CHAPTER 13

839 67 433
                                    

Vianne's Pov

Iniwan ko na si Lianna at umakyat na sa taas. Tinawagan ko kaagad si Luke pagkapasok ko sa kwarto. May dahilan ako kung bakit tinawagan ko si Luke, iyon ay para papuntahin ito sa bahay. Dahil hindi kompleto ang barkada kapag wala ang isang iyon. Bukod pa roon, naaasiwa ako sa pananahimik ni Lianna, mas sanay ako na maingay at makulit siya.

Alam ko at ramdam ko ang pinagdadaanan ng kaibigan ko sa pamilya niya, pero kahit anong payo ang gawin ko'y hindi talaga nakikinig. Kaya bilang mabait na kaibigan, pasasayahin ko ang dalawang araw na pananatili niya sa bahay ko. At bukod tanging si Luke lamang ang makakagawa niyon.

Anyway, kailangan ko nang bumalik sa baba dahil may thesis pa ako na dapat tapusin. Kapag talaga nalalapit na ang final exam at graduation, asahan niyo na walang katapusan thesis ang ipagagawa ng mga professor sa studyante. Kaya lahat tuloy ng studyante ay under attack ang utak. Maging ang utak ko'y parang ayaw ng mag function ng maayos.

"Bess papunta na si kurimaw?" Salubong na tanong sa akin ni Lianna.

Kung ano-ano na ang tinatawag ng babaeng ito kay Luke. Hindi nauubusan ng pet name ang bruha.

"Mm.. magiging maganda na ang araw mo." Pabirong sabi ko bago umupo sa sahig at muling humarap sa nakabukas na laptop.

"Ano?!" Gulat na bulalas niya, "Hoy bess," dinuro niya ako at nakapamaywang na lumapit sa akin. "FYI, maganda ang araw ko kahit wala ang hayop na 'yun." Singhal niya na inismiran pa ako.

Asus, pakipot talaga. Kunyari galit-galitan ang peg para hindi kuno halata. Huwag ako Lianna!

"Talaga ba? Kahit mamatay pa man si Luke?" Naghahamong tanong ko.

"Ui, huwag naman 'yung mamatay, bad na 'yun eh." Nakangusong tugon niya na biglang nagbago ang hitsura.

"Biro lang 'yun," sagot ko. Hinanap ng paningin ko si unggoy dahil hindi ko ito nakita pagbaba ko. "Nasaan si ampon?" Tanong ko. Bago ako umakyat sa kwarto ko ay silang dalawa ang magkasama kanina.

Wala akong narinig na sagot mula kay Lianna, kaya muli ko itong sinulyapan. Kumunot-noo ko ng makitang nakangisi ang lukaret.

"Ikaw ha, bakit mo hinahanap?" Nakakalokong tanong niya pabalik.

"Huwag ka ngang malisyosa," kahit kailan talaga ang utak ng babaeng ito'y napakadumi.

Ngumuso ang lukaret. Feeling niya siguro kinaganda niya ang ganoon paghaba ng nguso. Kung alam niya lang, muntanga siya sa itsura niyang 'yon.

"Hindi ah," hindi raw pero nakangisi. "Nakita ko siyang lumabas kanina, baka pumunta sa garden ni tita." Nakangisi pa ring aniya.

"Sana lang diligan niya mga halaman ni mommy." Ani ko.

"Ays! Iutos mo na lang yan sa katulong, hindi bagay sa future husband ko ang tagadilig ng garden ni tita." Napapangiwing sagot ng lukaret. "Tsk! Ayan na ang kurimaw." Dinig ko pang sabi nito na dahilan ng paglingon ko sa main door.

"Hi babe, hi Lianna." Bungad ng bagong dating na si Luke.

"Talagang hindi mapagsabihan sa babe, eh, no?" Taas kilay na turan ko.

Napakamot naman si Luke sa batok, madalas niyang gawin iyon pag nasisita ko.

"Nasanay na eh."

"Style mo bulok." Sabat ni Lianna.

"What did you say witch?"

Ayan na naman sila nag uumpisa nang magtalo.

"Sinong witch ang tinatawag mong damuhong kurimaw ka, ha?! Sa ganda kong 'to, witch? Pwes! Impakto ka naman."

