𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐𝘐

5.2K 198 7
                                    

patuloy lang sa paglakad ang dalaga habang buhat buhat niya si Calix sa likuran nito. Ramdam din niya ang mas lalong pagbigat ng kaliwa niyang balikat dahilan para malaman niyang tulog na si calix.

May kalayuan narin ang nilakad ni Blaine kaya bahagyang nangangalay na ang kaniyang mga kamay at balikat pero hindi niya ito iniinda dahil tila isang pangarap ang mabuhat niya ang kaniyang ninang.

Maya maya, nakarating na sila sa pinto ng bahay nila Calix. Tumigil sa paglalakad ang dalaga at napaisip paano siya kakatok.

Pumikit ito saka isinandal ang nuo sa pinto.

"Tangina, paano ako kakatok nito?" Tanong niya dahil parang magigising niya ang mga kapitbahay kapag sisigaw siya sa gitna ng gabi.

Huminga ulit ito nang malalim saka dumilat at tumambad sa kaniya ang mga sapatos nito... maya maya, napangiti ang dalaga saka nagayos ng tayo at bahagyang sinipa ang pinto

Pagkasipa niya nang tatlong beses sa pinto, naramdaman niyang sobrang nangangalay na ang kaniyang mga kamay na buhat buhat si Calix kaya siya napakagat sa kaniyang labi.

'.....Sisigaw naba ako? Hindi ko na ata kaya...' Saad ng dalaga sa kaniyang sarili saka ulit sinipa ang pinto at naghintay ng magbubukas pero wala.

"A-ate Cora...! Lola Mildred.... Carlo...!" Nautal niyang sabi habang hinihiling na hindi magising ang mga tao sa ibang bahay. "Ate Cora!"

"Cora...Cora.." Saad ng asawa ni Cora na si Austine upang magising ang kaniyang asawa.

"....mmmmm.. " tugon naman ni Cora habang nakapikit parin.

"May tao sa pinto" Saad ng asawa nito kaya bahagyang nainis si Cora saka niya narinig ang boses ni Blaine na sumisigaw sa kaniyang pangalan kaya siya napadilat.

'Si Lenlen ba 'yun?' Tanong nito sa kaniyang sarili umupo sa kanilang kama. Nang sumigaw ulit si Blaine ay hindi na nagdalawang isip ang dalaga at lumabas ng kwarto dahilan nang pagkagulat ng kaniyang asawa.

"Ate Cora..!" Paguulit pa ni Blaine sa sigaw nito saka niya biglang naramdaman ang paggalaw ni Calix

"T-teka Cali–––"

"Ibaba mo ako, bilis" Agad na utos ni Calix na halatang hindi mapakali sa likuran ni Blaine kaya naguluhan ang dalaga.

"Pero–––"

"Ibabamo ako, Leng" Putol na naman ni Calix saka hinampas ang balikat ng dalaga at itinulak ito. Mas lalo naman siyang hinawakan ni Blaine dahil baka mahulog ito.

"Teka lang kasi, ano bang problema mo!-"

"Ibaba mo na lang kasi ako"

"Bakit nga–––" Kusang natigilan sa pagsasalita si Blaine nang bumukas ang pinto at kasabay nun ang biglang pagduwal ni Calix kaya naabot nito ang pinto.

Nagulat sina Blaine at Cora sa biglaang ginawa ni Calix. Dahil sa pagbukas ni Cora ng pinto muntikan na siyang natalsikan. Buti na lang at nakaiwas siya kaagad.

May nasa sahig na rin habang ang ilan ay tumutulo mula sa pinto at pinapanood lang iyon ng tatlo.

"Ibaba mo ako..." Mumunting utos ni Calix at itinulak niya ang balikat ng dalaga kaya walang nagawa si Blaine kundi ang sundin na lang ang kaniyang ninang.

"Grabe ate, dito ka pa talaga sumuka? Pwede namang sa may damuhan na e, no?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cora pero hindi iyon pinansin ni Calix at bumaba na siya saka napahawak sa pader.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon