CHAPTER THIRTY-NINE

2.9K 108 31
                                    

A/N : I am not a medical student. I do my research, but there will always be mistakes since I am not professional in this type of field. Some scenes will depict medical works that I tried to know before writing. Still, not a professional, but willing to be corrected.

___

Naghintay si Calix na matawag upang lumabas sa kaniyang selda, ngunit sa paglipas ng mga oras ay wala siyang narinig.

Palakad lakad siya nang pabalik balik sa loob ng  selda, iniisip kung ano na ba ang nangyari. Paunti-unti na ring nababahala ang kaniyang puso kaya mas lalo itong hindi mapakali.

Lumapit siya sa gilid kung saan nakikita niya nang kaunti ang pintuan ng presinto. "Ma, na saan na kayo..."  nangangamba nitong tanong sa hangin.

Sa kabilang banda, ay kasalukuyang lumuluhod si Austine sa harap ng doktora ng hospital na kinaroroonan nila. Kinakailangan muna raw kasing magbayad sila kaya hanggang ngayon ay buhat buhat pa rin ni Cora ang anak niya.

"mister-"

"P-please lang doktora... P-please... A-anak k-ko 'to... M-mama-tay na po ang a-anak ko, please lang d-doktora naman!" Pagmamakaawa ng ama ni aya. Kahit may bahid ng pagkaawa sa mukha ng doktora nang lingunin niya ang batang duguan pa rin ay umiling siya.

"Hindi po na'tin pwedeng baluktutin ang patakaran ng hospital-"

"Anong klaseng parakaran 'yan?!" Biglang sigaw ni Mildred habang hindi na mapigilan ang pagluha niya. "Animal naman patakaran 'yan! Akala ko ba doktora ka, bakit ayaw mong gamutin ang apo ko!"

"Ma... Please l-lang d-doktora, h-hindi ko na po marinig ang p-paghinga ng anak ko... T-tulungan n-niyo na po kami" lumapit si cora habang sinasabi ito. Kinagat naman ng doktora ang kaniyang labi saka marahan na tumanggi.

"Naiintindihan ko po kayo pero-"

"Hindi! " singit sa kaniya ni Austine. Iiling iling ito habang naluluha. "H-hindi m-mo maintindihan doktora kasi kung naiintindihan mo, ginamot mo na ang anak ko"

"Mister"

"Pero w-wala kayong ginagawa. Pinapanood n-niyo lang kami at tinatanggihan! M-mga hayop!" Pagmumura niya. Yumuko ito at umupo sa sahig. Doon ibinuhos niya ang kaniyang pagiyak saka sumigaw. "Nakikiusap na po ako! Wala kaming pera pero tangina naman, bata 'yan!" Kaniyang pagsuntok sa sahig. Hindi na alam ni Austine kung ano ang maaari niyang gawin. Halos kanina pa itong nakikiusap ngunit iisa lang ang lumalabas sa bibig ng doktora.

Tiningala niya ang kaniyang anak saka ulit nagkaroon ng kumpyansa. Maraming tao ang naroon kaya naman kitang kita silang nagmamakaawa. Ngunit walang paki-alam si Austine. Lumuhod ulit ito saka nakiusap.

"Nagmamakaawa ho ako, iligtas niyo naman ang anak ko, siyam na taong gulang pa lang niya!" Malakas nitong pakiusap. May mga nagsisimula nang bulong bulungan na sa paligid, mga ilan ay naaawa. "M-marami pa pangarap ang a-anak ko, s-siya lang ang anak ko. N-nakikiusap ako sa inyo, please!"

Naririnig na ang mga naaawang bulungan ng mga tao sa paligid. Karamihan dito ay tungkol sa batang duguan pa rin hanggang ngayon at mga ilan ay panghuhusga sa doktorang nakatayo.

"Mister.."

"Kung ginamot mo na sana ang apo ko sa paulit ulit mong pagtanggi ay mas malaki ang tsansang mabuhay siya! Lumuluhod na kami, nakikiusap na kami. Tulungan niyo naman kami!" Pakiusap na naman ni Mildred.

Sa puntong iyon ay hindi na alam ng doktora kung saan siya lilingon. Nakikita niya ang batang malapit nang malagutan ng hininga pero hindi nito alam ang kaniyang dapat gawin.

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon