"Ninang, gising na may sasabihin ako!" Sigaw ni Blaine sa tainga ni Calix saka niya tinulak tulak ang balikat ng kaniyang ninang.
"Mmmmgr! Ano na naman ba 'yan!?" Naiinis namang tugon ni Calix habang nakapikit parin at halata na gusto pang matulog.
"May nakita kaming kasalan sa simbahan" Bulong ni Blaine sa tainga ng kaniyang ninang
"Oh, Tapos?"
"Sabi ni ate Cora, mangyayari rin sa akin 'yun paglaki ko"
"eh anong paki ko?"
"Hehe, syempre gusto ko ikaw ang papakasalan ko, ninang" sagutan nila saka natahimik si Calix at biglang napadilat. Napakurap siya nang ilang beses bago tuluyang pumasok ang mga sinabi ni Blaine sa kaniyang utak. Dahan dahan itong umupo sa kama saka hinarap ang kaniyang inaanak na sampong taon ang edad at labing dalawang taon na mas bata sa kaniya.
"Anak ng–––alam mo ba 'yang pinagsasabi mo!? A-anong ako!? Ginawa mo pa akong pedophile. Leng, makinig ka kay ninang ha?" Natataranta nito sabi saka hinawakan ang magkabilang balikat ng bata. Napalingon ito sa may pinto at nakita niya ang kaniyang kapatid na si Cora. Dinilatan siya nito saka sinara ang pinto.
"Hayop na 'to–––huy, Coralyn!!!Ano na naman bang pinagsasabi mo sa bata ha!? Cora! Halika rito huwag mo akong talikuran!" Sigaw ni Calix sa kapatid niya pero walang nagbukas ng pinto. "Put–––mamaya ka talaga sa akin" Naiinis nitong sabi saka tinignan na ang batang si Blaine na nakatingala lang sa kaniya habang ang inosente ng mga mata.
Dahil doon, napapikit si Calix. Alam niyang gusto pa ng katawan nitong matulog pero dapat niyang resulbahin ang problemang ginawa ng kaniyang kapatid.
"Okay... Leng, makinig ka nang maigi kay ninang ha?" Malumanay nitong sabi at tumango naman si Blaine. "Mabuti kasi alam mo? Bata kapa e... 'yung kasal kasi.. Uhmm.. Ano...Ano kasi siya eh... Uhmmm ano ba 'to? Pano ba 'to?" Halatang nahihirapan si Calix na sabihing hindi siya pwedeng magpakasal sa mas bata sa kaniya ng labing dalawang taon na hindi masasaktan ang damdamin ni Blaine. "Ano kasi... Hindi mopa maiintindihan ang mga bagay-bagay pero..." Pambibitin nito saka huminga nang malalim. "Hindi kita pwedeng pakasalan."
"Bakit? Ayaw mo sa'kin, ninang?" Sumimangot ang bata nang tanungin niya iyon kaya napamura si Calix sa kaniyang isipan.
"H-hindi naman sa ganun, uhmm... Hindi ba ninang mo ako? Oh, kung ninang mo ako hindi mo dapat ako pakasalan." rason naman ni Calix pero hindi parin nawawala ang pagsimangot at pagnguso ni Blaine.
"Pero sabi ni ate Cora, magkadugo lang naman daw hindi pwedeng magpakasal, hindi naman tayo magkadugo... Ayaw mo lang ata sa akin eh" Napapikit si Calix at napahigpit ang hawak nito sa magkabilang balikat ng bata dahil sa inis na nararamdaman niya sa kaniyang kapatid.
Hindi na nito alam kung anong dapat niyang unahin, Ang problema nito sa bata o ang gumanti sa kaniyang kapatid.
Habang nagiisip si Calix, biglang umiyak si Blaine kaya ito nagulat. "Wahhhhhhh!!!! " Pasigaw na iyak ng bata kaya binitiwan ni Calix ang magkabilang balikat nito.
"Nako, sorry... Sorry na, huwag ka nang umiyak please...Leng naman–––"
"Wahhhhhhh!!!!" Mas napalakas na pagiyak ni Blaine kaya nataranta si Calix dahil sa hindi niya alam magpatahan ng batang umiiyak maliban sa pakainin ito ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
Lãng mạnWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...