CHAPTER TWENTY-SIX

3K 113 33
                                    

Kinaumagahan, halata ang pagiging malungkot ni Blaine habang sila ay kumakain ng agahan.

Umabot ito sa puntong nag-alala ang kaniyang ina at tinanong siya. Sumagot naman ang dalaga na ayos lang ito kahit na hindi. Nanatiling walang imik si Kai na nasa tabi kahit may alam siya sa pagsisinungaling ni Blaine.

"Ahem! I heard you won last night's game, Anak. Congrats! I just wish I was there to support you. But don't worry, I'll be there next time for sure." singit ni Kyden kaya pumeke ng ngiti ang anak nito sa harapan nila.

"Thanks dad... " matamis niyang sabi saka ulit itinutok ang atensyon nito sa mga putaheng inilagay kanina ng ina nito sa kaniyang plato. Nakahawak ng kutsara't tinidor ang dalaga pero ni isang kutsaritang kanin ay wala pa siyang isinusubo.

Nag-aalalang pinanood siya ng magulang nito. Ang kaniyang kakaibang inaakto ngayon ay bagong bago sa kanila. Masyado itong malungkot at may panlulumong kalagayan. Dahil sa ngayon din lang nila nakita ang dalaga sa ganitong kalagayan ay hindi malaman ng magulang niya ang kanilang dapat gawin. Ni rason kung bakit nagkakaganito ito ay wala silang kamalay-malay.

Tahimik. Tahimik silang lahat habang nasa hapag kainan. Kasama na rito si Doña Felipe na nakatutok lang sa pagkain. Simula kaninang umupo sila upang magsalo-salo ay hindi pa siya nagsasalita o 'di kaya ay binibigyang pansin si Blaine, pero kahit ganito ay halatang may iniisip siya. Bakas sa mukha niyang may tumatakbo sa utak nito pero ayaw niya lang magbukas ng isang mapapag-usapan.

Maya maya, Matapos silang kumain ay umalis sina Kyden at Don Juan na magkasama. Tinulungan naman ni Xena ang ina nito sa hardin kaya naiwan ang dalawa habang naglalakad patungong opisina ni Doña Felipe.

Pagkatapos din kasi ng agahan nila ay iniutos ng matanda na magpunta ang mga dalawa sa opisina nito.

"Do you think she knows already?" Kai asked, walking towards Felipe's office while Blaine was right beside her. Asking about the kiss they had last night, which is also on Blaine's mind. Although Blaine never said anything back to her, She remained silent and opened the door.

"You asked for us, Lola?" Pabungad ng dalaga. Puno ng respeto at pagtingala sa matanda. Pinapasok niya una si Kai bago siya sumunod at isinara ang pinto.

"Take a seat." Seryosong utos naman ni Felipe habang matalim ang mga tingin. Sinunod naman siya ng dalawa kaagad at nagsiupo sa tapat ng matanda sa kabilang bahagi ng mesa.

"...Nabalitaan kong naghalikan kayo sa kabilang baryo, at sa harapan ng maraming tao pa" paninimula ni Felipe. Pabaling-baling ang tingin sa dalawa habang ang talim ng kaniyang mga tingin ay nandoon parin.

Hindi naman mapigilan ni kai magtaka paano nalaman ni Doña Felipe at kanino niya nabalitaan. Hindi lingid naman kasi sa kaalaman niya na mabilis kumalat ang mga bagay bagay sa baryong ito. kaya lang, ang pagkakakilala niya kay Felipe ay hindi ito mahilig makipagusap sa mga tao rito. Masyadong matayog ang tingin ng matanda sa sarili nito.

'... Kung ganun, sino?' Tanong ng dalaga sa kaniyang isipan. Napupuno na naman ng mga hinalang tao ang kaniyang utak. ang mga kasambahay, mga nakaunipormeng lalaking parating nasa tabi ni Felipe, o baka isang tao mula sa baryo mismo.

"Lola, biglaan lang-" akmang magpapaliwanag na si Blaine sa tabi ni kai kaya niya ito nilingon. Kaya lang-

"Totoo ba?" Singit agad ni Felipe. Ayaw tanggapin ang eksplenasyon kundi ang tiyak na sagot lang sa kaniyang mga katanungan.

Sa puntong ibinuka ni Felipe ang bibig nito ay tumigil na sa pagsasalita si Blaine. Alam niyang hindi siya maaring makipagsumbatan sa matanda kaya siya tumahimik.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon