CHAPTER THIRTY-FIVE

4.9K 155 200
                                    

A/N: Mga bebe ko, y'all will hate me for this, I'm sorry ʕ •ᴥ•ʔ

Dedicated to:
Jellyan
jaz_lazy
a_grey0ct0b3r
-Hindi silent, makukulit. Still muwa muwa kayo saken-

____

"Anong nangyari?" Pabungad ni Kai. Nang nakita niya kasi itong naglalakad pabalik sa kanila ay agad na siyang sumalubong kaya ngayon ay dadalawa lang sila sa may damuhan.

Nagtataka ang dalaga bakit si Blaine lang ang bumalik. Nais niyang tanungin kung nasaan si Calix pero ayon sa itsura ni Blaine na hindi masaya ay dapat tumahimik nalang siya ukol sa bagay na iyon. 

Bilang tugon ay umiling si Blaine. Tila ayaw malaman ng iba ang pinag-usapan nila ni Calix. 

Iyon ay inintindi ni Kai. Hinaplos nito ay balikat ng dalaga saka sila nagsimulang naglakad na. "Gusto mo bang pumasok na lang?", halata ang pag-aalala sa boses ng dalaga kaya siya tiningala ni Blaine at nginitian bago umiling. 

Inilabas ni Blaine ang kaniyang kamay sa hoodie nito saka niya hinawakan ang kamay ni Kai na nakahawak din sa kaniya. " I'm fine" paniniguro nito saka hinaplos ang kamay ni Kai at ngumiti ulit, ngunit iyon ay pilit. 

Magkatitigan sila. Kahit naglalakad ay hindi maputol ang kanilang tinginan. Tumagal ito hanggang sa nakalapit na sila sa kubo-kubo at sinalubong sila ng mga tao. 

"Ate, si ate Calix!?"

"Si Ate, lenlen?"

"Lenlen, na'san si Ate Calix?"

"Bakit wala si ate Calix?"

Sabay sabay na mga tanong nila Xena, Cora, Carlo, at Jasmine. Hinarangan nila ang dalawa sa pagpasok habang hinahanap ang taong ayaw marinig ni Blaine. 

Dahil dito, nakaramdam ng inis ang dalaga sa apat. Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang hinahanap nila, at bakit si Calix pa kung siya naman ang nasaksihan nilang nasaktan noon.

"Symepre nandoon, nakikita niyo ba siya rito?!" Nakasalubong ang mga kilay ng dalaga habang sinasambit iyon. 

Sa pagkabigla ay umatras ang apat habang si Kai sa gilid ay nakatingin lang kay Blaine ngunit siya rin ang nagulat. Halos sabay sabay kumunot ang mga balat sa pagitan ng kanilang mga kilay dahil sa tono ng pananalita ng dalaga. 

Tinatanong lang naman nila kung nasaan si Calix, ngunit sinagot sila ni Blaine nang pabalagbag. Na tila ito ay galit. 

"Lenlen, hindi mo naman kami kailangang pagtaasan ng boses" saad ni Cora. Rason kung bakit nahimas-masan si Blaine sa kaniyang ginawa. 

Umatras ang pagkakasalubong ng kaniyang mga kilay saka kumurap. "S-sorry, ate Cora. N-nabigla lang ako" paghingi nito ng tawad ngunit hindi matignan sa mata ang kausap niya. 

Tinanggal nito ang kamay ni Kai saka umatras mula sa kubo. Sa kaniyang pag-atras hindi nito napansin si Calix kaya sila nagkabungguan. 

"Aray" daing ni Calix saka tumingala. Nakayuko kasi itong naglalakad kanina kaya hindi niya tinitignan ang kaniyang nilalakaran.

Si Blaine naman ay lumayo ngunit hindi humingi ng tawad. Hinarap niya si Calix kaya sila nagkatitigan pero ilang segundo lang iyon dahil nagiwas din si Calix ng tingin.

Ang mga mata ni Calix ay namumula at namamaga nang kaunti. Kung maliwanag ang kalangitan ay kitang kita ito kahit tatlong metro ang layo ng isang tao, kaya nga lang gabi na. Ang mga nakakakita lang ay ang nasa malapit sa kaniya, isa na rito si Kai.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon