"Sorry, My hand slipped. Bakit? Importante ba 'yun?"
Hindi alam ni Blaine kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil sa nangyari. Punong puno siya ng naghalong inis, pagkagulat at pagtataka dahil sa napansin niya na pagiiba ng ekspresyon ng mukha ni Kai.
Napaigting ang dalaga ng kaniyang panga saka huminga nang malalim at nagiwas ng tingin.
"Forget it. I don't have any more energy to quarrel with you. Just take my room for the night and get some sleep, ako na bahala rito" Halatang pagod na ang dalaga dahil sa sobrang dami ng mga nangyari ngayong gabi. hindi naman na nakipagtalo si Kai at sinunod nalang ang utos ni Blaine saka umalis na sa kwarto.
Pagkaalis ni Kai ay napaupo sa kama si Blaine habang nakatingin sa durog-durog na parte ng Kabibe sa sahig
"Arghhh!" inis niyang daing saka biglaang humiga sa kama at naghilamos gamit ang kaniyang mga palad. "She'll get angry at me. I just know it." Bulong pa nito saka hinayaan ang sariling magpahinga.
Naging mapayapa ang kanilang gabi ngunit lingid sa alam ng dalaga ay bukas na magsisimula ang gulong pinasok niya.
"Mmmrggghhh" huni ni blaine pagkagising niya sa umaga saka nagpagulong gulo sa kama hanggang sa tuluyan nang nagkaroon ng muwang sa nangyayari sa paligid. Napaupo ito at napakamot sa kaniyang ulo saka tumayo't lumabas ng kwarto.
"Morning, Sis. Ba't ka nasa kwarto ni ate Kai? O.M.G. don't tell me-"
"Umagang umaga iba na naman tumatakbo sa isip mo Xena! Tigilan mo nga muna ako!" Naging masama agad ang araw ni Blaine dahil sa pabungad ng kaniyang kapatid na halatang may pupuntahan
"Tsk, Kung makasigaw kala mo naman pagmamayari ang mundo. Nagtatanong lang e" Inis namang saad ni Xena saka tinalikuran si Blaine at nauna nang naglakad pababa ng hagdan.
Ilan pang segundo ay sumunod narin si Blaine saka sila dumiretso sa kusina kung saan naghahanda ang kanilang ina at kasama nitong kusinera ng pang-almusal.
"Morning, Ma" Bati ni Xena at lumapit sa kaniyang ina, kumuha naman agad si Blaine ng tubig saka uminom habang nakatingin sa bintana
"Morning, Oh Blaine nak. Bumili nga muna kayo ng karne sa palengke at ilan pang mga gulay? Kailangan ko kasi si Manang dito para sa bagong putahe na lulutuhin ko" Utos ng ina nila kaya siya hinarap ng dalaga
"Sige Mommy, Pero matanong lang, Anong ginagawa nila Daddy sa labas? Bakit sila may hawak hawak na mga kahon?"
"Ah, Mga 'yun? Alam mo 'yung mga puno ng mansanas natin sa bukid? Panahon na kasi ng anihan at mukhang marami tayong naani, Ah bakit hindi niyo bigyan sina Aling Mildred? Kumuha kayo ng tatlong Kahon sa Daddy niyo at ibigay sa kanila. Yayain mo rin si Kai na sumama sa inyo para makaalis naman siya rito at makapasyal-pasyal" Mahabang saad ng ina nila at tumango nalang si Blaine saka niya ginising si Kai at kumuha sila ng tatlong kahon sa kanilang Ama saka naglakad na papunta sa bahay nila Calix.
Habang sila ay naglalakad, Tumabi si Blaine kay Kai kaya sila nagkatitigan at nagkaiwasan.
"So, What's your plan?" Pagbubukas ni Blaine ng usapan habang nakatingin kay Xena na nasa unahan nila.
"What Plan?" Tanong naman ni Kai kaya niya ito nilingon "Ahhh, That. Well, I'm not sure yet but i'm making progress, Just remember not to do something to ruin it so everything will fall into place, 'kay?" alam ni Blaine na Hindi parin siya kakumbinsido pero alam niya ring mas mabuting si Kai na ang bahala sa plano nila dahil sa kanilang dalawa, Si Kai ang may alam at karanasan sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
Roman d'amourWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...