niyong dalawang kaibigan mo?” pagtatanong ko ulit sa kanya. Naalala kong may dalawa siyang kasama na babae.
“Nilayuan na nila ako... Matapos nilang malaman na anak ako ng isang kasambahay and scholar lang ako rito.” Mahinang sabi niya sa akin na siyang kinakunot ng noo ko.
“Hindi sila totoong kaibigan.” tipid na sabi ko sa kanya. “Try to communicate sa ibang estudyante. Hindi naman lahat ng nag-aaral dito mga matapobre katulad ng dalawang nakilala mo. Halos kalahati ng population sa campus na ito ay mga scholar, kaya ‘wag mong ilayo ang sarili mo sa iba. Ayon lang. Eat well, Sandra!” ani ko sa kanya at lumakad na ulit papunta sa Haven.
Bago pa ako makalayo sa kanya ay narinig ko ang malakas niyang pagsabi. “Salamat, Alice, at kinausap mo ulit ako! Pramis, magbabago na ako at gagawin ko niyong sinabi mo!”
Napangiti na lang ako sa kanya at tinaas ang aking kanang kamay para alam niyang narinig ko siya.
Hindi nawala ang aking ngiti sa labi ng may magsalita sa aking gilid, kapapasok ko pa lamang sa Haven pero mukhang may sisira na agad sa araw ko.
“Hi, sweetheart! Mukhang happy ka ngayon, ha?!”
Gulat akong napatingin sa gilid ng Haven kung nasaan ang bar counter na mayro'n dito. “Bakit nandito ka?” Malakas na sabi ko kay Bennet at tinuro pa siya.
Nandito siya sa Haven namin. Anong ginagawa ng hayop na ito rito?
Ni-hindi ko nga pinapansin ang email niya to the point na dinala ko na ang kanyang email sa spam messages. Bwisit!
Feeling close ang isang ito!
“Sinusundo na kita.”
•••
Facebook page: KenTin12 stories
GoodNovel & Dreame: KenTin_12
BINABASA MO ANG
Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romans[ PUBLISHED UNDER Immac PPH ] 🏆 #1 short story out of 31.6K stories [6.11.23] LAZARO SERIES #6: ALICE DOMINO Alice Domino Lazaro, nag-iisang anak ni Reki Lazaro. Pitong taon pa lang si Alice ay sinanay na niya ang sari...