𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘟

4.5K 190 8
                                    

"Malayo pa ba?" Ika apat na beses nang tanong ni Kai kay Blaine habang nagbiyabiyahe sila pauwi sa bahay ng dalaga. "Ano? Malayo pa ba tayo? Ba't ba hindi mo'ko sinasagot? Nang-bbwiset ka ba!?" Nagalit agad si Kai nang hindi siya sinagot ni Blaine.

"Pa'no ba naman, Kai. Ika-apat na beses mo na 'yang tinatanong sa akin!" Pagpapatantay ni Blaine sa sigaw ng dalaga, kaya napatingin sa kaniya si Kai na matalim ang tingin.

"At kasalanan ko pa talagang magtanong?? Hindi pa nga ako nakapunta rito kaya ako nagtatanong, magisip ka naman!" Nahalata ni Blaine na mas lalong nainis si Kai kaya bahagya itong napapikit saka huminga nang malalim. Pagkadilat niya, nilingon niya ang galit na mukha ni Kai at ngumiti nang pilit.

"Kaunti na lang, okay? Maghintay ka lang nang kaunti at makakarating na tayo." Sagot ni Blaine at halatang napipilitan ito sa kaniyang pagngiti. Ngumuso si Kai saka inirapan ang dalaga

"Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka. Bilisan mo na nga lang at baka mapagod beauty ko kauusap sa'yo" nagsalubong ang mga kilay ni Blaine dahil sa hindi niya maintindihan ang paiba iba ng mood ni Kai.

"Mas ewan ko sa'yo, Para kang baliw. Tinotoyo ka ba?" Napanganga sa gulat si Kai dahil sa sinabi ni Blaine.

"HOW DARE YOU! YOU OLD WOMAN LOVER!!" Sigaw ni Kai pero napangiwi lang si Blaine. Mas nainis ang dalaga kaya niya kinurot si Blaine sa tagiliran dahilan para masaktan ito at itinigil ang kotse.

"Tae–––"

"Hindi ako tinotoyo! Bawiin mo 'yun!" Putol agad sa kaniya ni Kai habang patuloy parin sa pagkurot sa tagilian ni Blaine.

"Aray, Kai! Masakit!"

"Bawiin mo kasi!"

"Oo na! Hindi kana tinotoyo, okay!?" Suko agad si Blaine kaya tumigil si Kai at nagayos ng upo.

" 'yan, Buti nagkakalinawan tayo" saad nito kaya napasinghal nalang si Blaine saka pinaandar ang kotse.

'Ewan ko sayo... Baliw!' Medyo nakaramdam nang inis si Blaine saka siya nagpatuloy sa pagmamaneho. Parang gusto na niyang bawiin ang kasunduan nila pero wala na siyang magagawa dahil nandito na si Kai. Napahinga na lang nang malalim ang dalaga saka itinuon sa pagmamaneho ang atensyon niya hanggang sa makarating sila sa baryo Masilakang.

Pagkapasok pa lang ng kotse sa baryo nila Blaine, nagsisitinginan na ang mga tao kaya napapangiwi si Kai habang nakatingin sa bintanang nakasarado.

"Napakaraming marites naman dito..." Kumento nito kaya napailing na lang at napasinghal si Blaine habang nagpapatuloy sa pagmaneho.

Napaayos naman ng upo si Kai at tinignan ang itsura niya sa salamin saka siya naglagay ng lipstick at kolorete.

"If I were you, I would leave this place. It's like a hell of gossipers" Dagdag pa niya pero hindi na lang iyon pinansin ni Blaine saka kumaliwa. Napagdesisyunan niyang tumigil muna sa bahay nila Calix para makita kung anong magiging reaksyon nito.

Maya maya, nakarating na sila kaya itinigil ni Blaine ang kotse sa harapan. Nagtaka naman si Kai kaya niya tinignan ang mga bahay sa labas ng kotse at mas lalong nagtaka dahil sa wala ni isa ang umabot sa kaniyang ekspektasyon maliban sa isang may kalakihan naman at kagandahan.

Lumabas si Blaine kaya lumabas din si Kai pero siniguro muna niyang maganda siya saka siya sumunod sa dalaga.

"Ninang!" Sigaw agad ni Blaine habang naglalakad siya palapit sa bahay nila Calix. Halos kakalabas din lang naman ni Kai saka siya sumandal sa kotse at hinarap ang tanging bahay na umabot sa ekspektasyon nito na siya ring nilalapitan ni blaine.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon