𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐𝘐𝘐

5K 190 4
                                    

"Sige ate Cora, una napo muna ako" Pagpapaalam ni Blaine kay Cora habang nasa pintuan siya at handa nang umalis.

"O s'ya sige. Pagpasensyahan mo na ulit si ate kaninang iniwan ka niya bigla. Masyado ata siyang nagulat sa mga pinagkkwento mo" Saad naman ni Cora habang nakaupo sa sofa at sinusuklayan si Aya. Napakamot na lang ang dalaga sa kaniyang ulo nang naalala na naman niya ang nangyari kanina.

Pagkatapos kasi ng pagkwkwento ni Blaine sa nangyari kagabi at mga pinaggagawa ni Calix, biglang natahimik ang kaniyang ninang at maya maya ay bigla bigla na lang tumayo saka naglakad pabalik sa kaniyang kwarto nang walang pasabi.

Naiwan si Blaine kanina mag-isa sa sala habang hindi alam kung dapat ba niyang sundan si Calix para tanungin kung may problema o wala. Halos katatapos lang din ni Aya sa pagligo kaya nasaksihan nilang dalawa ng ina nito ang pangiiwan ni Calix kay Blaine habang nasa di kalayuan sila.

"....ayos lang po 'yun ate. Sa tingin ko naman, kung ako ang makakarinig nun siguro magpapakain nako sa lupa" Pagbibiro ni Blaine kaya bahagyang tumawa si Cora.

"Naku, ikaw talagang bata ka... O s'ya, hindi ba't sabi mo kaninang may pupuntahan ka pa? Baka naghihintay na siya roon, hindi ka pa ba aalis?" Pagiiba nito ng usapan nila kaya agad napatingin si Blaine sa kaniyang relo at nakitang magaalas diez na ng umaga

"Shit. Late na pala ako, o sige ate, una na muna ako!" Natatarantang saad ni Blaine saka dali daling tumakbo paalis ng bahay nila Calix.

Habang nagmamadali ang dalaga, kasalukuyan namang nakahiga si Calix sa kama at nakapikit habang balot na balot parin ang katawan niya ng kumot.

Bigla na naman niyang naalala ang mga kinwento ni Blaine kaya siya napatakip sa kaniyang mukha.

"Ahhhhh, ang tanga. Bakit ang tanga??" Mumunti nitong bulong saka tumagilid at idinilat ang mga mata. Kung pwpwede lang ay magpapalamon na sa lupa si Calix dahil sa kahihiyan niyang ginawa kagabi pero bigla nitong naisip ang panaginip niya kanina.

"Panaginip lang ba talaga 'yun?" Pabulong nitong tanong saka hinarap ang kisame. "Pero bakit parang totoo?" Tanong pa niya saka niya naalala na naman ang huling sinabi ni Blaine sa panaginip niya dahilan upang pumula nang kaunti ang tainga nito.

Napakagat siya sa kaniyang labi saka nagayos ng upo. Aminado siyang may naaalala na ito dahil sa kwento ni Blaine pero parang may kulang parin. Bahagya namang bumilis ang pagtibok ng puso niya nung naisip niyang baka ang kulang ay ang napanaginipan niya kanina.

Dahil sa naisip niya mas lalong namula ang kaniyang tainga kaya siya agad napatayo at lumapit sa pinto banyo.

"Nah, imposible 'yung mangyari." Pagkukumbinsi nito sa kaniyang sarili saka naisandal ang nuo sa pinto "Bakit ba kasi parang kulang parin??" Dagdag pa niya saka huminga nang malalim at binuksan ang pinto ng banyo. "Arghh... Makaligo na nga lang. Nakakapagod narin magisip. Bahala na kung ayaw na niyang bumalik" Naiinis nitong sabi saka pumasok sa loob ng banyo at nagsimula na namang naligo. Habang binubuhusan niya ang kaniyang katawan hindi parin nito makalimutan ang panaginip niya at naaalala na niya tungkol kagabi.

Pagkatapos niyang nakaligo, nagpalit na ito at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay nakita niyang wala na si Blaine sa sala kaya siya nagtaka. Bumaba ito ng hagdan at dumiretso sa kusina kung nasaan ang mga kapatid niyang kumakain. Lumapit siya kaya napalingon sa kaniya sina Cora at Carlo.

"morning, 'te" Bati agad ni Carlo at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinila niya ang isang upuan para doon uupo si Calix. "Kain ka na, ate" Saad nito kaya tumango si Calix at umupo sa tabi ni Carlo. Pagkaupo niya, hinila niya ang tinapay sa gitna ng mesa habang tinitimplahan siya ng kape ni Cora.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon