"...Wow" Hindi makapaniwalang kumento ni Cora nang masaksihan niya ang halikan nila Kai at blaine. Hindi niya inasahang aabot sa ganito ang plano nila kaya sobra ang kaniyang pagkagulat.
"Hay! Ano ba 'yan, Dalawang babaeng naghahalikan!? Iba na talaga ang panahon ngayon, pati mga kabataan nagkakasala na!" Nagsalubong agad ang mga kilay ni Cora saka niya ibinaling ang tingin niya sa matandang nasa tabi.
"Tama ka, Hindi na sila nahiya. Sa harapan pa ng maraming tao, masyado na siguro nabibigyan ng kalayaan ang mga taong ito, hindi lang sila nahiya sa mga pinaggagawa nila" Kumento pa ng kausap ng matanda kaya mas lalong sumama ang tingin ni Cora dahilan para mapansin siya ng mga 'to.
"Bakit?" Mataray na tanong ng isa sa kanila.
"Wala po, pero Alam niyo, tama po kayo. Iba na nga po ang panahon ngayon" Malumanay na pagsasalita ni Cora kahit nakakaramdam na siya ng inis.
"Oh hindi ba tama ako-"
"Mas tinatanggap napo ang pagiging iba ng mga tao tungkol sa kanilang sexualidad no?" hindi pinatapos ni Cora ang matanda. "Hindi gaya noon , no? Na kung Bakla o tibo ka ay hinuhusgahan kana ng lahat. Buti nalang ngayon ay dumadami na ang marunong tumanggap sa pagkatao ng iba. Iba talaga mga Conservative manang, no? Hindi marunong mag-adapt sa mga pagbabago, kaya siguro hindi umuunsad mindset nila." Dagdag pa niya saka niya naramdaman ang paghawak ng kamay ni Calix sa kaniyang braso pero hindi niya ito pinansin.
"Kung minsan, manang. huwag mo nalang ipagsabi ang tumatakbo sa isip mo. Bukod kasi sa nakakasakit sa damdamin nila, Nakakainsulto rin kasi sa karapatan nilang maging SILA. Hindi kasalanan ang pagiging bakla o Baliko sa mata ng tao. Tao ka manang kaya wala kang karapatang manghusga, Hayaan mo ang panginoon ang manghusga sa kanila sa pagdating ng panahon, hindi 'yung pinapangunahan mo." Mahaba niyang sabi saka ngumiti at nagiwas ng tingin. Huminga ito nang malalim. Muntikan na niyang naiikot ang mata nito sa mga matatanda, buti nalang at nakaya niyang pigilan ang kaniyang sarili.
"Bakit mo 'yun ginawa? Para kang bata" Tanong naman ni Calix kaya siya nilingon ni Cora
"Nainis ako e" Simpleng sagot niya at alam naman ni Calix na hindi nagsisinungaling ang kaniyang kapatid kaya binitawan nalang niya ito
"Minsan mas magandang tumahimik nalang at huwag na silang pansinin. Tanda mo na, nakikipag-away kapa" panenermon ni Calix saka ibinalin ang tingin kina Blaine na nagsisimula nang maglaro
"Alam ko naman ate pero malapit sa akin si Lenlen. Hindi ko hahayaan na iniinsulto siya patalikod. Ikaw ba? Inaanak mo 'yun hindi ba? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko gagawin mo rin ba ang ginawa ko? Huwag mong sabihing hindi" Matalim na tanong ni Cora pero hindi siya tinignan ng kapatid nito at nanatili lang tahimik.
Kahit alam ni Cora na walang balak si Calix na sagutin siya ay hinintay niya parin ito na magsalita. paglipas ng ilang segundo ay wala paring imik si Calix kaya napailing iling si Cora at nagiwas nalang ng tingin.
Napansin naman 'yun ni Calix pero hindi siya nagsalita habang na kay Blaine parin ang tingin na kasalukuyang tumatakbo. Naalala na naman niya ang nasaksihan niya kanina kaya siya napayuko. Inaamin niyang nagulat siya sa nangyari kung kaya hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman o magiging opinyon ukol doon.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
RomanceWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...