CHAPTER TWENTY-EIGHT

3K 106 55
                                    

"Umalis na kayo kai" utos ni Calix sa Motonous na tono. Nilingon siya ni Kai at kitang kita ang pagiging planado ng mukha ni Calix habang nakay Blaine lang ang atensyon.

"What did you do, Calix?" Hindi mapigilan ng dalaga ang mapatanong. Nilingon naman siya pabalik ni Calix.

"None of your business. Now, please escort her home" seryosong saad ni calix. Sa ilang beses nilang nag-usap, ito ang pinakaunang araw na bakas talaga ang pagiging seryoso ni Calix. Ni halong katiting na pagiging pilosopo ay hindi makikita sa mukha niya.

"...Let's go, Blaine" pagsusuko ni Kai. Alam niyang hindi ngayon ang tamang oras ng kaniyang makating isipan. Lumapit ito sa kanila saka hinawakan niya si blaine sa magkabilang balikat at inalalayan itong maglakad.

"But-"

"Calix doesn't want you here, Blaine." Singit agad ni Kai saka nilingon ulit si Calix na nasa kaniya parin ang tingin. "Am i right?" Tanong niya. Napunta naman kay Blaine ang tingin ni Calix bago tumango.

'I can't have you here, Leng. Nadulas na ako ilang beses, hindi ako maaring madulas pa... Kailangan ko ng oras magisip ng wala ka' saad nito. Sayang ngalang at hindi niya sinabi ng harap-harapan. Tumalikod ito para umalis na talaga sila.

Ang hindi niya alam, pagkaiwas niya ng tingin at pagkatalikod ay agad ding inilahad ni Blaine ang kamay niya papalpit kay Calix pero pinigilan iyon ni kai.

"let's go." Ani ni kai. Nakatingin sa mga pagod at katatapos lang na lumuhang mga mata ni blaine. Hinigpitan ang hawak sa dalaga saka niya ito buong lakas na hinila papalakad.

Dahil sa kawalan ng lakas ng katawan ni blaine ay nagaanan si kai sa panghihila sa dalaga patungong pinto. Kusang naglakad ang mga nanghihinang mga paa ni blaine at iniwan nila si Calix sa kusina.

"Ate lenlen..." Bulong ni Carlo habang pinapanood ang dalawa na lagpasan siya ng mga ito. Hindi makayang lingunin ni Blaine ang binata kaya mas lalong nakaramdam ng awa si Carlo.

Lingid sa kaalaman ng binata ang nangyayari ngunit halata naman sa kaniyang mga nasaksihan na kasalanan ni Calix ang nangyayari kay blaine. Kung kaya, pagkatapos maka-alis sina Blaine at Kai sa bahay ay agad pumasok sa kusina si Carlo.

"Ate-"

"Ubos na lakas ko, Carlo. Huwag kanang humirit." Singit ni calix. Hindi maharap ang kapatid. Dahil sa kakulitan at kawalan ng kamalayan sa nangyayari, ay hinarap ni Carlo si Calix at tila galit.

"Bakit mo yun ginagawa kay ate Lenlen, ate??Anong ginawa niya sa'yo? Sobrang nanlulumo mga mata niya-" tila naiinis nitong sabi sa kaniyang kapatid na nakayuko pero-

"Sa tingin mo ba hindi ko alam!?" Sigaw naman ni Calix saka tiningala ang kapatid. Kumikinang ang mga mata dahil sa namumuo nitong luha. "Hindi ako tanga, Carlo! Alam ko! Kasalanan ko, dahil sa mga pinagsasabi ko kaya siya umiiyak. Alam ko kaya huwag monang ipamukha sa akin!" Sigaw pa niya. Itinulak ang kapatid gamit ang dalawa nitong palad saka napa-upo.

Kanina pa pala nanghihina ang mga tuhod niya. Ngunit, pinilit niyang humugot ng lakas upang makatayo lang siya nang tuwid. Ngayong wala na ang dalaga, bumigay na agad ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa sahig habang pinipigilan parin ang pagluha. Samantala, nakaramdam naman ng pagsisisi si Carlo. Umupo rin ito sa tapat ni Calix saka-

"Ate sorry, hindi ko alam..." Paghingi niya ng tawad habang tila naluluha. Tiningala siya naman ni Calix saka ito naawa sa kapatid. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang pamilya nito kaya niya niyakap ang binata.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon