CHAPTER THIRTY-SIX

4.5K 183 103
                                    

Matapos ang pagluha ni Calix sa may pintuan ay itinulak ni Mildred ang pinto upang makapasok. 

Dahil naman sa nanghihinang mga braso ni Calix ay wala itong nagawa kundi ang panoorin ang kaniyang inang itulak siya papalayo saka pumasok at isinara ang pinto. 

"Halika" saad ng matanda saka hinawakan ang anak sa braso at hinila ito palapit sa kama kung nasaan sa ibaba nito, nakahandusay ang isang bote ng alak habang nakabukas ang takip ng isa na sinasamahan ng ika'tlong halatang 'di pa nagagalaw. "Umupo ka, sasamahan kitang maglasing" kumunot ang nuo ni Calix nang marinig iyon. Pinanood niya ang kaniyang ina na umupo sa malamig na sahig saka binuksan ang isang bote ng alak.

"Ma, hindi mo kailangang gawin 'yan-"

"Tumahimik ka nga at umupo na lang, Calix!?" Tila nagalit ni Calix ang kaniyang ina nang sigawan siya nito. Dahil doon, agarang umupo sa sahig ang anak habang nasa tapat niya ang kaniyang ina. "Uminom ka lang" mahinahon nang utos ni Mildred saka idinikit sa kaniyang labi ang bunganga ng bote.

Bago niya ito tinungga ay sinulyapan muna nito ang kaniyang anak. "Hindi kita pinipigilan, kaya ubusin mo lang 'yang isang bote kung gusto mo" halos pabulong nitong sabi.

Inabot ng isang minuto bago tinanggap ni Calix na hinding hindi aalis ang kaniyang ina kaya pinulot nalang nito ang kaniyang bote ng alak saka nakipagsalo ng isang gabing paglalasing kasama si Mildred.

Kahit ayaw ni Calix na may kasalo ay wala rin siyang nagawa. Hindi na nga niya napansin at lumipas na ang mga oras, naubos narin ang kaniyang isang bote kaya ngayon ay tinatamaan na ang kaniyang sistema.

"Marami akong obligasyon e." Paninimula nito ng kwentong nais malaman ni Mildred.

Totoo naman kasing ni minsan hindi naki-alam si Mildred sa paglalasing ni Calix. Alam niyang wala siyang kaalam alam sa lahat ng nangyayari sa anak nito ngunit nanatili siyang tahimik dahil na rin sa katotohanang hindi rin namang magsasabi si Calix kung may nagtatanong.

Pero, gaya nga ng sinabi ng matanda na dalawang taon na ang nakalipas kay tapos na ang pananahimik nito, mas lumalala na rin naman kasi ang pagsasarili ni Calix ng kaniyang problema at umabot pa rito.

Alam ng matanda na may mali,

Alam niyang may nais sabihin ang kaniyang anak,

Pero kasabay nun ay ang ugali ni Calix na naglilihim at nagkikimkim,

Kaya wala na siyang mapagpipilian kundi ang hayaan ang anak niyang maglasing,

Para lang mabukdan nito ang kaniyang dinadamdam.

Ang tanong, handa ba si Mildred sa mga sasabihin ni Calix?

Nagsimula na naman ang pagtulo ng luha ni Calix kaya siya tumingala habang kumukurap. Pinaypayan nito ang kaniyang mga mata ngunit sadyang gusto nang kumawala ng kaniyang mga luha. "Anak ako" saad niya, kasabay nito ang pagtulo ng kaniyang luha kaya yumuko na lang ito. "Panganay ako ma, ninang ako, at higit sa lahat babae ako." Bawat bigkas ng mga salitang iyon ay sumasabay ang pagkumpas ng kaniyang mga luha pababa sa kaniyang mga pisngi. Huminga ito nang malalim kung kaya narinig ang kaniyang pagsinghot dahil na rin sa namamasa na ang loob ng kaniyang ilong. "andami kong obligasyon na hindi ko na alam kung saan ako kakaliwa."

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Tumingala si Calix. Tinitigan nito ang kaniyang ina, nagdadalawang isip kung dapat ba niyang sabihin o huwag na...

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon