CHAPTER NINETEEN

4.7K 151 33
                                    

Naging tahimik ang tatlo sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa gate ng mansyon. Nakatayo roon ang ina nila blaine na mukhang galit habang nasa tabi niya ang asawa nito.

"Oh, Buti umuwi pa kayo!" Bungad ni Gwen sa mga anak nito kaya lumapit sa kaniya ang kaniyang asawa

"Gwen-"

"Manahimik ka dyan, Kyden. Huwag mong kunsintihin na naman mga anak mo!"

"Hindi ko sila kukunsintihin-"

"E ano?"

"Papasukin mo muna mga bata. Gabi na kaya sa loob na kayo maguusap. Nakakahiya sa mga kapitbahay." Hindi nakapagsalita si Gwen nang napagtanto niyang may punto ang sinabi ng asawa nito. "Sa loob na Mahal" Dagdag pa ni kyden pero sa pabulong na tono kaya ngumiwi si Gwen at tumango

"oh, Narinig niyo naman ang ama niyo hindi ba? Pumasok kayo sa loob at doon tayo maguusap. Akala niyo hahayaan ko kayong kunsintihin ng ama niyo. Tsk. Pasok!" Galit na utos ni Gwen kaya agad sumunod si Xena.

Nagulat naman si Kai sa kakaibang ugali ni Gwen kaya siya naistatwa sa kinatatayuan nito. Lumapit naman sa kaniya si Blaine saka sila nagkatitigan

"Pumasok na tayo at huwagkang magalala, Sa amin lang si Galit Mommy." Saad ni blaine pero lumayo sa kaniya si kai saka ipinakita na naiinis parin siya. "Are you still-" akmang tatanungin na ni Blaine kung naiinis parin si Kai pero agad siya nitong iniwan sa labas at sumunod kina Gwen na pumapasok na sa loob.

Naiwan si Blaine magisa habang nagtataka kung bakit naiinis parin si kai. Halos makaramdam narin siya ng inis dahil hindi niya talaga maintindihan ang dalaga kaya siya napahinga nang malalim at pinakalma ang sarili saka sumunod sa kanila.

Pagkapasok nila ay inutusan ni Gwen agad ang mga anak nito na maupo sa sofa.

"Anong oras na ha? Ngayon lang kayo umuwi? Wala pa kayong pasabi kung saan kayo pumunta-"

"Mommy, Nagpunta lang naman kami sa piyestahan-"

"Hindi pa ako tapos, Xena. Huwag mo akong singitan!" Napatahimik agad si Xena nang sigawan siya ng ina nito. Napalingon ito kay Blaine na nakaupo sa gilid

"Jusko! At dinamay niyo pa si Kai? Pa'no na kaya kung may nangyaring masama, ha? Ano nalang kaya sasabihin ng pamilya ng batang yan kung sakaling may nangyari sa inyo sa daan. Blaine!" Napatingala si Blaine nang tawagin siya ng ina nito

"Sorry Mommy-"

"Sorry? 'yun lang? Pa'no kung may nangyari nga magsosorry kalang ba?" Hindi nakasagot si Blaine nang sabihin iyon ng kaniyang ina. Natahimik ang paligid sa limang segundo saka napasuklay si Gwen sa kaniyang buhok at naglakad

"Gwen-"

"Ano ba naman kayong mga bata kayo! hindi niyo lang ba naisip ang mga posibleng nangyari? Umalis na nga kayo hindi pa kayo nagpaalam tapos uuwi kayo nang hating gabi! Blaine! Ikaw nakakatanda anak. Hindi molang ba naisip na gabi na, hindi molang ba nasabi sa sarili mong 'kailangan na naming umuwi dahil magaalala sina Mommy'. O di kaya ipalam muna sa amin ng ama niyo saan kayo nagpupunta? Gaano ba kahirap yun anak?" Mahabang Sermon ni Gwen habang nakatingin kay Blaine na tahimik parin.

"Jusko Naman, Blaine, Hindi niyo lang ba naisip na itext sa akin kung ano na nangyayari? Kung nasaan na kayo o kung bakit kayo gagabihin?" Dagdag pa niya pero hindi nagsalita ang mga anak nito habang nanatiling tahimik si Kai sa gilid.

"Mahal, Tama na. Nakakahiya sa bisita-"

"Anong tama na? Robert naman. Akala koba hindi mona kukunsintihin mga bata? "

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon