𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘟

5K 163 19
                                    

Habang naguusap usap sina Calix sa bukid, naglalakad naman si Xena palapit sa isang tindahan para bumili ng chitchirya. Nakatakip ng tuwalya ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan habang tinatakpan ang mukha mula sa sikat ng araw. Nang pagkalapit niya ay agad siyang sumilong.

"Ate Esme! Pabili nga po!" Sigaw agad ni Xena para marinig siya ng tindera.

"Teka lang!" Sigaw naman pabalik ni Esme.

"Oh, Xenang! Nakauwi na pala kayo? Ay sus, at ang puti puti mo pa! Iba talaga buhay maynila e no?" Biglaang singit ng lalaki na tumatambay sa tindahan ni Esme habang nakikipag-inuman.

"Hindi lang buhay maynila, Pedro! Buhay mayaman pa! Abay maging apo ba naman ng pinakamayamang pamilya rito. hindi ba, Ineng?" Saad naman ng isa pang lalaki saka nilingon si Xena. Ngumiti na lang ang dalaga dahil alam niyang lasing sila.

"Oh! At kay gandang dalaga pa! Ehh maari ba kitang tanungin, Hija?" papuri ng lalaki na nagngangalang Jose na siya ring nginitian ni Xena.

"Ano po 'yun?" Tanong nito.

"Abay, may nobyo ka na ba? Eh may anak kasi akong binatana! Masipag 'yun at madiskarte! Kung gusto mo ehh ipapakilala kita, ano? Gusto mo ba, Xenang?" Sambit ni Jose kaya hindi alam ni Xena ang agad niyang isasagot.

"A-ahh.. Ehh. Ano po kasi---"

"Hoy, mga t-rantadong lasengero! Huwag niyo ngang paglaruan ang bata!" Pangliligtas sa kaniya ni Esme.

"Ano ka ba naman, Esme! Hindi ko naman pinaglalaruan si Xenang! Naguusap lang kami eh" Pangangatwiran naman ni Jose kaya siya sininghalan ni Esme.

"Tumahimik ka na nga dyan at subukan mong maghanap-buhay! Hindi 'yung anak mo ang nagtratrabaho para lang may pambili ka ng alak!"

"Aysus, Esme. Nakipagusap lang ako sa bata e sobrang galit ka na, sige tatahimik na ako para naman may dagdag pogi points naman ako sa'yo" Napangiti agad si Xena nang nagbiro si Jose. Hindi niya ito naitago kaya siya tinignan nang diretso ni Esme.

"At sa tingin mo ay mapapaligaya mo pa si Esme, Jose? Eh baka wala ka na ngang mailalabas niyan dahil sa sobrang tanda mo na! Ahahaha" Sagot ni Pedro sa kaibigan nito.

Napatikom ng bibig si Xena habang nakatingin kay Esme at pilit huwag ipakita ang ngiti sa labi niya pero hindi siya nagtagumpay. Napasinghal na lang si Esme at pumasok sa tindihan.

"Anak ng teteng, may bata rito, Pedro. baka gusto mong isara muna 'yang bibig mo no?" Napalingon si Xena kay Jose nang sabihin niya iyon.

"Anong bibilhin mo?" Singit naman ni Esme kaya napabalik sa kaniya ang atensyon ng dalaga.

"Uhm---"

"Uy Esme, Mahal! Ipinagtanggol ko si Xenang sa kabastosan ng bibig ni Pedro! Ano? Ayos ba? Abay kung magkakaroon tayo ng anak e sigurado akong hindi siya lalapitan ng mga bastos na lalaki" Singit na naman ni Jose kaya napansin ni Xena ang pagkairita ni Esme.

"Ano nga bibilhin mo?"

"Ah, bibili sana ako ng chitchirya, Ate. Isang supot. 'yung tigpipiso... 'yun oh!" Sagot ng dalaga saka itinuro ang gusto niyang bilhin. Nilingon naman iyon ni esme. Kinuha niya ang isang supot at saktong may dumating na dalawang matatandang babae sa tindahan nito.

"Uy, Xena! Nandyan ka pala!" Bungad ng isang babae kaya napalingon sa kaniya ang dalaga.

"Ah opo. Bumili lang ng makakain, Aling Doring" sagot ni Xena na may galang saka niya binayaran si Esme.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon