CHAPTER TWENTY-ONE

4K 133 11
                                    

"Huwag mong kalilimutang sabihin kay Don Juan na salamat sa mga mansanas, Lenlen, Ha?" Tumango tango lang si Blaine habang kausap si Mildred, bakas ang tuwa sa mukha ng matanda kaya hindi mapigilan ni Blaine na matuwa rin.

"Lola, Lola, Gawa raw tayo ng apple pie sabi ni Papa" Maya maya ay biglang sumingit si Aya saka hinila hila ang duster ni Mildred

"Naku, ikaw bata ka, o s'ya, gagawa tayo kaya huwag mo nang hilahin ang duster ko, mahubaran pa ako sa ginagawa mo" pagsangayon ni mildred saka hinila ang duster nito, binitiwan naman na ni aya ang duster ng matanda

"Yes! Thank you lola! Kuya carlo, oo raw, gagawa raw tayo!"

"Aya! Sabing si papa mo ang nagpapagawa e! Nabuking tuloy!" Napatakip si Aya ng kaniyang bibig nang nabuking niya ang plano nila ni Carlo kaya napailing iling si Mildred at ginulo ang buhok ng bata

"Ikaw carlo ha, Huwag mong tuturuan nang masama ang bata! Isa pa at papalayasin na kita rito!" Sermon ni Mildred saka lumapit kay Carlo kasama si Aya

"Ma naman, Gusto kolang bigyan ng makakain mamaya si Jasmine" Rason naman ni Carlo pero nagpatuloy parin ang sermon ni Mildred.

Naiwan naman si blaine sa gilid kaya walang nagawa ang dalaga kundi tignan sina Kai at Calix na mukhang naguusap.

"Hindi mo sinabi sa aking may alam si Xena sa plano" Biglang dinig niya sa boses ni Cora kaya siya napalingon sa Kaliwa

"And you didn't tell me ate Cora knows the plan" dinig naman niya sa sinabi ni Xena kaya napabaling siya sa kanluran niya "So, who else knows the plan? Seriously, Pinagkakalat mo ba? I thought this is just a secret?" dagdag pa niya kaya lumayo agad sa kanila si Blaine habang nagsisink in sa utak nito na hindi niya sinabi sa dalawa na alam ng isa't isa ang buong plano.

"Okay, wait. Aside from me and Kai, kayo lang ang nakakaalam ng plano, Nakalimutan kolang sabihin sa inyo-"

"So what else. Ano pa ang hindi namin alam lenlen?" natigilan sa pagsasalita si Blaine nang nagsalita na si Cora.

"Well, Nothing much, Just that, Si Kai na raw ang bahala sa lahat" Nagkaroon ng katahimikan sa kanilang tatlo nang sabihin 'yun ni Blaine. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka kaya ikinwento lahat ni Blaine ang pinagusapan nila ni kai kagabi dahilan para-

"...you let her take over the whole plan?!"  Hindi makapaniwalang tanong ni Xena at tumango naman si Blaine

"Bakit naman lenlen? Gaano mo ba siya pinagkakatiwalaan? Sigurado kaba?" sunod sunod namang tanong ni Cora kaya napakamot sa ulo si Blaine

" 'yun na nga e. Hindi ako ganun kakumbinsido sa plano ni Kai-"

" 'yun naman pala e-"

"Pero,  Ate Cora. Sa aming dalawa, si kai ang mas may alam at karanasan sa mga ganitong bagay. Mas alam niya ang dapat gawin" Pangangatwiran ni blaine kaya napaisip ang dalawa

"... Sabagay, Mukhang gumagana naman" kumento ni Cora saka napalingon kina Calix at Kai na naglalakad na palabas ng bahay

"Anong ibig mong sabihin ate Cora?" tanong ni Blaine kaya niya siya nilingon

"Nakita namin paano magusap ang dalaw kanina tapos halos si Kai ang nagsasalita at bakas sa mukha niya na parang nanalo siya sa kung ano man ang pinaguusapan nila." Paliwanag ni Cora kaya napunta ang atensyon ni Blaine kina Calix.

Pagkalabas nila Calix sa bahay ay nagkatitigan sila ni blaine pero agad ding nagiwas ng tingin si Calix at tinulungan ang kaniyang ina sa pagaayos ng mga mansanas papunta sa likod ng kanilang bahay.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon