CHAPTER TWENTY-NINE

3.2K 130 94
                                    

Matapos ang pagluha't pagsisigaw ni Blaine sa daan malapit sa malawak na palayan ay akala ni kai na tatahimik na ito. Naghirap pa nga siyang alalayan ang dalaga papasok ulit ng tricy kahit nangangamoy suka na si Blaine. Kasi naman, kung mananatili pa sila rito ay mabubusog na ang mga lamok. Payat pa naman si Kai kaya siguradong magiging bangkay na siya pag nasa labas pa sila nang ilang segundo. 

Dahil narin sa ayaw niyang mangyari iyon ay kahit mayroon siyang mahinang katawan, pinagpilitan niyang buhatin ang kalahating bigat ni Blaine. Hindi siya nagpatulong kay Manong driver dahil sa mukha palang ng taong 'yun, wala na siyang balak na tumulong. Sabagay, sino may gustong mangamoy alak pagkauwi ng bahay para lang masigawan at palayasin ng asawang naghihintay, nagaakalang nangabit na ito o kung ano. 

Pilit inintindi ni Kai ang hula-hula lang ng kaniyang isipan. Masyado naman ata siyang makapal kapag tatanungin niya pa si Manong driver e, hindi naman sila magkakilala. Babayaran niya lang ito para ihatid sila. Hindi nga sigurado si Kai kung taga-dito si Manong. Isa pa, kaya na niya si Blaine. Kahit mabigat ang dalaga ay kaya na niya. Wala siyang pakialam kahit na nasasalinan ang balat niya ng amoy ng dalaga. hinayaan niya lang. Ginawa niya lahat ng iyon para lang makauwi na sila at makapagpahinga na.

pero malas niya, sadyang iba ang balak ni blaine. 

Pagkarating palang kasi nila ng baryo ay bumungad agad ang bahay nila Calix. Kung kaya kahit hindi nagsasalita si Blaine ay bigla biglaan naman itong tumayo mula sa pagkakaupo. Syempre nagulat ang driver dahil sa ginawa ng dalaga kaya niya inapakan ang preno nang kay bilis. Sakto naman at tuloy na nakalabas ang kalatahi ng katawan ni Blaine kaya niya naiapak ang isang paa nito sa lupa. 

"A-anak ng kabayo naman Blaine! Anong iniisip mo!?" hindi makayang hindi magalit ni Kai dahil kanina pa niya sinasalo ang pagiging baliw ni Blaine. bigla biglaan ba namang tatalon paalis ng tricy, akala mo kung sasaluhin malambot na lupa. Buti nalang at kaya pa niyang maglakad dahil paa niya ang unang nakipagsalamuha rito. 

"Calix…" tanging sirang plakang bulong ni Blaine saka tuluyang lumabas ng tricy at tila lasing na maglakad. Sabagay, lasing naman talaga siya pero ang lakad niya ay mas masahul pa sa nagsasayaw ng Drunk Dance.  

"H-huy! Maghintay ka naman! San ka na naman pupunta!? BLAINE NAMAN UMUWI NA TAYO!" Nakikiusap na talaga si Kai pero ayaw makinig ni Blaine. Bagkus ay nagpatuloy siya kahit kaunti nalang maaari nang magsalubong at maghalikan ang mga paa niya dahilan para matalisod ito at isubsob naman sa lupa ang mukha. 

"Por dios santos, Blaine! Nakakainis ka na talaga! Haysst, ito manong umalis kana!" Padabog na ibinigay ni Kai ang bayad nitong sakto para sa dalawang tao kahit labag sa kalooban. Abay, hindi pa sila nakakarating sa kanilang bahay kaya ito nasasanayangan. Materialistic, nga naman. 

Lumabas siya saka galit na sinunod si Blaine. Kahit naman kasi gusto niyang mauna na ay hindi maaari, nakita siya ng lahat umalis ng mansyon kasama ang dalaga tapos iisa lang siyang uuwi magisa sa hating gabi? Who knows what will happen to her poor body in the morning. 

"Calix! Calix magusap tayo!" Lumaki ang mga mata ni Kai at natigilan sa paglalakad nang magsimula na naman si Blaine sa pagsisigaw. Tapos ang mahirap pa, wala na sila sa palayan. Nasa isang maliit silang baryo kung saan halos magkakadikit ang mga bahay, isama mo pa't gabi na. Natutulog na ang mga tao! 

Kung titignan, tila wala namang pakialam si Blaine. Para siyang barong-badong lasing na naglakad palapit sa pinto ng bahay nila Calix at malakas itong binugbog. Buti nalang at matibay ang kahoy na gamit nila Calix dahil nananatili parin itong nakatayo't walang galos. 

"Calix lumabas kana dyan, may sasabihin lang ako!" Pagsigaw parin ni Blaine. Ayaw tumigil sa pagdabog sa pinto. Sadyang desidido na makausap ang taong nagpaiyak sa kaniya sa buong araw na ito. 

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon