41

12K 408 177
                                    

CHAPTER 41

Pagkabalik ko sa private room. Nagulat akong nasa harapan ang limang magkakapatid na Hanlon brothers, sa table ng mga elders.

Anong ginagawa ng mga iyon?

Nagtataka man sa aking nakita, binalewala ko sila. Minsan kasi talaga may sayad ang mga utak nila, e. Hindi ko alam kung kailan natatanggal ang kanilang mga turnilyo sa utak.

“Psst," lumingon ako sa aking katabi na si Tyron. May nakita akong ngisi sa kanyang labi. “Pagkalabas mo at niyong babaeng nakaaway mo, lumapit sila sa table nila Grandpa at saka lumuhod.” bulong niya sa akin habang nakangisi pa ring nakatingin sa table ng mga Elders.

Naningkit ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. “Bakit daw nila ginawa? Anong mayro'n?” pagtatanong ko sa kanya.

Lahat tuloy kami ay sa kanila nakatingin. Ano na naman pakulo ng mga ito?

Tumingin ako sa table nila kanina. Ang nandoon lang ay si Denver habang may hawak na cellphone at mukhang vinivideo-han ang mga kapatid niya.

Ah? Maging si Cadmus ba ay natanggalan na rin ng turnilyo sa utak? O, baka naman nahawa na siya sa mga kapatid niyang mga takas sa mental?

“Don Miguel Lazaro and Mr. Reki Lazaro.” Nagulat kaming napatingin sa kanila nang sabay-sabay silang nagsalita sa tapat ng table nila Grandpa.

Naguguluhan na ako sa kinikilos nilang lima. Nakita kong lumapit lalo si Denver sa mga kapatid niya at nakatapat pa rin ang phone na hawak niya sa lima.

“Can we date... Alice?”

Napatanga ako sa aking narinig. Napanganga ako sa kanilang sinabi. T-tama ba niyong narinig ko? Hindi ba ako nabingi ng ilang segundo?

Nakita ko ang mga tingin ng pinsan ko sa akin. “Eh?” sigaw ko at napatayo pa ako sa aking kinauupuan. Hindi nga ako nabingi!

“Alice,” Nakagat ko ang aking ibabang labi ng tawagin ni Grandpa ang aking pangalan.

Shutangina! Ano ba balak ng limang ito? Lalo akong pahiyain?

“You don't have a boyfriend, my granddaughter?” Malinaw na pagkakasabi ni Grandpa sa akin na siyang kinatango ko.

“Sakit lang sa ulo ang mga lalaki, Grandpa.” sagot ko sa kanya.

Totoo naman niyon. Sakit lang sila sa ulo. Period!

“But, these five want to woo you. My only wonder is that Reki will marry their mommy which is Akuti, basically, you will all be siblings.” saad ni Grandpa sa amin kaya tumango ulit ako sa kanya.

Tama naman ang sinabi ni Grandpa, so, hindi pa rin talaga kami p'wede. Kaya tigil-tigilan na nila kasisinghot ng kung ano-ano kaya natatanggalan sila ng turnilyo sa utak.

“Don Miguel, we also talked to our mommy and Mr. Reki, they are willing not to continue the marriage if you will allow us to court your granddaughter Alice.” Magalang na pagkakasabi ni Cadmus kay Grandpa.

Napapangiwi na ako rito. Ako yata ang dead end.

Napalunok ako nang ilang beses ng makitang nakatingin sa gawi ko si Grandpa. “If I’m the one to ask, it’s okay to date my granddaughter Alice. However, it is still up to my granddaughter if she will allow you to date her.” Sabay ngiti sa akin ni Grandpa.

Nakita kong tumingin na sa gawi ko ang lima. Bakit pati ang Foster na iyon ay kasama? Matapos ng ginawa niya sa akin?

Luh asa siya?!

“Mm-hmm, ang haba ng hair. Nag-rejoice ka ba, girl?” Pinanlakihan ko ng mga mata ko si Tyron dahil sa sinabi niya, buti na lang tumahimik din siya agad.

“Can we court you?” Sabay na naman nilang sabi sa akin.

Adik ba sila?

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Bakit nila ako kinorner, ha?

Sabi na nga ba may mali na naman akong nararamdaman kanina. Una niyong pag-uusap namin ni Sandra sa restroom, tapos, heto naman ngayon.

Hotdog ba sila?

“Um,” Hindi ko alam kung anong tamang salita ang gagamitin ko.

Ayokong mahawa ng mga kabaliwan nila, ano.

Napayuko ako at kinagat ang corner ng aking ibabang labi.  Wala talaga akong masabi sa kanila. “Um, a-ano... Ba-bakit?” Iyon ang lumabas sa aking bibig.

“Cause, we have a feelings for you, Alice.” Si Cadmus na ang sumagot sa aking tanong.

“Uh? Wala pang isang taon tayo nagkakakilala. Sabog ba kayo– este nantitrip ba kayo? Saka, ikakasal na ang mommy niyo at ang daddy ko, magkakaroon na nga rin sila ng anak, magkakaroon na tayo ng bagong kapatid.” sagot ko sa kanila.

Hindi ko talaga maisip na magkagusto sila sa akin.

Napatingin ako kay daddy ng tumayo siya sa kanyang kinauupuan. “Kinausap na nila kami, ‘nak. Pursigido silang kunin at ipanalo ang puso mo, Alice.” Nakita kong nagkatinginan sila ni Ms. Akuti. “And, we decide na huwag na magpakasal para sa inyo. Mas mahalaga ang kasiyahan mo, Alice, kaysa sa amin. May edad na kami at alam kong maiintindihan ng magiging kapatid niyo ang ginawa namin ito.” Nakangiti niyang sabi sa amin at tumango rin si Ms. Akuti.

Ika-cut nila ang kanilang kasal para sa aming kasiyahan?

“P-pero...” Gusto kong magsabi. Gusto kong magsalita pero kusa na lang umupo ang aking katawan.

Wala akong nararamdaman sa kanila. Tumingin ako sa bagong dating, nakangiti siya pero alam kong pilit lang niyon.

Ayoko maging masaya kung may nasasaktan ako.

Naging tahimik ako after ng pagtatapat nila sa akin. Wala rin ako naging sagot sa kanila. Hindi ko rin kasi alam kung papayag akong ligawan.

Pero, itong puso ko alam kong deboto ni Cadmus. Hindi ko mapipigilan ito. Pero, maging ang apat niyang kapatid may gusto sa akin? Hindi ako makapaniwala.

“Hi, ate Alice! How to be you po?” Nakangising tanong sa akin ni Denver.

Shutangina talaga!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakatanggap siya ng kutos mula sa akin. “Buburahin mo niyang picture ko sa phone mo? O, ipo-post ko sa facetagram ko iyong mukha mong nakahikab, ang laki pa naman ng bibig mo roon, Denver. Hmmm...” pananakot ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi na mapinta ang mukha niya. “Hmmp, damot naman! Ipapa-bargain ko sana kila kuya, e! Para naman magkaroon ako ng pera!” Nakita kong nagkalikot siya ng kanyang cellphone at pinakita niya sa aking picture na kinuhanan niya kanina.

Ang lalim ng iniisip ko sa picture ko na iyon. Medyo naka-awang pa nga ang labi pero maganda pa rin naman ako.

“Deleted na!” malungkot na saad niya sa akin. “Ate Alice, pahirapan mo sila, ha? Lalo na si kuya Foster...” Mahinang sabi niya sa pangalan na ‘yan. “Galit pa rin ako sa kanila. Pero, sana si kuya Cadmus na lang sagutin mo! Masarap din magluto si kuya Cadmus!” pagpapabango niya sa pangalan ng kanyang kuya.

Paborito niya talaga si Cadmus. Deboto rin ni Cadmus ang isang ito.

Pinitik ko ang kanyang noo. “Luh, asa ka?! Wala akong balak maging boyfriend ni-isa sa mga kuya mo! D‘yan ka na nga! Aalis na kami, pandak!” sambit ko sa kanya at sumunod na sa paglalakad nila kuya Harry.

Bago ako makalabas sa private room, nahagip pa ng aking tingin ang limang niyon.

Bahala sila sa buhay nila.

•••

Facebook Page: KenTin12 stories
Dreame & GoodNovel: KenTin_12

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon