CHAPTER THIRTY

3.5K 111 56
                                    

Lagpas alas dos na sa pilipinas. ang mga tao sa baryo masilakang ay dapat tulog parin hanggang ngayon, ngunit may isang bahay na gising na gising. Dahil sa sobrang ingay nila sa bahay nila Calix ay hindi mapigilan ng mga tao sa paligid na magising at makinig. Mayroon ding nakaukit na pagtataka sa kanilang mga mukha habang ang ilan ay nagkakaroon na ng diskusyon ukol sa kanilang mga hinula.

Halos katatapos din lang ni Blaine na umiyak at nakatulog sa bisig ni calix. Ngayon ay inaalalayan na nila Kai at Austine ang dalaga upang ihatid ito sa mansyon ni Doña Felipe. Baka kasi mag-alala pa ang buong pamilya ng dalaga at magkasala pa sila Mildred.

"Mag-ingat kayo sa paguwi, Kai. Ikaw Austine, anak. Magingat ka sa pagbuhat kay lenlen, baka mahulog 'yang bata" paalala ni Mildred habang nakahawak sa balikat ni Kai. Nasa labas na sila at handa nang maglakad paalis.

Samantala, nakasandal at nakatayo naman si Calix sa may pintuan habang pinagmamasdan ang mukha ni Blaine na tulog. Blangko ang itsura dahil ganun din ang kaniyang isipan.

"Uuwi na po kami, salamat po" pagpapaalam naman ni Kai saka hindi sinasadyang mapunta kay calix ang tingin. Hindi naman siya nilingon nito kaya tumalikod nalang ang dalaga saka nagsimulang maglakad habang nakasuporta kung sakaling mahulog si Blaine.

Nanood lang naman ang magiina habang nasa may pintuan. Pinagmasdan nila ang tatlo na paunti-unting kainin ng kadiliman hanggang sa tuluyan na silang malamon nito't mawala sa paningin nila Mildred.

Pagkatapos, pumasok na sa loob si Mildred at akmang isasara na ang pinto pero hindi parin gumagalaw si Calix. Dahilan upang matigilan ito't lingunin ang anak.

"Anak..." malambing nitong pagtawag pero tila hindi iyon narinig ni Calix. Nakatitig lang kasi ang kaniyang mga mata sa daan na tinahak nila Kai kanina. Tahimik ito at parang may malalim na iniisip.

Bigla namang lumapit si Cora saka ipinatong ang kaniyang palad sa balikat ni Calix, "Ate-" susubukan sanang tanungin ni Cora ang kapatid nang lingunin na siya ni Calix pero pinigilan siya ng kanilang Ina.

"Cora. Huwag muna anak." Mahinahong pakiusap ni Mildred habang nakahawak sa braso ang ni Cora. Nilingon naman siya ni Cora bago tumango at binitiwan ang kaniyang Nakatatandang kapatid.

Dahil doon, tinanggal narin ni Mildred ang palad niya sa braso ni Cora saka lumapit kay Calix na nakatingin na sa kaniya ngayon.

Pagkalapit nito, idinikit niya ang bawat palad sa magkabilang pisngi ng anak at ngumiti ng matamis at may halong awa. "Calix, pahinga kana anak. Pwede natin ito pag-usapan bukas kung gusto mo pero hindi kita pipilitin, basta ang importante makapagpahinga ka ngayon." malambing nitong sabi. Tumatambad na kasi sa kanila ang nanlalantang mga mata ni Calix na tila'y ito ay nagpapahiwatag sa kapaguran ng anak at nagnanais nang magpahinga.

Pinisil nang kaunti ni Mildred ang mga pisngi ng anak, "Umakya't kana't magtulog" utos pa niya kaya naramdaman nito ang malamig na kamay ni Calix na dumikit sa likod ng kaniyang kamay.

Ngumiti si Calix, ngunit ito'y may bahid ng lungkot. "...Sige po, Ma." Tanging bulong lang nito at nawala agad ang nakaukit na ngiti sa kaniyang labi.

Tumango naman si Mildred bilang pagsangayon saka hinila na ang kaniyang mga kamay palayo sa anak. Paglatapos, pinanood nilang dalawa ni Cora si Calix na maglakad at umakyat sa kaniyang kwarto.

Sa kabilang banda, pagkatapos palang pumasok ni Calix ay agad na niyang isinara ang pinto bago pa namapaupo sa sahig. Kanina pa pala gustong sumuko ng kaniyang mga tuhod pero hindi nito alam saan niya nakuha ang lakas na makatayo nang tuwid.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon