Warning, Parental Guidance is advised. People change when they are wild and horny.
___
Sa loob ng isang segundo, hinila ng dalaga si Calix mas palapit sa kaniyang mukha at ginawaran ng isang halik na siya namang masayang tinanggap ni Calix.
Tumigil si Calix sa pagluha at hinawakan braso ni Blaine, tumugon ito sa halik na tila sabik na sabik siya sa labi ng dalaga...
Pinagsaluhan nila ang labi ng isa't isa. Naglakbay ang kamay ng dalaga sa bewang ni Calix saka niya ito hinawakan nang marahan. Hinila niya ito upang mas mapalapit ang katawan ni Calix sa kaniya. Pagkatapos ay pinaloob niya ang kaniyang dila sa pagitan ng mga labi ni Calix.
"Leng" bulong ni Calix dahilan para tumigil silang dalawa. Inilayo ng dalaga ang kaniyang ulo saka pinagmasdan ang namumula nang mukha ng kaniyang ninang.
Nag-iinit silang dalawa, pero ayaw naman ipilit ng dalaga ang kaniyang sarili kung ayaw ni Calix. Kaya binalot nito ang dalawa niyang kamay sa bewang ni Calix sabay sabing, "Sorry, masyado ba akong mabilis?" Nag-aalalang tanong nito na siyang tinawanan ni Calix. "Bakit ka tumatawa?"
Umiling si Calix, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng dalaga, "You waited for fifteen years, sa tingin mo talaga masyado kang mabilis?" Tila natatawa niyang tanong.
Sa puntong iyon ay natawa na rin si Blaine. Umiling ang dalaga't yumuko. Hindi lang talaga siya makapaniwala at umamin na nga ang babaeng minamahal niya. Sa buong buhay nitong pangangarap ay nakamtan na niya ang halik at oo mula sa labi ni Calix.
Lahat ng pinagdaanan nitong sakit ay biglang naglaho.
Ang nais na lang niya ngayon ay panatilihin ang nakamit na niyang pangrap, si Calix.
Ngayong umamin na ito ay ayaw na ng dalaga na bitawan siya. Kung kinakailangan nga ay mananatili sila sa ganitong posisyon kung saan nakahawak lang nang mahigpit si Blaine kay Calix. Sa ganitong oras na dinadalangin ng dalagang huwag nang natapos.
"I love you" mumunting sambit ng dalaga, katamtaman lang ito para marinig ni Calix upang makaramdam ng init sa kaniyang puso.
Iniangat ni Calix ang kaniyang mga kamay saka ito idinampi sa magkabilang pisngi ng dalaga. Hinila niya ito nang marahan hanggang sa dalawang pulgada na lang ang layo ng mga tungki ng kanilang ilong.
"Calix"
"Gusto mong gawin?" Sambit ni Calix habang pinagmamasdan ang labi ni Blaine. Kahit pa wala silang pareho na karanasan ukol sa bagay na iyon ay tila pareho nilang alam ang ibig sabihin ni Calix. Hindi agad nakasagot ang dalaga kaya dahan dahang naglakbay ang tingin ni calix mula sa labi ni Blaine patungong mga mata nito. "Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto ko" agarang sagot ng dalaga pero yumuko ito at hindi matignan sa mata si Calix. "Gusto ko, pero hindi ba tayo masyadong nagmamadali?" Mahina nitong pagtanong.
Dahil dito ay binalot sila ng katahimikan ng gabi. Hindi nakakarindi ang katahimikan pero nagsalubong ang mga kilay ni Calix. Hindi kasi nito mawari kung bakit nad-duwag na ngayon ang dalaga. Kanina naman ay tila ang dalaga pa ang may balak na mangyari sa kanila dahil sa paghila nito.
Kaya tuloy napatanong si Calix, "Kailan mo gusto, kapag nasa 40 na'ko?" Sambit niya. Tumingala naman si Blaine dahil sa pagkabigla. "Leng, hindi maghihintay katawan ko nang ganoon katagal-"
"Hindi ganun" binitiwan ng dalaga ang bewang ni Calix saka akmang magpapaliwanag sana dahil sa iba ang pagkaintindi nito. "Ang ibig kong sabihin, pwede naman na'tin gawin 'yun kapag kasal na tayo o baka naman-"
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
RomanceWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...