Triger Warning :
meron si Felipe haha ( ͡°Ĺ̯ ͡° )
____"e-ex-con? Si Calix? Hindi. W-wala naman kaming sinabing pangalan-"
"Bakit mo pa tinatago, totoo naman?" tinignan ng masama nung isang mas maliit na kasambahay ang kasamahan nito dahil sa pagsingit niya.
"Ang lakas kasi ng boses mo! Sabi ko na nga ba at hindi maganda kapag ikaw kausap ko!" Naiinis nitong bulong nang pasigaw.
Samantala, siniguradong isinara ni Kai ang pinto saka lumapit sa kanila at umupo sa marble table top ng kusina. "Totoo nga? Ex-con si calix?" Malumanay ang kaniyang boses.
Natapos naman na ang awayan ng dalawang kasambahay saka tumalikod ang mas malusog sa kanila. Lumapit naman ang maliit saka tumango.
"Hindi ba nasabi sa'yo ng nobya mo?" Tanong nito sa napakahinang boses na kaya niya. Isinandal naman ni Kai ang kamay sa mesa saka umiling. Nagaastang interisado talaga sa maaaring sabihin ng kasambahay.
'She doesn't know that Blaine and I are done with our little pretend game, huh? More importantly, why has Blaine never told me about this? Anong ginawa ni calix at nakulong pa siya? ' Kahit mukhang kalmado ay napupuno na pala ng mga katanungan ang isipan ni Kai. Ayaw niya lang itong ipahalata dahil hindi niya kilala ang kaniyang kausap at baka tauhan lang ito ni Felipe... Kailangan niyang makasiguro.
Sa kabilang banda naman, palihim na lumilingon sa kanila ang nakatalikod na kasambahay. Pansin ito ni kai pero hindi niya binigyan ito ng atensyon.
"Alam mo ba? May sabi-sabi noon na kaya gumaan nang biglaan at mabilisan ang buhay nila Mildred dahil sa drug dealer 'yung si Calix na panganay niya" pagsisimula na ng kwento ng kasambahay. Kusa namang lumapit ang katawan ni kai, pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng kasambahay habang sinisiguradong nakasulat sa kaniyang isipan ang bawat letra. "Sabi nila, nagkaroon ng karelasyon si Calix sa isang drug lord, hanggang ngayon nga sila parin kaya naman may pera parin siya kahit hindi nagtratrabaho nang mahigit dalawang taon na!" Mapalakas nitong sabi kaya nilingon ang kasamahan nito na sinita siya.
'Lies. Obviously.' Agad namang kumento ni Kai. Marami na siyang nasaksihang paninira, naaamoy niya ang gawa-gawa lamang sa may halong katotohanan.
"Totoo naman ah. Bakit? Nakita mo naba si Calix na nagtrabaho? Pero kita mo, parating may pera pambili ng alak, sinabi sa akin nila Doring kaya siguradong nakikita nila." Pagtatanggol ng kasambahay sa kaniyang mga sinasabi saka hinarap si Kai, "kaya nga siguro nagsimula naring lumayo si Doña Felipe matapos ang pagkakulong ni Calix. Humigpit din ang trato niya kay lenlen, mas naging istrikta ito at parating kausap ang dalaga. Kung hindi ukol sa pagaaral ang usapan, napupunta kay Calix at gaano ang pagkasalungat si Felipe sa nais ni Blaine na mangyari."
"Paano mo nalaman?" Singit ng isa sa kanila
"Sinabi ni Marta. Sino paba ang may malaking tainga at maingay na bibig maliban sa kaniya?"
Nagpatuloy ang sagutan ng dalawa habang natahimik si Kai. Naalala niya ang naging usapan nila noon ni Carlo ukol sa relasyon na mayroon sina Calix at Felipe. Kung hindi nagkakamali ang kaniyang instinct, may mas malalim pang bagay na nakapaloob doon, hindi niya lang makayang maitagpi ang kung ano ito.
"Ay oo nga pala, nobya mo si Blaine. Hindi dapat natin pinaguusapan ito-" nabigla si Kai nang nakita niya ang pagaalala at pagsisisi sa mukha ng kausap nito. Nagmukha ata ang dalagang malungkot kaya inakala ng kasambahay na ayaw ng dalaga makarinig ng bagay ukol kina Blaine at Calix.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
RomanceWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...