"Good. Now, enjoy your night.. And i'll enjoy mine" Saad ni Calix saka niya agad iniwan si Blaine at pumasok sa loob ng bahay nila. Pagkapasok niya ay agad niyang isinara ang pinto saka akmang ibabalik na sa kusina ang buhat buhat niya nang biglang bumungad si Cora.
"Ah! Yawa! Pinaglihi ba kayo sa multo!? Ba't ang hilig niyong manggulat!!" Sigaw ni Calix dahil sa gulat at pagkairita saka siya napapikit at pinakalma ang biglang pagbilis ng pintig ng kaniyang puso.
"Hindi ka sumama? Bakit? Hindi ba balak mo kaninang magpunta ron?" Sunod sunod namang tanong ni Cora na halatang wala siyang pakialam kung nagulat ang kaniyang kapatid.
"...Pwede ba tigilan mo muna ako? Isa pa, Huwag kang manggugulat. Pinanganak kabang multo?" Napangiwi si Cora dahil hindi siya sinagot ni Calix saka niya pinanood ng kapatid nitong naglakad papuntang kusina.
"Bakit ba hindi ka nagpunta? Ano 'yun? Feel mo lang?" Napapikit ulit si Calix dahil sa kakulitan ni Cora saka siya pumasok sa kusina at lumapit sa mesa.
"Ako nga magtatanong, Bakit ang hilig mong magtanong? Ano 'to? Bakit parati nalang ako natatanong? Idodokyomentaryo niyo naba ang buhay ko? Ha? Sagutin mo nga ako Cora-"
"Oh ate Relax, grabe naman. Huwag sunod sunod"
"Ay Wow ang galing. Kung magtanong kayo parang hindi sunod sunod a" sagutan nila saka ibinaba ni Calix ang mga buhat buhat niya sa mesa saka lumabas sa kusina. Sinundan naman siya ni Cora.
"Oh saan ka na naman pupunta? Nagtatanong lang ang tao e, Huwag kang magtampo!" Sigaw ni Cora kaya napairap si Calix at umakyat sa hagdan nila saka pumasok sa kwarto niya saka isinara ang pinto. "Anong nakain nun?" Tanong ulit ni Cora saka napakamot. Napailing iling naman ang asawa niyang kakalabas lang ng kwarto nila dahil inayos niya ang higaan ng kanilang anak.
"May punto naman kasi si Cal, Mahal." Saad ng asawa ni cora kaya niya ito nilingon. Sumandal sa may pinto ang asawa nito habang nakapamewang si Cora "Halos parati mo na siya tinatanong. Tapos paulit ulit pa, sino ba hindi maiinis dun?" Dagdag pa niya pero hindi 'yun nagustuhan ni Cora.
"So kasalanan ko?" tanong ni Cora kaya hindi agad nakasagot ang kaniyang asawa. Maya maya dahan dahang tumango ang asawa nito kaya siya nagulat
"I mean-"
"Ah, Si ate kinakampihan mo ganun?"
"Ha? Hindi Mahal-"
"Hindi! Kinakampihan mo siya"
"Hindi nga-"
"Huwag kang magrason Austine. Rinig ko e. Rinig na rinig ko paano mo siya kampihan-"
"Mahal naman-"
"Para lang sa kakaunting bagay magaaway na kayo? Hindi na kayo mga bata Cora" Akmang paiinitin na sana ni Cora ang sagutan nilang magasawa nang biglang nagsalita si Calix kasabay nun ang pagluwal ng pinto sa kaniya palabas ng kaniyang kwarto. Sabay silang napalingon kay calix na lumalabas ng kaniyang kwarto.
Natahimik si Cora saka nila pinanood si Calix na nakapalit na ng pambahay habang naglalakad pababa ng hagdan.
"San ka pupunta?" Bungad ni Cora nang nakababa na si Calix.
"...Kina Esme" Tanging sagot ni Calix saka lumapit sa may pinto "Huwag kayong magaway. Magasawa kayo kaya dapat naguusap kayo nang kalmado't matino-"
"Bakit ka pupunta kina Esme?" Tanong na naman ni Cora kaya napakaramdam ng irita si Calix dahil naputol ang pangaral niya sa dalawa. Binuksan niya ang pinto at hinarap ang kaniyang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
RomanceWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...