CHAPTER TWENTY-THREE

3.3K 111 6
                                    

'Damn They're good... she's good' Pagkasabi 'yun ni Calix sa kaniyang isipan ay bigla namang nakaramdam ng panlalamig si Kai. sa hindi niya malamang dahilan ay tumayo ang kaniyang mga buhok sa katawan habang siya ay nagtitimpla ng kape sa kusina.

"What the hell? Am i cold?" Takang tanong nito sa kaniyang sarili saka hinimas-himas ang kaniyang mga braso.

"Do you feel unwell?" Napaharap siya kay blaine nang marinig niya itong magtanong

"No? Maybe, I don't know. Bigla nalang akong nanlamig e. Satingin mo ba nakulam na ako?" Natigilan sa paglalakad si blaine nang sabihin 'yun ni Kai saka niya tinignan ang dalaga at kitang kita sa mukha ni kai na nagaalala siya kaya napatawa nang kaunti si Blaine

"What the hell? Seryoso ka? Sa tingin mo nakulam kana? Dude, Walang mangkukulam dito sa amin. Baka nga ikaw 'yung mangkukulam e" Napairap agad si kai dahil sa pangbabara sa kaniya ni blaine saka siya nagpatuloy sa pagtitimpla

"Pasalamat ka hindi ako mangkukulam dahil kung oo, ngayon palang inuuod kana" Bulong nito saka kinuha ang kaniyang kape at umalis na sa Kusina. Naglakad siya palabas ng bahay at nagpuntang pool saka umupo sa tabi nito

Huminga siya nang malalim saka pumikit at hinayaang dumampi ang init ng araw sa kaniyang balat saka siya uminom ng kape mula sa kaniyang tasa.

"Mmmm, What a great day to relax" Bulong nito sa hangin at halatang nananalangin na kahit sa ngayong araw lang ay wala sanang problema na dumating sa kaniya at sirain ang araw niyang kayganda't payapa.

"You look more like an innocent cat when you close your eyes" napahigpit ang dalaga sa kaniyang paghawak sa tasa dahil ang panalangin niya ay agad ding hindi natupad nang narinig na naman niya ang boses ni Blaine.

"For pete's sake, when can i have time to enjoy myself without others bothering me?" bulong ni kai sa hangin habang nararamdaman niya ang paglakad si blaine palapit sa kaniya saka umupo sa tabi nito at uminom ng juice

"Wow, it's been days since i last had the time to enjoy the sunrise. It's such a stunning scenery" Papuri ni Blaine sa araw habang nakatuon doon ang kaniyang atensyon

"Pwede ba? Kahit isang araw lang layuan mo muna ako at ang mga problema't kamalasan mong dala? Ilang araw na akong problemado at ni isa segundo ay hindi pa ako nagkaroon ng kapayapaan" Prangka namang sabi ni kai saka nilingon si Blaine nang seryoso. Tinignan lang siya ng dalaga saka ulit ibinalik ang kaniyang atensyon sa araw.

"But i'm not doing anything-"

" 'yun na nga e. Kahit wala kang ginagawa nakakapagbigay ka parin ng kamalasan. Kaya pwede ba? Layuan mo muna ako?"

"Oh come on kai. We all had a crazy night. Umagang-umaga, just relax and imagine that i'm not here-"

"Blaine naman, Paano? Kung saang sulok nitong mansyon kitang kita ko mukha mo. Ni pagpikit ko sa gabi ikaw lang nagiging bangungot ko"

"Aray naman. Hindi ba masyadong malala 'yang mga pinagsasabi mo?"

"Hindi-"

"Tsk, Sa ganda kong 'to magiging bangungot lang ako? Seryoso ka?"

"Oo, Bakit? Wala pa bang nagsabi sa'yo nun?"

"Obviously Wala pa"

"Pwes meron na kaya tigil tigilan mo ako"

"Wow, Ganyan ba ang lambingan ng magjowa ngayon sa panahon ninyo?" Nakuha agad ni Kyden, Ama nila Blaine ang atensyon ng dalawa saka sila natahimik. "Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan sa panahon ngayon, Kaunting hindi pagkakaintindihan lang ay nagtatalo na kayo. Huwag niyong sanayin 'yan ha? Naku, Magkakaproblema talaga kayo kung sasanayin niyo 'yan. Buti pa kami ng mommy mo blaine-"

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon