𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝

6.7K 243 10
                                    

"Masaya ako para sa'yo" Saad ni Calix habang nakapikit ito at nakasandal sa balikat ng dalaga. "pero hindi talaga ako naniniwalang may nobya ka e" Dagdag pa niya habang nakapikit parin at tila natutulog. Maya maya, may narinig siyang boses.

"Hanggang panaginip ba naman hindi ka parin naniniwala?" Rinig nito sa boses ni Blaine saka niya naramdaman ang pagpisil ng dalaga sa kaniyang Ilong. Wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lang ito dahil sobrang inaantok na ang kaniyang mga mata.

"Hindi naman s–––" Rinig niyang saad ni Blaine ngunit hindi iyon ganoon kalinaw kaya hindi niya iyon naintindihan. "...marami kayang nanliligaw sa akin, mga lalaki nga lang. Hayssst. Ewan ko kung anong rason bakit ayaw sa akin ng mga babae.." Rinig pa niya pero tila mahina ang ilan. "...minsan naiisip kong ako lang talaga 'tong umaasa at naghahabol sa bagay na hindi ko talaga maaabot" Dagdag pa ng dalaga at nagpatuloy pa ito ngunit masyadong malabo ang mga sinasabi ni Blaine para kay Clarix. "...Lahat nang 'yun nagiging rason kung bakit ayaw kong sumuko." Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Blaine pero tila wala nang maintindihan si Calix.

Narinig pa nito ang pagsinghot ng dalaga sa kaniyang sipon habang nagpapatuloy parin sa pagsasalita na hindi maintindihan ni Calix. Pero, Maya maya...

"I need you" Rinig nito sa klarong sinabi ng dalaga. "Kai–––"

"Fuck off, Ardona. I'm not a lesbian! and don't fucking call me in the middle of the night, you retarded bastard!!!" halos magkakasunod sunod na sigaw ang narinig ni Calix pero hindi siya makadilat.

"Wow.... ang sakit!" Pagdadaing ng dalaga. "Don't worry, I'll find someone." Dagdag pa nito. "I love you, Ninang" Biglang bulong ng dalaga at saka naramdaman ni Calix ang pagdampi ng kung ano sa kaniyang nuo kasabay nun ang pagdilat nito at...

"M-mmmm" Mumunting huni ni Calix nang nagising na siya at napagtantong sinisikatan na siya ng araw mula sa nakabukas nitong bintana. Napatagilid siya para hindi na siya masikatan ng araw sa mata saka siya napahawak sa kaniyang ulo. "A-ahhhh...putangina, bakit ang sakit?" Mura nito nang naramdaman niya ang pananakit ng kaniyang ulo. Naidiin niya ang kamay nito sa kaniyang ulo dahil sa sobrang sakit at biglang nakaramdam ng bukol. Dahil doon, pinindot niya ang bukol at mas lalong humapdi ang kaniyang ulo. "Tangina... Bukol? Bakit ako may bukol sa nuo!?" mura niya. Huminga siya nang malalim saka pinakalma ang sarili. "Nakailan ba akong alak kagabi? Bakit ang sakit? Bakit may bukol? Argh! Mabibiyak na ata 'tong ulo ko! Ano bang nangyayari!?" Naiinis nitong tanong sa kaniyang sarili habang hinihintay na humina ang pananakit ng kaniyang ulo.

Maya maya, bigla niyang naalala ang kaniyang panaginip. Tumigil ito sa pagdidiin sa kaniyang nuo at napaisip. "Panaginip ba 'yun?" Tanong nito sa kaniyang sarili habang nakatingin sa mga kamay niya at nakahiga sa sarili nitong kama.

"I love you, Ninang" Pagkaalala niya sa huling sinabi ni Blaine sa kaniyang panaginip kaya siya agad napaupo dahilan para mas lalong sumakit ang kaniyang ulo at tila umikot ang sarili nitong kwarto. Napahiga ulit siya "A-ahhh...Bwiset!!!!" Mumunti nitong sabi at napasabunot siya sa kaniyang buhok saka nag-ayos ng higa at tinignan ang kisame.

"mmmmrg...okay. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Siguro dapat kong malaman kung ilang bote ng alak ang ininom ko. Isa pa, anong nangyari kagabi? At bakit ako may bukol sa ulo? Teka...bakit ako nandito sa kwarto ko? Dito ba ako uminom? Pagkakaalam ko sa may palayan ako nagpakalasing pero kung doon ako, sino nanguwi sa akin? Ahhh bwiset mas lalong sumasakit ulo ko e! " Sunod sunod nitong tanong at sigaw saka napatulala lang at nakatingin sa kisame.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon