𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐

5.7K 213 10
                                    

"Mmmm... mama, pakiabot nga po 'yung pandedal?" Saad ni Aya kaya kinuha ni Cora ang isang tinapay na nasa tabi niya at ibinigay sa kaniyang anak. Pagkaabot niya ng tinapay sa bata ay napatingin ulit siya sa kapatid nitong nakabalot ng kumot ang buong katawan.

Ilang minuto na ang nakalipas mula nung nasaksihan ni Cora ang kakaibang pangyayari kina Blaine at Calix sa loob ng kwarto ng kapatid nito. Ngayon, nasa sala sila habang balot na balot si Calix at nasa isang upuan naman si Blaine na pinupunasan parin ang kaniyang dumudugong ilong.

Tahimik ang lahat at halatang nakatulala parin si Calix habang blangko ang kaniyang isip dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. Napapalingon naman sa kaniya si Blaine. Sa kabilang dako, hindi parin maitigil ni Cora ang pag-ngiti niya habang pabalik-balik ang tingin nito sa dalawa.

Maya maya, mas lalong nararamdaman ni Calix na nakatingin sa kaniya sina Blaine at Cora kaya ito napapikit at napakuyom ang kamaong hawak-hawak ang kumot na ibinalot niya sa kaniyang sarili.

"Tumigil kayo sa pagtitig kung ayaw niyo malintikan sa akin." Pagbabantang bulong ni Calix at agad namang nagiwas ng tingin si Blaine pero mas napangiti si Cora na parang nangaasar.

"Eh, ate, hindi ka pa ba maliligo? Wala ka pa namang suot na damit maliban sa tuwalya at kumot na nakabalot sa'yo, hindi ka ba magkakasakit niyan?" Tanong ni Cora kaya napadilat si Calix.

"huwag mo kong pakialaman" Sagot nito kaya napalingon sa kaniya si Blaine.

"Okay... oh, magaalas nwebe na pala ng umaga. Maligo kana Aya. Ikaw Blaine, hindi ba't may pupuntahan ka pa?" Pagiiba ni Cora ng usapan at napatayo naman si Blaine.

"Oo nga pala, Ate. Sige una nako–––"

"Hindi ka aalis" Akmang aalis na si Blaine nang bigla siyang inutusan ni Calix na huwag kaya sila nagkatitigan.

"H-ha? P-pero may pupuntahan kasi ako–––"

"Wala akong pakialam. Kailangan nating magusap" putol na naman ni Calix sa dalaga saka nakitang presentable ang kasuotan ni Blaine. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. 'At saan ka naman pupunta?' Tanong nito sa kaniyang sarili saka tinignan ang mukha ni Blaine. "Magusap tayo tungkol kagabi. Umupo ka" Seryoso nitong utos at agad siyang sinunod ni Blaine nang walang pag-aalinlangan.

".....O s'ya sige, Mukhang dapat kayo lang dalawa ang makarinig ng pag-uusapan niyo. Paliliguan ko nalang muna si Aya" Singit ni Cora saka binuhat ang anak nito at naglakad paalis ng sala.

Nagkaroon ng katahimikan matapos umalis si Cora. Nagkatitigan sila saka nagiwas ng tingin si Calix at napapikit.

'At paano ko naman bubuksan ang nangyari kagabi? Arghhhh hindi ko alam kung epekto parin ito ng alak o sadyang natatanga lang ako' Tanong nito sa kaniyang sarili saka nagisip ng paraan hanggang sa nagsalita na ang dalaga.

"C-calix" Nautal ang dalaga kaya agad siyang nilingon ni Calix saka sila nagkatitigan.

"Bakit?" Tanong nito

"A-ah... gusto mo bang... pagusapan 'yung.. kagabi?" putol putol na tanong ni Blaine habang tila hindi makatingin nang diretso. Bahagyang namumula ang pisngi ng dalaga kaya nagdadalawang isip si Calix kung oo ba ang isasagot niya o hindi.

Napapikit ito at napahinga nang malalim saka isinandal ang kaniyang ulo sa sofa habang nakatingin parin kay Blaine.

"Hindi ko alam kung bakit ako may bukol sa nuo. Ni isang katiting nga ng mga pinaggagawa ko kagabi wala akong maalala" Saad nito saka binasa ang kaniyang labi. "Leng... " Tawag nito sa dalaga. "Pwede mo bang ikwento sa ninang mo kung anong katangahang ginawa niya kagabi?" Pakiusap ni Calix na may halong biro kaya napangiti si Blaine at parang nawawala ang pagkanerbyos niya saka siya tumango.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon