EPILOGUE

4.8K 115 53
                                    

A/N: Alexa, play Halik sa Hangin by Kz Tandingan.
Desisyon ako, iyon ang theme song ng TJOAGM ᕕ( ཀ ʖ̯ ཀ)ᕗ

--
Tatlong linggo ang natapos mula nung mawala si Calix at ang kaniyang pamilya sa baryo kung saan sila noon nakatira. Sa mga panahong iyon, paulit ulit bumabalik ang dalaga sa bahay nila Calix, nagbabasakaling isang araw ay madatnan niya itong nakatayo sa pinto o 'di kaya ay naghihintay sa sala.

Hindi siya nagsawa,

Hindi siya sumuko,

Umaalis ito ng umaga sa kanilang mansyon at bumabalik lang kapag lumubog na ang araw.

Parati niyang nililibot ang buong bahay ng dati niyang kasintahan, nananalanging ito ay muli niyang masilayan.

Binuksan ni Blaine ang pinto ng kwarto ni Calix. Parehong puso't isipan niya ay umaasa pa rin. Pumasok siya at sumalubong naman ang kamang hanggang ngayon ay hindi pa nagagalaw, ang lamesa sa gilid na nadadaganan na ng makapal na alikabok, at ang nakakarinding katahimikan.

Lumapit ang dalaga sa kama saka niya ito hinaplos. Hindi siya nagsalita, umupo lang ito sa sahig habang nakatalikod sa kama. Hinarap niya ang may pintuan na nakabukas. Tinitigan niya lang ito habang tila naghihintay.

Hindi siya umimik. Hinayaan niyang mabalot siya ng katahimikan ng kwarto ni Calix. Hindi siya umiiyak, hindi rin lumuluha, kundi ay nanlulumo ang kaniyang mga mata habang tila walang tulog. Para siyang pagod, bakas sa kaniyang mga mata na nais na nitong matulog at magpahinga.

Ngunit ayaw ng dalaga.

Pinilit niyang manatiling magising habang pinagmamasdan ang nakabukas na pintuan. Bawat segundo ay alerto siya, baka biglang may pumasok na taong inaasahan niya. At kung mangyari man iyon ay makakaya niyang agad agad itong lapitan at yakapin nang mahigpit. Iyon ang kaniyang hinihiling, iyon ang nais niyang mangyari.

Nais niyang makita si Calix. Nais niya itong mahawakan, mayakap, at mahalikan. Punong puno ng pangungulila ang kaniyang puso.

"I miss you" bulong ng dalaga sa hangin. Hindi na niya kinakagat ang kaniyang labi upang pigilan ang pag-luha nito dahil wala na siyang maibubuhos. Naubos na ito sa tatlong linggo niyang pagiiyak. "I've been missing you for three weeks now. You've been gone for three weeks. That's twenty-three days, Calix. Kailan ka babalik?" Kaniyang pagtatanong sa ihip ng hangin.

Kahit hindi na siya lumuluha ay patuloy pa rin ang pagiyak ng kaniyang puso.

"...I can wait. Ten more years? Fifteen more? Kaya kong maghintay, maghihintay ako. Pero huwag naman, please. Bumalik ka na. Nangungulila na ako sa'yo, Calix. Bumalik ka na"

Ito ang paulit ulit niyang sinasabi. Ngunit kahit lumipas ang mga araw ay walang Calix na pumapasok sa pintuang binabantayan nito.

Wala na si Calix, iyon ang hindi matanggap ng dalaga.

Gaya ng dati ay nanatili lang siya roon. Umuupo lang ito at tumutulala. Kahit nangangawit na ang kaniyang katawan ay wala siyang hindi niya binigyan ng pansin. Masyadong nasasaktan ang kaniyang puso na nagiging manhid na siya sa kaniyang sarili.

Iginugol na naman niya ang isang araw sa paghihintay at pag-aasam sa bagay na hindi na mangyayari.

Sa lang siya tumayo nang sumapit na ang gabi. Lumabas ito sa kwarto ni Calix saka isinara ang pinto bago bumaba. Dahil sa wala siyang dalang ilaw ay madilim ang kaniyang paligid. Ayaw naman niyang buksan ang ilaw sa bahay nila Calix sa hindi malamang dahilan. Ngunit kahit halos wala ng makita sa kaniyang paligid ay alam niya ang kaniyang dinadaanan.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon