CHAPTER THIRTY-THREE

3.9K 121 71
                                    

Lumapit ang van na kanilang sinasakyan sa tarangkahan ng Alcadia Resort, malayo sa kanilang baryo. Sa buong munisipalidad na kinabibilangan ng baryo masilakang, ito lang ang nag-iisang magandang pasyalan sa mainit na panahon dahil sa quality service na binibigay nila sa kanilang mga kliyente. Maliban dito, ang lokasyon ding kinaroroonan ng resort ay isang payapa at malawak na lupain habang pinapaligirin ng mga matatayog na mga punong talisay. Makikita rin sa bakod palang ng establisyimento ang mga disenyong damuhan at mga masiterang halaman na puno ng pag-aalaga.

Agaran naman silang pinagbuksan upang makapasok. Huling bumaba si Calix at nakuha nang mabilisan ang atensyon niya ng isang posteng may ilaw na may kakaibang disenyo. Ang bawat poste ay may limang maliliit na bumbilya at bawat isa sa kanila ay siya namang nakalagay sa isang bilohabang hugis na lalagyan na gawa mula sa kawayan. Dahil na rin sa malapit nang lumubog ang araw, sinimulan na ng Alcadia na isindi ang mga ilaw sa labas. Dahil dito, kitang kita ni Calix ang pagsakop sa bawat sulok ng bilohabang lalagyan ng mga liwanag na lumalabas sa mga bumbilya. Para bang mumunting mga araw kung tignan dahil sa angking liwanag nilang dala, na siyang maikukumpara sa nararanasan ngayon ng nakatingin sa kanila. Gaya ng mainit na ilaw, tila nagliliyab ang puso ni Calix sa kanina pa niyang nasasaksihang lambingan ng dalawa.

Hindi mapigilan ang sariling mag-iwas ng tingin dahil sa nakakasawa sila sa kaniyang mga mata. Bawal din namang makisawsaw dahil wala siyang karapatang dala. Paulit-ulit na lamang pinapakalma ang sarili habang pinapaalahanan ang sariling siya rin naman ang may kasalanan.

'Mabuti na ito' sabi niya, naghihirap magkubli habang inuuto ang sariling ayos lang siya. Sabagay, iyon lang naman ang kaya niyang gawin. Sino nga ba siya para sirain ulit ang nanumbalik nang buhay ni Blaine? Marunong naman siyang mahiya, kaya naman niyang mahiya, pinakapal lang niya ang kaniyang mukha noong sinasaktan niya ang dalaga pero ngayon kaya na niyang mahiya. Alam niya ang salitang social distance, kung lumayo nga mula kina Blaine humihigit pa siya sa laki ng van nila. Akala mo naman kaya niyang gawin ito panghabang buhay, tumanda kaya silang parating magkadikit at magkasama.

"Guys, sabi nila we can take the cottage malapit sa pool. Sundan niyo nalang kami para makapag-ayos narin tayo ng mga handa. It's already 4 na pala" umirap si Calix nang marinig ang pananalita ni Kai. Kilala naman niya itong maarte, pero isang buwan din silang hindi nag-usap at kung naaalala niya, ang huli nilang pag-uusap ay ang naging dahilan bakit sila nahantong sa ganito. Walang kamalay-malay si Calix sa mga pinaggagawa ng dalaga upang masuyo si Blaine pero alam niyang umeepekto ito.

Anong nararamdaman niya tungkol doon? Siguro inis na may kasamang pagaalala sa maaaring mangyari sa kalagayan ni Kai. Nasa isip parin naman niya kasi ang nais mangyari ni Felipe. Hindi niya lang mawari kung may alam na ba ang matanda sa ginagawa ni kai pero sigurado siyang mayroon at mayroong gagawin si Felipe.

Ito rin ata ang gumugulo sa kaniyang isipan habang nasa van sila kanina. Nakatingin lang kasi ito sa bintana at halatang lumalalim ang iniisip. Kung hahayaan niya si Kai sa pakulo nito, may tsansang makukuha nga niya ang dalaga. Masaya ba si Calix sa ideyang iyon? Hindi. Pero panigurado namang mangingialam na naman si Felipe. Isa pa, ilang buwan nalang din naman magpapakasal na si Blaine at walang magagawa roon si Kai. Isa lang siyang mababaw na tao gaya ni Calix, wala siyang magagawa kung si felipe na ang nagsimulang makipaglaro.

'Simula't sa umpisa, hindi naman nila gusto ang isa't isa' saad pa niya habang naglalakad sa likuran ng kaniyang mga kasama. 'Halata namang napilitan lang 'yung si Kai dahil sobra siyang naiinis sa akin nung umamin akong takot ako kay Felipe. Sino bang hindi? Siya siguro oo, wala siyang alam sa pagkatao ng bruhang iyon eh.' Dagdag pa nito saka bumaba ang tingin upang masaksihan lang ang pagdikit ng mga kamay ng dalawa kaya siya nagiwas. Iniwaksi sa isipan ang kaniyang nakita at pinagmasdan nalang ang mga palamuti sa paligid.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon