[15 YEARS LATER...]
"Oh, Calix. Natapos mo na bang hugasan ang repolyo?" Tanong ni Mildred sa anak nito habang bitbit ang kawali.
"Mmm, hinihiwa ko na po, ma" Sagot ni Calix saka niya naramdaman ang pagtabi ng kapatid nitong si Cora.
"Balita ko, uuwi na raw ang mga Ardona" Bulong ni Cora sa kapatid nito habang pinirapiraso ang karne ng manok.
"Tapos?" Walang pakialam namang tugon ni Calix kaya napasinghal si Cora.
"Anong tapos? Makikita mo na naman si Lenlen syempre–––"
"Oh, tapos?" Malamig na pagsingit ni Calix sa sinasabi ng kaniyang kapatid habang nagpapatuloy parin sa paghiwa ng mga gulay.
*Lenlen ang palayaw/nickname ni Blaine sa kanilang probinsya. Alam kong malayo pero ganyan talaga ≧∇≦ haha
"Anong 'oh, tapos'? Syempre gusto kong malaman kung anong gagawin mo–––"
"Wala akong kailangang gawin." Agad na sagot ni Calix
"Pero may gusto pa rin sa'yo 'yung bata" Ani naman ng kapatid niya at napalingon sa kaniya ang mga kasama pa nito sa kusina. Natigilan naman siya saka nilingon si Cora
'Sino bang may kasalanan?' naiinis niyang sabi sa kniyang isipan habang naaalala pa ang nangyari noon. " 'yun na nga. May gusto siya sa akin kaya kung ano man ang sabihin niya ay tatanggi lang ako–––"
"Bakit tatanggi ka na naman, eh sabihin mo na lang na tigilan na niya–––"
"Cora, ginawa kona lahat nang mga pwede mong maisip, okay? Ilang beses ko na ba siyang tinangihan? Ilang beses ko na ba siya sinabihang tumigil na siya? At ilang beses ko na bang kailangang pahiyain siya sa mga taong nasa paligid namin sa tuwing naiisip niyang ligawan ako? Hindi na nga ako nagugulat kung pinagchischismisan ako kapag nagbabakasyon sila rito at hindi ako magtataka kung halos pati kabilang baryo, alam na ang ginagawa ng INAANAK ko sa NINANG niya" Mahabang sabi ni Calix kaya walang nagawa si Cora kundi ang makinig kasama ang mga ibang tao sa kusina.
"Ewan–––"
" 'Yun na nga e, hindi ko na rin mabilang. Kahit paulit ulit pa naming pagtalunan ang nararamdaman niya, wala akong magagawa kung sobrang tigas ng ulo ng batang 'yun. Ang magagawa ko lang ay ang tumanggi dahil lahat ng paraan nagawa ko na. Okay? Tapos na tayo rito? Tulungan mo na lang ako sa paghihiwa" May kahabaan na namang saad ni Calix saka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
Makalipas ang ilang segundo ay akala ni Calix ay bumalik na sa lahat ang dati pero...
"Bakit? Wala ka bang gusto sa kaniya?" Tanong ulit ng kapatid nito kaya siya natigilan at napapikit.
"wala" Sagot nito saka dumilat at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
"Sus, imposible–––"
"Tsk. Manahimik ka na lang, pwede? Nakakairita ka na!" Halata na sa tono ng pananalita na Calix na ayaw na niyang makarinig ng kahit ano na galing sa kaniyang kapatid.
Ngunit kakaiba si Cora, "Pero seryoso, sa loob ng maraming taon na pagpilit niya sayo, imposibleng kahit kailan hindi ka nakaramdam nang kahit konti man lang." Napapikit naman si Calix dahil sa katigasan ng ulo ng kaniyang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]
RomanceWritten from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong pakasalan si Ninang!" Sigaw ni Blaine sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahan. Napalingon sa kaniya ang mga taong hindi nila kilala habang...