"Ikaw maganda? NO WAY!"

Iniwan ko ang dalawa at lumabas para puntahan si unggoy sa garden. Naabutan kong inaamoy nito ang mga orchids na tanim ni mommy. Mahilig kasi si mommy sa mga orchids at halamang namumulaklak. Mas alaga pa nga niya ang halaman kaysa sa akin na anak niya eh. Pero ang totoo libangan lang ni mommy ang paghahalaman, dahil kapag nandito siya sa pinas ay hindi siya pumapasok sa work. Si daddy, ako, at mga halaman niya lang ang pinagtutuunan niya ng atensyon.

Hays! Namimiss ko na sila.

"Isa yan sa favorite ni mommy," panimula ko habang pinagmamasdan ang halamang hawak niya.

"Lahat ata 'to favorite ng mommy mo," nag-angat ng tingin si unggoy. "How about you, what yours?" Nakangiti ito at titig na titig sa akin.

"Tulips and lilies," sobrang gusto ko talaga iyon. "And yours?" Interesadong tanong ko.

"None."

"None?" Pag uulit ko. Gusto kong malaman kung bakit wala siyang paborito. Bihira sa lalake ang may hilig sa bulaklak, maaaring hindi kabilang si unggoy doon.

"Yeah.. none, but.."

"Babe!"

"Bess, dali, hawakan mo ang bwesit na yan!"

Naputol ang usapan namin ni unggoy dahil sa dalawang paepal na dumating. Tumatakbo si Luke papunta sa akin habang hinahabol ni Lianna.

Ano na naman kaya ang trip ng mga ito.

"Babe help! She's trying to kill me." Si Luke na animong batang nagsusumbong sa magulang. Nagtago pa ito sa likuran ko na ginawa akong pangsangga sa bruha.

"Wag kang bakla damuho ka! May patago-tago ka pang nalalaman sa likuran ni bess, ah! Labas dyan!"

Gulat akong napatingin kay Lianna dahil may hawak itong kutsilyo na diretsong nakaduro kay Luke.

"What the hell Lianna? Bakit may hawak kang kutsilyo? Give it to me." Natatarantang sabi ko na lumapit pa sa kanya at iniwan si Luke. Niyakap ko siya at kinuha ang kutsilyo at ibinigay iyon kay unggoy. "Tell me what happened," nag aalalang sambit ko habang yakap siya.

"Nagbibiruan lang kami bess," humahagikhik na bulong niya sa tenga ko. At dahil doon awtomatik ko siyang naitulak palayo sa akin.

Naningkit ang mga mata ko sa inis at masamang-masama ang tingin ko sa kanila dahil napagtripan na naman ako ng mga buset na ito. Muntik na akong atakehin sa puso dahil sa takot. Tapos sasabihin nagbibiruan lang? As in lang?! May araw din sila sa akin!

"Galit ka bess? Sorry na.. joke lang talaga namin 'yun ni impakto." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lianna. "Hindi na mauulit bess, pramis." Tinaas pa nito ang kanan kamay, "Hoy bakla, ikaw din mag sorry ka kay bess."

"Sorry babe, pinaprank ka lang namin ni Lianna."

Sorry? Edi wow!

Pagkatapos akong takutin sorry lang ang sasabihin nila?Ako na ang maarte at pabebe pero wala kayong pakealam dahil talagang kinabahan ako roon.

Tinalikuran ko sila at naglakad pabalik sa loob, pero ilang hakbang pa lang ay tumigil ako. "Sa susunod na i-prank niyo ulit ako, hinding-hindi na kayo makakaapak pa sa pamamahay ko." Talagang hindi na sila makakapunta rito. Kahit kailan. At kapag sinabi ko ay ginagawa ko.

Kahit malayo na ako sa pwesto nila ay naririnig ko pa ang malakas na bulungan ng dalawa. Ganoon sila mag-usap pabulong daw pero sinasadyang iparinig sa akin.

°°°

Nakakastress ang PLDT napakaslow ng connection. Pero ang mahalaga, nakapag-update na ako 'di ba? So ayun po, don't forget to vote and comment mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon