CHAPTER 8

941 84 405
                                    

Vianne's Pov

Naalimpungatan ako sa kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko napansin nakatulog pala ako habang nagpapatuyo ng buhok.

Tumayo ako upang pagbuksan ang kung sino man gumising sa akin.

"Hey, are you not going to eat?" Bungad ni unggoy pagkabukas ko ng pinto. Salubong ang mga kilay nito at halatang kararating lang dahil nakasuit pa.

"Anong oras na?" Tanong ko habang humihikab sa harap niya.

"It's almost midnight," sa boses pa lang halatang pagod ito.

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko, medyo nagulat ako kasi ang haba ng naitulog ko. Hindi na nakapagtatakang nag-aalburuto ang tiyan ko sa gutom.

Muli kong nilipat ang paningin kay unggoy, "Kumain ka na ba? Sabay tayo kung hindi pa," sabi ko.

Wala naman masama kung magkasama kaming kakain hindi ba? Tsaka, nakakalungkot kayang kumain mag-isa.

Mataman ako na tinitigan ni unggoy, iniisip siguro na pinagtitripan ko na naman siya.

"Tabi nga riyan iinitin ko ang ulam, bumaba ka na lang." Mahina ko siyang tinulak para makalabas ako sa pinto.

Iniwan ko si unggoy na nakatayo pa rin sa pinto ng kwarto ko.

Magpasalamat siya gutom ako ngayon at may sapat akong tulog. Dahil kung nagkataong hindi ako nakapagpahinga baka nataratitat ko naman siya sa pang-iisturbo niya sa tulog ko.

Napangiti ako pagkapasok sa kusina dahil may pagkain nang nakahanda sa ibabaw ng lamesa.

Nasisiguro kong si Nanay Choling ang gumawa nito. Alam niyang kumakain ako kapag nakakaramdam ako nang pagkagutom sa alanganin oras ng gabi. Madalas niyang gawin iyon kahit hindi ako magsabi bagay na nakakatuwang isipin dahil inaalagaan niya ako ng husto.

"Oh my God," sambit ko ng maalala kong kailangan ko pa lang initin ang ulam.

Una kong ininit ang chicken curry at sinunod ang soup at iba pa.

Nang matapos ako ay agad kong hinain ang mga iyon sa lamesa.

"Done?"

God, ayan na si unggoy.

Lumingon ako sa kanya at nakapambahay na ito. "Yeah, let's eat?" Anyaya ko.

Tumango si unggoy at lumapit sa mesa at saka umupo.

Umupo na rin ako at medyo malayo sa upuan niya ang inupuan ko.

"Plate."

Inabot ko sa kanya ang plato, spoon and fork. May nakahanda nang plato sa mesa bago pa man ako pumunta rito sa kusina.

"Rice," inabot niya sa akin ang kanin dahil medyo napalayo nga ako di'ba?

"Thanks," tipid kong sagot.

Nagsimula na kaming kumain ni unggoy. Kapansin-pansin ang pananahimik niya ngayon o baka dahil sa pagod lang ito.

Yeah, he's really tired.

So what kung pagod siya? Pake ko naman.

"Tapos ka na?" Takang tanong ko dahil tumayo na agad ito, ni wala pa ngang sampung minuto ang itinagal ng pwet niya sa upuan. Grabe, ayaw niya ba ako makasamang kumain?

Shit! Baka gumaganti ang unggoy na 'to? Naku naman..

Tumango siya, "I'll wait for you until you finish your food," kaswal niyang sabi. "I'll do the dishes." He added.

"Hindi na, kaya ko na 'to." Agarang sagot ko.

"Ako na."

"Ako na lang sabe!"

Tinitigan ako ni unggoy ng seryoso, "May pasok ka pa bukas kaya ako na."

"So what?!" Inis na tanong ko.

"You need to rest."

"But.."

"The talk is over Vianne."

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil ayaw kong magtalo na naman kami sa mababaw na dahilan. Mas mabuting ako na lang ang umiwas at magpakumbaba. Para na rin sa kagustuhan ng mga magulang ko na tanggapin si unggoy bilang kapatid ko.

Akmang tatayo na ako nang..

"Ako na ang magliligpit."

Napatingin ako sa mga mata ni unggoy ng diretso. "Bakit mo 'to ginagawa?" Seryosong tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang bait niya ngayon gabi. Kulang na lang ay magkaroon siya ng halo at pakpak.

Lumamlam ang mga mata niya, "I want you to accept me." Mahina ngunit dinig na dinig ng dalawa kong tainga ang anim na salitang binitiwan niya.

Ramdam ko ang lungkot ng sabihin niya iyon.

"Umakyat ka na, ako na bahala rito." At sabay kuha niya sa pinagkainan ko.

Tumango ako bilang tugon at saka ako tumalikod sa kanya. Pero bago ko simulan ihakbang ang mga paa ko palabas sa kusina ay, "Hindi madaling tanggapin ka.." huminga ako ng malalim. "Pero susubukan kong gawin." Pagkasabi ko niyon ay tuluyan na akong lumabas ng kusina.

Mom, Dad, sana tama ang naging desisyon ko na tanggapin ang ampon niyo.

°°°

Keep supporting my story. Thank you mwahh!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon